KIER’S P.O.V.
TININGNAN KO SINA Mr. Esteban na patungo sa upuang nakalaan para sa mga ito. Napapailing na lang ako habang iniisip kung bakit si Maqi pa ang napili niyang isama. Hindi ko alam ang iniisip ni Esteban. Sa tagal na rin naming magkakilala ay hindi ko kahit kailanman mahulaan ang mga gagawin niya. Lahat ay sinasarili niya at sasabihan na lang kami kung ano ang gagawin.
At ngayon, hindi ko alam kung ano ba ang pinapakita niya kay Maqi? Ngayon ko lang din naman siya nakita na humawak muli sa babae maliban kay Xena.
Pero sana ay hindi na niya isinama si Maqi rito. Dahil oras na malaman ito ng mga kalaban niya ay tiyak na si Maqi ang pupuntiryahin ng mga ito.
Pasimple akong humawak sa ear piece na nakakabit sa likod ng tainga ko. Hindi ito halata dahil kakulay ng balat ko upang hindi makita ng sino mang narito ngayon sa party. Naupo ako sa isang high chair kung saan meron nakaupo na isang lalaki at babae.
May lumapit na waiter at inabutan ako ng alak. Napangiti ako dahil mabuti naman at meron nito ngayon. Sumimsim ako at napatingin sa babae at lalaki.
“Fourty minutes na lang,” dinig kong sabi ng lalaki.
“Sa ground ang exit,” sabi naman ng babae. Napaisip ako sa pinagbubulungan nila. Pasimple ko silang tinignan pero hindi ko makilala dahil nakamaskara.
May naamoy akong masamang binabalak ng mga ito.
BIEN’S P.O.V.
“HOY, BIEN! HANAPIN mo nga ang ground exit.”
Napahaplos ako sa tainga ko dahil sa sigaw ng ugok na si Kier.
“Nakakarindi talaga ang boses mo. Anong meron sa ground exit? At paano magkakaroon ng ground exit kung ang exit dito sa hotel ay doon sa bungad at sa iba pang exit floor?”
“Kaya nga alamin mo dahil may naaamoy akong mausok,” sabi nito.
“Oo na. Gawin mo na lang ang duty mo,” sabi ko sa kanya at tinungo ang elevator.
Paglabas ko sa elevator ay tinungo ko kung saan nakamonitor ang mga CCTV.
“Bata, bawal ka rito,” pigil sa akin ng dalawang naka-formal suit at alam ko na merong nakasuksok na baril sa mga pants nila.
“Hinahanap ko kasi kung saan ko nahulog ang wallet ko. Kaya gusto kong tignan sa CCTV,” sabi ko at ambang papasok ng pigilan nila ako. Hinawi ko ang kamay nila at lumayo nang kaunti.
“Hindi nga pwede, bata. Umalis ka na rito,” sabi ng mga gunggong na ito.
“Kung gano’n ay samahan n’yo na lang ako sa elevator. Sira kasi,” palusot ko pa at tumalikod na sa kanila.
Ramdam ko ang pagsunod nila.
Tumingin ako sa paligid at kinuha ko ang silent gun na nakalagay sa coat ng tuxedo ko. Hinarap ko sila at inuma ang baril at pinaputukan sila sa dibdib.
Bulagta agad ang dalawa kaya sinuksok kong muli sa coat ng tuxedo ko ang baril.
Hinila ko ang dalawa sa isang room at doon inilagay para walang ebidensya.
Tinungo ko muli ang room ng cctv at tiningnan ang paligid.
Kumuha ako ng gunting at hinanap ko ang bawat wire ng bombang nilagay rito sa hotel. Tinignan ko rin ang sinasabi ni Kier na ground exit.
“Kier. Kier, ang anak ni Diaz ay patungo sa isang room,” sabi ko.
“Copy. ’Yong ground exit, alam mo na?”
“Oo. Nasa housekeeping department. Alisin mo ang malaking washing machine at doon mo makikita ang daanan palabas,” sabi ko at pinokus ko na ang isip sa pagputol ng mga wire.
MAQI’S P.O.V.
NAUPO NA KAMI ni Esteban at pansin ko na tahimik siya at tila kakaiba ang awra niya ngayon.
Nakaramdam ako ng pag-ihi dahil hindi naman ako nakapagbanyo kanina.
“Esteban, C.R. lang ako,” paalam ko at tumayo na.
“Samahan na kita,” sabi niya at humawak sa baywang ko.
“Huh? ’Wag na. Kaya ko naman,” sabi ko at hinawakan ang kamay niya para alisin.
Agad akong umalis, pero ramdam kong sumunod pa rin siya. Hindi ko na pinansin dahil naiihi na talaga ako. Lumabas ako ng hall kung saan may party na nagaganap.
Mabuti at may malapit na banyo lang kaya doon ako tumuloy.
“D’yan ka na lang, Esteban,” pigil ko sa kanya na tila nais pang pumasok din.
Sinara ko na ang mismong pinto at tinungo ang isang cubicle.
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa ginhawa. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos kong gumamit ng banyo.
Nag-retouch ako saglit bago lumabas.
Paglabas ko ay nakasandal si Esteban sa pader. Nang makita akong lumabas ay agad siyang umayos ng tayo at lumapit sa akin.
“Let’s go,” aya nito at hinawakan ako sa kamay. Tila nagiging komportable na siyang hawakan ang kamay ko. Pero bakit hindi man lang ako tumatanggi? Gusto ko rin ba?
Lumakad kami pabalik sa hall nang may makasalubong kami na isang grupo. Medyo matanda na ang nasa unahan ng grupo at hindi ito nakamaskara gaya namin kaya kita ko ang medyo pagngisi ng isa na mukhang Hapon ang lahi.
“Oh! James Esteban son. Nice to meet you, Gab,” bati nito at naglahad ng kamay. Paano niya nalaman na si Gab ang kasalubong niya?
“It’s my pleasure, Sir Matsumato,” balik na bati naman ni Esteban sa seryosong tono.
Nabigla ako nang tumingin itong si Mr. Matsumato sa akin, “And you are his wife or girlfriend?” tanong nito sa akin.
“No. She’s my date,” sagot ni Esteban pero hindi naman siya ’yong tinanong kundi ako. Ramdam ko na humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Oh, really?” Napangiti ang matanda.
“Hindi ko alam na may iba ka pa pa lang babae sa buhay mo bukod kay Xena,” sabi ni Mr. Matsumato na ikinatingin ko kay Esteban.
Hindi sumagot si Esteban. Seryoso lamang ang reaksyon niya.
“I’m sorry but excuse us, Mr. Matsumato,” sabi ni Esteban sa matanda at hinila na ako papasok sa loob ng hall.
Tiningnan ko siya habang nakaupo na kami rito sa seat namin. Malalim ang iniisip niya at alam ko na dahil iyon sa binanggit ni Mr. Matsumato.
Pero bakit ako nakaramdam ng sakit?
Bakit ako apektado sa kaalaman na apektado rin si Esteban? Ano ba ang kailangan niya sa akin kaya niya ako nilalapitan? Meron naman pala siyang ibang babae . . .
Mabuti na lang at nakamaskara ako kaya hindi niya makikita ang pagngilid ng luha ko. Tumingin ako sa stage kung saan umakyat ang tila host ng party na ito.
“Good evening, Ladies and Gentlemen. To start this party, let’s welcome Mr. Matsumato,” sabi ng host kaya napatingin ako sa matandang nakasalubong namin kanina na umakyat na ng stage.
Nagpalakpakan ang mga bisita at maging ako.
“Thank you for coming to my party. At syempre, gusto kong malaman n’yong lahat na ito ay isang mahalagang araw. Meron akong bidding game kung saan ay ipapa-auction ko ang ilang ari-arian ko na hindi ko na kailangan pero alam ko na meron sa inyo ang magkaroon ng interest,” panimula ni Mr. Matsumato.
“Ilabas na ang mga ipapa-auction,” anunsyo nito kaya may mga lalaking nakasuot ng formal suit habang may mga gloves sa kamay nila ang lumabas. Tulak-tulak nila ang mga alahas at ilang mamahaling gamit na may takip-takip na salamin.
May nag-play sa isang malaking screen at pinaliwanag doon ang mga uri ng gamit na ibebenta. Wow! Ang mamahal.
“And now, let’s start the bidding,” sabi ni Mr. Matsumato nang maayos ang mga ipapa-bidding. Umalis sa harap ng stage si Mr. Matsumato at naupo sa gitna kung saan merong upuan na tila sa hari. Nasa likod niya ang mga tauhan niya na kasama nito kanina.
Sinimulan na ng host na sabihin kung ano ang unang ibi-bidding. Napatingin ako kay Esteban na tila nakatingin sa isang kwintas na gawa sa perlas na itim at puti. Maganda at tila napakamahal ng halaga no’n.
Tumagal ang bidding pero ni isa ay walang binili si Esteban. Hanggang sa kwintas na ang ipa-bidding nila.
“Okay. For this pearl necklace . . . Let’s start for five million pesos.” sabi ng host.
Five million pesos? For real? It’s so expensive.
“Kukunin ko ’yan!” mayabang na sabi ng isang lalaki.
“Ten million pesos!” sigaw naman ng isang matanda.
“Twenty million pesos!” sabi naman ng isa rin na ayaw magpatalo.
“Twenty million pesos going twice, going trice,” sabi ng host.
“Thirty million pesos!” sigaw ng isang blonde foreigner. God! Nakakagulat ang mga niwawaldas nilang pera para sa isang kwintas. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakahawak ng ganoong kalaking pera. Tapos sila dahil sa simpleng kwintas ay handa silang magwaldas.
“Fifty million!” sabi ng isang binata at nagulat ako dahil nakatingin siya sa gawi namin.
“Oh! Fifty million pesos. Anyone higher?” sabi ng host na tila ba hindi na makahinga sa laki ng bidding.
“Sixty million pesos!”
“Sixty million pesos! Going twice.”
“One hundred million!” Gulat na napatingin ako kay Esteban na nagtaas ng number niya at hindi lang iyon ang kinagulat ko, dahil tinapos na niya ang bidding sa kwintas dahil mas malaki ang pinatong niya.
“One hundred million for 124. Anyone higher on that?” wika ng host. Nang wala nang sumagot pa ay inanunsyo na nito na si Esteban na ang nakabili.
Hindi ako makapaniwala na may interes siyang bilhin ang kwintas na iyon.
Dahil tapos na ang bidding ay tumayo na si Esteban. Tatayo na rin sana ako nang pigilin niya ako.
“Stay here,” sabi niya at lumapit kung nasaan ang perlas.
Nakita ko na kinausap siya ng host at inaya sa isang room habang dinala rin doon ang ilang nakabili ng pina-auction.
Napatingin ako sa isang batang babae na tila naliligaw. Tumingin ako sa pinasukan ni Esteban.
“Matagal pa naman siguro siya roon,” ani ko at tumayo mula sa kinauupuan ko.
Nilakad ko ang pagitan namin nung bata na umiiyak sa pinto nitong hall.
“Hi, baby,” bati ko rito at lumuhod sa harap nito. “Bakit ka umiiyak?” tanong ko habang pinupunasan ang luha niya.
“I don’t know where’s my mom. She’s leaving without me,” sabi nito.
“Gano’n ba. Gusto mo ba na hanapin natin siya?” nakangiti kong tanong para hindi siya matakot sa kaalaman na nawawala siya. Tumango ito kaya lalo akong napangiti. “Tara. Simulan na nating hanapin ang Mommy mo,” aya ko sa kanya at hinawakan siya sa maliit niyang kamay.
Lumabas kami ng hall at sinimulan nang hanapin ang Mommy ng batang ito.
“Baby, naka-check in ba kayo rito sa hotel? Baka nandoon na ang Mommy mo,” tanong ko habang tinatahak namin itong hallway.
“No. Because this hotel is my Dad’s business,” sabi nito kaya napahinto ako.
“Kung gano’n pala ay mahahanap agad natin sila. Kayo pala ang may-ari nito, e,” nakangiti kong sabi at agad na inakay siya patungo sa front desk.
Pero bigla kaming napahinto ng bata nang may biglang kumalabog na malakas at napuno ng usok ang buong paligid. Agad akong napayakap sa bata at binuhat siya.
Natakot ako dahil nakarinig pa ako ng putukan ng baril. Hindi ko pa makita ang nilalakaran ko dahil sa kapal ng usok.
Inubo-ubo ako habang pilit na hinahanap ang daan.
GAB’S P.O.V.
BULLSHIT! WHERE IS she? Damn! I told her to stay to her seat.
“Bien, nakita mo ba si Maqi sa CCTV?” tanong ko mula sa earpiece.
“Yes, Mr. Esteban. She’s at the lobby of the hotel. May kasama siyang bata,” sagot ni Bien kaya agad-agad akong lumabas ng hall.
Pinaputukan ko ang isa na may hawak ng baril.
“Bien, hindi mo ginagawa nang maayos ang trabaho mo,” wika ko nang mariin habang tinatahak ang umuusok na hallway.
“Sorry, Mr. Esteban. Hindi ko akalain na may isa pa palang wire ng bomba,” paliwanag nito.
“Tsk. This is not the right time to explain. Get ready my car and we need to leave this hotel immediately,” sabi ko rito.
Pinuntahan ko ang lobby at nilibot ang paningin. But Damn! Why she’s not here?
Where the f**k is she?!
“Maqi! Where are you?!” mariin kong tawag sa kanya.
Geez, I’m f*****g nervous right now!
“Esteban!” Napabaling ako ng tingin sa kanan ko at doon ay nakita ko siya na hinahatak ng dalawang lalaki na nakaitim habang may suot na maskara.
Agad kong tinakbo ang distansya namin.
Pinaputukan ko sa paa ang dalawa kaya napahinto sila at nabitiwan nila si Maqi na umiiyak na napaupo.
Agad kong tinayo si Maqi at niyakap.
Hinaplos ko ang buhok niya at likod.
Tumingin ako sa dalawang lalaki at pinuputukan muli ang mga ito. Bulagta na ang mga ito at wala ng buhay. Hindi alam iyon ni Maqi dahil silencer gun ang gamit ko. Sinuksok ko sa likod ng pantalon ko ang baril at binuhat si Maqi.
“Saglit. May bata akong kasama. Nawawala siya,” humihikbing pigil niya.
“We need to leave this hotel right now, Maqi.”
Fuck! Bakit ba kumokontra pa siya?
“Pero—”
“No more buts, Maqi. Tandaan mo, meron ka pang kasalanan sa akin,” pigil ko sa pagprotesta niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.
Natahimik siya kaya binilisan ko na ang paglabas sa hotel. Pagdating sa labas ay agad na lumapit si Kier dala ang kotse ko. Agad-agad kaming pinagbuksan ni Bien kaya mabilis ko ring isinakay si Maqi.
Niluwagan ko ang suot kong kurbata at seryosong tumingin sa labas ng bintana.
“Nakuha n’yo ba?”
“Yes, Mr. Esteban,” tugon ni Bien.
“Good,” sabi ko at tumingin kay Maqi.
Nakasandal ito sa bintana habang nakapikit. Agad akong umusog palapit sa kanya at kinuha ang ulo niya upang isandal sa balikat ko.
Tumingin ako kina Bien na nakatingin sa amin mula sa salamin. Umiwas lang sila ng makitang nakatingin ako.
MAQI’S P.O.V.
UNTI-UNTI KONG IDINILAT ang mga mata ko at bumungad sa akin ang madilim na kwarto. Alam ko na hindi ito ang apartment ko dahil sa isang painting ng black angel.
Gagalaw sana ako ngunit hindi ko magawa dahil sa mabigat na bagay na nakapatong sa binti at kamay ko.
Hindi pala isang bagay dahil isang kamay at binti pala iyon. Tumingin ako sa kaliwa ko at nabigla ako nang makita ko si Esteban na yakap-yakap ako habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko.
Paano ako napunta rito? Pero nang maalala ko ang nangyari sa hotel ay napagtanto ko na kung bakit kasama ko pa rin siya.
Pero bakit hindi na lang niya ako hinatid sa apartment ko? At higit sa lahat, bakit kailangan na nakatabi pa siya sa akin?
Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya na nakapulupot sa baywang ko.
“Don’t try to remove that.” Napasinghap ako nang bumulong siya sa tainga ko kaya tumama ang hininga niya doon na nagbigay kiliti sa akin.
“T-tmm-Teka!” pigil ko sa mukha niya nang dumampi ang labi niya sa tainga ko. Pinatagilid niya ako paharap sa kanya kaya halos ilang inches na lang ang pagitan ng mga labi namin.
Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata niya. Tinititigan niya rin ako sa mata na kinalakas ng kabog ng dibdib ko.
“Masyado mo akong pinapahirapan, Maqi,” bulong niya.
“Sa anong paraan naman kita pinapahirapan?” lakas-loob kong tanong habang lumakas din ang kabog ng dibdib ko.
Pumikit siya at tila hindi niya nais na sabihin ang dapat na sasabihin. Tipid akong ngumiti at inalis ang kamay niya sa baywang ko. Naupo ako at napatingin ako sa suot ko na kinalaki ng mata ko. Agad-agad kong tinakpan ng kumot ang katawan ko dahil ang suot ko lang ay isang manipis na tela na night dress.
“Bakit ganito ang suot ko? Ikaw ba ang nagsuot sa akin nito?”
Naupo siya at napasinghap ako nang hapitin niya ako palapit sa kanya.
“Ako ang nagbihis sa ’yo,” sabi niya habang pinagdikit ang noo namin. “Wala namang masama, ’di ba?” mahinang sabi niya habang unti-unting nilapit ang mukha niya sa akin.
Napakapit ako sa braso niya at napapikit nang dumampi na ang labi niya sa akin.
Halos rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
Hiniga niya akong muli habang hindi ako binibitiwan ng halik. Nang bumitiw naman siya sa labi ko ay gumapang ang labi niya pababa sa leeg ko. Napalunok ako at hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko lang siya.
Parang ninanais ng katawan ko ang pagdampi ng labi niya sa balat ko.
Binaba niya ang strap ng night dress na suot ko at tumigil siya saglit sa paghalik sa leeg ko. Tumingin siya saglit sa mga mata ko at tumingin muli sa mga kamay niya na dahan-dahan na ibinababa ang strap ng night dress ko.
Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Tanging panty na lang ang naiwan sa akin kaya napatakip ako sa dibdib ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napadilat ako.
“Don’t be shy, baby,” sabi niya at itinaas ang kamay ko sa ulunan ko. Pinagapang niya ang kanyang mga kamay pababa sa dibdib ko. Napahawak naman ako sa kamay niya nang humaplos ito sa dibdib ko. Ibig ko siyang pigilan pero napadaing na lang ako.
“Hindi mo ako maaaring pigilan na angkinin ka, baby,” wika niya at kinuha ang mga kamay ko saka pinayakap sa leeg niya. Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan muli. Hindi ko na napigilan ang sinasabi ng isip at puso ko dahil kusang gumalaw na rin ang aking labi upang tugunan ang kanyang halik.
Sana. Sana tama ang lahat ng ito. Sana kung ano man ang kahantungan nito ay hindi ako masaktan sa bandang huli.
Dahil ngayon pa lang ay tila hindi ko na mapipigilan ang sinasabi ng damdamin ko . . .