K A B A N A T A 53 Surprise NAALIMPUNGATAN ako nang hindi ko makapa sa tabi ko si Ashton pero napangiti ako nang mahawakan ang mabalahibong aso na pinagdidilaan pa ang kamay ko. “Nasaan ang amo mo, Boss?” Natawa ako nang kumahol siya na tila sinasagot ang tanong ko. Ginulo-gulo ko ang buhok niya at tumayo ako nang makaramdam ng gutom. Pasado alas-onse na pala ng gabi. Kanina sa sobrang pagod ay hindi na ako nakakain at namalayan ko na lang nakatulog na ako. Nakapaang naglakad ako palabas ng kuwarto at hinanap si Ashton. Natagpuan ko siya sa sala na tumatango-tango habang nakalagay ang cellphone sa tainga niya. “Yes, Sanya, thank you so much for your help.” Kumunot ang noo ko nang makitang tumawa pa si Ashton matapos sabihin iyon sa kausap sa cellphone. Sanya? Anong oras na ba’

