Agad kong hinawakan yung labi ko matapos ang saglit na halik na yun. Pinamulahan ako hindi dahil sa kinikilig kundi sa galit. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Nakatitig lang siya sa akin. Mabuti na lang at walang estudyante dito dahil hindi kadalasan sa mga nag-aaral doon ay rich kid at ayaw sa mga ganitong klaseng lugar. Wala naman sigurong nakakita sa amin maliban na lang sa mga taong nandito ngayon dahil kung meron man, paniguradong uulanin na naman ako ng batikos. Palagi naman kasing ganyan, kapag sino yung nakitang kasama niya ay tiyak pagchichismisan talaga. Ang daling kumalat ng balita pag si Jimenez na yung kasama sa topic. Wala lang naman 'to sa kanya dahil sanay na siyang maging laman sa mga issue. Sanay na siya na sa kanya yung spot light. "Masarap na yung pagkain ko Jime

