Isang taxi ang inarkela ko papauwi sa amin dahil hindi ako pwedeng makipagsiksikan sa bus bukod sa matagtag ang sumakay dun. Kailangan ko parin ingatan ang sarili ko kahit wala na siya sa akin. Masakit at parang pinipiga ang aking puso sa sakit na nararamdaman pero wala na akung magagawa. Ito ang aking kapalaran ito ang itinadhana sa akin kaya kailangan tanggapin ko ng maluwag sa aking kalooban.
"Ma'am may masakit po ba sa inyo? Gusto po ba ninyong idaaan ko muna kayo sa hospital?" Turan ng taxi driver sa akin dahil sa walang tingil kung pag-iyak.
"Hindi na po Kuya ayus kang po ako. Hihiga nalang po ako dito." Saad ko at inayus ang aking sarili, itinaas ang dalawang paa sa upuna at dahan-dahang nahiga. Mahaba-haba rin ang magiging biyahe namin bago ako makarating sa aming bahay.
Nanlalaki ang mga mata ni Mama ng makita niya ako. Namumugto parin kasi ang aking mga mata sa kakaiyak. Kaagad akung yumakap sa kanya at muling umiyak. Kailangan ko ng isang balikat na iiyakan ngayon at walang iba kundi sa kanya lang. Siya lang ang tangi kung magiging karamay ngayon wala na akung asawa. At ayaw kung may iba pang makaalam ng sinapit ko dahil alam kung papipiyestahan kami ng mga kabitbahay namin. Kilala nila ako ganun din si Treyton. Ayaw kung makarating sa kanya ang mga sasabihin ng mga tao dito sa lugar namin. Ayaw ko din alipustahin nila ako at sisihin sa maling pagpili ng lalaking makakasama ko.
Matapos kung maikuwento kay Mama ang lahat niyakap niya akung lumuluha. Alam kung nasasaktan din siya sa nangyari sa akin. Hindi siya makapaniwalang mangyayari sa akin ito. Malaki rin ang tiwala niya kay Treyton pero ngayon nagagalit siya sa kinahantongan ng lahat.
Wala pang isang taon kaming nakakasal heto na ang nangyari. Malaking kahihiyang ito para sa amin. At siguradong kakalat ang mga balitang alam ko naman may dagdag at bawas na. Maraming mga taong may makakating dila. Kilala nila ang pamilya namin dito, lalo na ako, isang guro at laging sumasali sa beauty contest mataas ang paghanga nila sa amin.
"Ano ang plano mo ngayon anak?" Tanong niyang humihikbi. "Kung nabubuhay lang ang Papa mo baka sugurin niya ang walanghiyang asawa mo. Huwag kang mag-alala andito lang ako. Hindi kita pababayaan, tutulongan kitang mapalaki ang iyong mga anak." Dagdag pa niya.
"Plano ko pong magtrabaho ulit. Gusto ko rin pong lumipat ng ibang lugar dun po sa malayo. Sa pwede po akung magbagong buhay.Yun tayo lang po at walang gugolo sa atin. Gusto ko rin pong mag-apply ng trabaho abroad para mas malaki ang kita. Tatanungin ko po kung available pa yung trabahong inaalok sa akin sa isang hotel nuon." Usal ko.
"Sa ngayon hindi ka pa pwedeng magtrabaho, kailangan mo ng mahabang pahinga para sa pinagbubuntis mo. Para hindi masayang ang pagsasakripisyo mo. Hahanap ako ng gustong bumili ng bahay natin at titingin kung saan tayo pwedeng magsimula." Usal ng kanyang ina. "Magpahinga ka na muna. May pagakain d'yan kumain ka muna at huwag mag-isip masyado baka makasama pa sa iyo ang labis na pag-iisp, makakaraus din tayo." Nag-aalalang turan pa nito sa kanya.
Kahit anung gawin at taboy niya sa isipan na huwag alalahanin ang asawa pero paulit-ulit lang itong umukilkil sa isipan niya. Ang maamung mukha nito gustong-gusto niyang titigan. Ang mga paglalambing nito sa kanya. Kung paano siya alalayan at proteksyonan nito noon sa mga tao sa tuwing may sasalihan siyang beauty pageant. Ngayon, sa isang iglap naglaho ang lahat. Nawalan ng saysay lahat ng mga pangarap na binuo nila. Ngayon suko hanggang langit ang pagkamuhi nito sa kanya ng walang malinaw na batayan. Tanging para sa kapakanan lang nito ang ginawa niya pero hindi siya nito pinakinggan. Nilait at inalipusta, pinagbintangan ng kung anu-anong hindi naman niya ginagawa. Sinaktan siya nito emotionally, mentally and physically. Napalitan ng labis na pagkamuhi ang dating mapagmamahal nila sa isat-isa.
Ang tanging sandata nalang niya ngayon na kinukuhanan ng lakas ang kanya ipinagbubuntis. Ang mga anak niya kaya kailangang ingatan at alagaan niyang mabuti ang sarili. Ang tanging kayamanan niya. Kayaman wala ang asawa at kahit kailan hindi na ito magkaroon. Ang mga anak na magsisilbing liwanag niya sa tatahakin bagong yugto ng kanyang buhay. Ito na ang huli at wala ng makukuha pang punlay sa dating asawa upang itanim uli sa kanyang sinapupunan o kahit kanino pang babae.
"Kailangan ko ng tibay at lakas ng loob ngayon para sa mga anak ko. Huwag kayung magalala mga anak palalakihin ko kayo malayo sa mga taong mapang-api at mapanghusga. Poproteksyonan ko kayo laban sa mga taong gustong manakit sa inyo. Hindi natin sila kailangan sa buhay natin." Bulong niya habang hinimas himas ay may kaumbukan ng tiyan.
Nalimpungatan ako ng may tumatamang sikat ng araw sa aking mukha kaya napablikwas ako ng bangon. Bukas ang bintana at nakahawi ang kurtina. Tanghali na at halos maguumaga na ng makatulog ako sa kaiisip sa asawa ko. Masakit sa dibdib, alam ko naman wala na siya pero umaasam parin mahal niya ako. At susuduin niya ako at babawiin ang lahat ng nasabi niya.
"Reinette, ayus lang ba pakiramdam mo. May masakit ba sa'yo?" Sunod-sunod na tanong ng kanyang ina ng mapasukan siyang wala sa ayus ang buhok.
"Opo Ma ayus lang ako. Tinanghali lang po ako ng gising." Aniko.
"Kumain ka na at uminum ng gastas mamaya sasamahan kita sa Doctor para alam nating kung anung dapat mong inumin mga vitamins para sa mga anak mo." Pahayag nito. Wala na siyang nagawa kung hindi tumayo at ayusin ang sarli. Kakailanganin niya talaga ang gabay ng kanyang ina sa sitwasyon niya ngayon. Kailangan niya ng katuwang sa pagpapalaki ng mga anak. Kalimutan na ang mga taong nanakit sa kanya. Kalimutan ang nakaraan. Magsimula na tanging ang ina at mga anak nalang niya ang makakasama niya.
Hawak ng isang kamay ang result ng ultrasound na may ngiti sa mga labi siyang lumabas ng hospital. Five months na ang tiyan niya at may kalakihan na ito dahil tatlong sanggol ang nasa tiyan niya. Kaya nagpasya na siyang magtungo sa isang kilalang mall para tumingin ng baby dress. At ayun sa ultrasound dalawang lalaki at isang babae ang anak niya. Kung tutuusin malilit pa ang mga ito pero nasasabik na siyang bilhan ng mga gamit ang mga anak.
Nakangiti niyang pinagmamasdan ang mga baby dress na para sa mga sanggol. At bawat mahawakan itinataas niya para sipatin mabuti. Gusto niyang bumili na kahit ilang peraso lang kaya masusing niyang kinikilatis bawat isa.
"Ma'am dito po madami po kayung pagpipilian." Dinig kong usal ng isang sales lady sa di kalayuan sa akin.
"Ayoko yan gusto ko puro pink. Girl ang magiging anak namin ng asawa ko at next month na ang due date ko." Mataray na usal ng isang babae na parang ipinangangalandakan niyang kasama niya ang asawa niyang namimili. Kanina ko pa siya naririnig na nagtataray sa nag-a-assist sa kanyang sales lady. Kaya wala sa loob na pasimple ko siyang nilingon. Pero nanlaki ang aking mga mata ng makita ang lalaking kasama niyang nakatitig sa akin. Kaagad kung binawi ang aking paningin sa kanya dahil kumabog ang aking dibdib. Ilang buwan na kaming hindi nagkikita at walang balita tungkol sa kanya. Pero heto siya ngayon nakatitig sa akin may kasamang ibang babaing buntis at ang sabi manganganak sa susunod na buwan.
"Eight months siya, ako five months." Bulong ko.
"Yes ma'am ano po yun? May napili na po kayo." Magalang na wika ng sales lady na uma-assist sa akin. Marahil naulinigan niya ang bulong ko. Tumalikod nalang ako at minsan pang sinulyapan ang babaing kasama ng dati kung asawa. Mapungay ang mga mata niyang kulay brown, may katamtaman tangos ng ilong. Maputi din ang makinis niyang kutis. Hindi rin katangkaran pero makapal ang kolorete niya sa mukha at halos magkalaki lang ang aming tiyan. Siya pala ang dahilan kung bakit siya naaksitende. Tama nga sila sabay-sabay ang mga babae niya. Habang magkarelasyon kami madami rin siyang ikinakamang babae. Isang playboy Casanova.
"Ah, may titingnan lang ako sa gawi dun.." Tugon ko nalang at naglakad na papalayu sa kanila. Ayaw ko na siyang makita. Kung alam ko lang na andito siya at ang babae niya hindi na sana ako nagpunta dito. Piping bulong ko tuluyan ng lumabas ng mall.
.
.......................
.
Hindi ako makapaniwala sa akin nakikita. Ang babaing ayaw ko ng makita nasa may harapan ko nakangiting pinagmamasdan ang mga baby dress na hawak. Gusto ko siyang lapitan at alalayan pero hindi ko magawa. Ilang beses akung luminga para hanapin ang kasama niya pero wala akung makitang lalaki malapit sa gawi namin. Nakangiti niyang hinihimas ang may kalakihan niyang tiyan na parang kinakausap niya ang anak niya sa loob ng tiyan. Samantala ang kasama ko kanina pa namimili pero wala naman mapili at nagtataray lang sa mga sales lady. Kaya nabigla pa ako ng bigla siyang lumingon sa gawi namin. Pinasadahan din niya ng tingin si Maia. Alam ko kung ano iniisip niya. At tama siya ako ang unang nagloko. Pero kailangan kung panagutan si Maia dahil dinadala niya ang aking anak. Ang magiging tagapagmana ko. Ang nag-iisang anak ko at kahit kailan wala ng kasunod kaya kailangan kung ingatan at alagaan ang aking mag-ina. Hindi ko man siya minahal gaya ng pagmamahal ko kay Reinette pero siya ang nagbigay ng anak sa akin. Kahit pinagsisihan ko ang pagpatol sa kanya nuon nagpapasalamat parin ako at sa huling sandali may naging anak ako kahit sa maling babae at siya ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon naming ng aking asawa. Kung hindi niya sinabing magpapakamatay siya kung hindi ko siya pupuntahan agad hindi sana ako naaksidente.
"Honey para na naman lumilipad ang isip mo, ako ang kasama mo pero parang balewala ako sa iyo. Iniisip mo nanaman ba ang taksil mong asawa. Ako lang dapat mong iniisip at ang anak natin." Asik niya sa akin kaya naipilig ko ang aking ulo. Wala na akung magagawa ngayon kung hindi suyuin at sundin lahat ng gusto niya. Dahil sa anak ko.
"Nag-aalala lang ako dahil kanina ka pa nagagalit baka makasama sa iyo yan. Sa anak natin." Malumanay kung turan. Magkabaliktad sila ng ugali ni Reinette. Mabait at maunawain si Reinette samantala si Maia abusado at masyadong masungit na wala na sa lugar.
Ayoko man sa kanya pero siya ang ina ng aking anak. At pakakasalan ko siya once na bumaba na ang decision ng korte para sa marriage annulment namin ni Reinette. Nawawalan na siya sa akin ng lubusan. Isa siyang manloloko hindi ko man aminin pero mahal na mahal ko parin siya kahit kinamumuhian ko na siya ngayon. Isinumpang hinding-hindi na lalapitan kahit kailan.
"Bigyan mo kami ng isang dosenang pink na feeding bottles." Naiiling nalang ako sa mga pinagbibili ni Maia aanhin ba niya ang isang katerbang feeding bottles. Kabibili lang namin nuon isang linggo.
"Ang dami naman ng binili mo. Saka na tayo uli bumili ng karagdagan kung kukulangin pa." Anas ko sa kanya.
"Ayus lang yan para maramin gamit anak natin. Bumili narin tayo ng mga dolls at stuffed toys para sa kanya. Gusto ko paglabas niya madami na siyang gamit sa nursery room niya." Litanya niya. Kaya wala akung magawa kung hindi sundin ang gusto niya. Ayaw kung magtalo na naman kami paghindi ko siya napagbigyan, aka maapiktuhan ang kalusugan ng aming anak.
Halos mapuno ang compartment ng kotse ko sa dami ng pinamili niya. Kahit hindi naman kailangan binibili niya. Ilang maternity dress din binili niya na hindi naman ginagamit at nakatambak lang sa bahay ang iba. Masyado siyang maluho sa katawan na wala naman sa ayus. Puro pagaaksaya lang ng pera ang alam gawin. Kung hindi lang sa anak ko baka hiniwalayan ko na siya dahil sa ugali niya.
"Honey daan muna tayo sa restaurant gusto namin kumain ni baby." Usal niya pagkaupo ko.
"Saan resto mo ba gusto." Tanong ko nalang sa kanya dahil mapili siya. Di bali sana kung talagang anak siya ng bilyonaryo naiintindihan ko pa, ang kaso isang maliit lang na aandap-andap na negosyong meron sila at gusto pa nilang mag-invest ako ng malaking halaga sa kanila. Negosyante ako nagpapalago at hindi nagpapalugi.
Isang kilala Italian restaurant ang hinintuan namin. Inalalayan ko siya papasok sa loob. Maya't maya niya hinihimas ang kanyang tiyan at ayun sa kanya para daw itong naninigas. Gusto ko man siyang dalhin sa hospital ayaw naman niya at natural lang daw yun. Kaya wala akung nagawa kung hindi alalayan at bantayan ang bawat kilos niya. Nag-aalalang baka kung anung mangyari sa aking anak. Hindi bale sana kung makabubuo pa ako, ang problema wala ng silbi ang sperm cells ko. Isa na akung enpotent. Buti nalang at hindi nahahalata ni Maia ang kalagayan ko. Nadadaan ko pa siya sa mga magical moves.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....