K A B A N A T A 49 Three months later… “MASAMA sa kalusugan ‘yan.” Nilingon ako ng babaeng asul ang buhok at inikutan ako ng mga mata. Tila walang narinig na pinagpatuloy niya ang paghithit sa sigarilyo na tila ba roon nakadepende ang buhay niya. Bahagya akong naubo nang malanghap ko ang usok at tila inis na inis ang mga matang nilingon niya ako. Ibinato niya ang hawak at pinag-aapakan ‘yon. Napangiti ako at naupo sa tabi niya. Kahit na halos mapuno ng tattoo ang katawan niya at pagkarami-raming piercings tenga at ilong niya. Hindi iyon naging hadlang para hindi ko makita ang natatangi niyang ganda. “Anong pangalan mo?” Umismid siya. “Hindi mo pa ba narinig kanina? Nandoon ka ah,” masungit niyang sabi sa akin. “Pero sabagay sino bang makakaalala sa panget kong pangalan—" “Nieves Bl

