Mahinang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako umupo sa isa sa mga silyang nasa harapan namin. Naghintay lamang yung dean na umupo si Jimenez bago siya nagsalita. "Alam niyo naman siguro ang batas na nilabag niyo dito sa institusyong ito." pagsisimula ng dean. "Mr. Jimenez" pagbaling niya ng atensyon sa lalaking kaharap ko ngayon. "Ms. Montreal" pagkilala rin niya sa akin at tiningnan rin ako. Nanatili lang kaming tahimik pareho. Mabuti na nga lang dahil yung paghalik lang sa akin ng lalaking yan yung nadatnan ni Professor Cieba sa room na iyon. "The offense you have both violated is analogous under category three. Doing indecent things and informalities in the school is prohibited." nakatuon lamang yung atensyon ko sa dean. "It's a must to have a conference with you. But because

