"Rain Montreal." "Rain Montreal." "Rain Montreal." Pang ilang ulit kong narinig yung pangalan ko na binanggit ng isang gago na papunta sa direksyon na kinaroroonan ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil alam kong isang asungot lang ang may boses na ganyan. Simula nung tumuntong ako sa unibersidad na ito ay memoryado ko na ang itsura ng lalaking yun at maging boses nito ay kilalang-kilala ko na. Patuloy lang ako sa paghahalungkot ng gamit ko mula sa locker ko at nag-aalalang baka male-late na ako sa next class ko. "Ms. President." Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil paniguradong mangugulo lamang siya. Wala yang ginawa kundi ang bwesitin ako. Nang sinara ko na yung locker ko ay naramdaman ko nang papalapit na ang hakbang niya sa likuran ko. "Babe." and this time ay nasa li

