Chapter 6

963 Words
(Tiffany's POV) Hayy,salamat naman at nakauwi nadin kami.... Time check- 11:35 pm... (=_+) Medyo maaga pa pala....Medyo lang naman... After akong isayaw ni Teejay,bumalik na kami sa table namin at doon nalang umupo buong party..Tumahimik nga sya bigla eh,palagi nya lang hawak yung cellphone nya..... *YAWWNNN* Inaantok na ako....Goodnight.. ----KINABUKASAN (_ _) Hmmm,ano ba yung maingay na yun? (-_^) (^_^) (O-O) A-ano naman to? May nakita kasi akong isang baso ng gatas with rice at ang ulam ay hotdog......Tapos meron pang nakasingit na rose sa ilalim ng plato with note... Tumayo na ako at kinuha yung note... *GOOD MORNING!!!! Kainin mo na tong niluto ko..Masarap yan.Syempre with love!!!* Napataas naman yung isa kong kilay....Sino naman kaya yung naghanda nito? Imposible namang si Mommy....Asa naman akong ipagluto ako nun ng agahan..... Bago ko kainin yun,nagpunta muna ako ng banyo at naghilamos....Nagsipilyo at bumalik na sa kama ko para kainin yung almusal ko.... Baka niloloko lang ako nila Manong tsaka ni Manang..So kinain ko nadin...Sayang kaya to... After 20 minutes,natapos ko nang kainin yung almusal ko,ako na mismo yung nagbaba sa kusina.. Pagdating ko naman sa kusina,nandun si Manang... "Manang!!! Ano po ba ang okasyon at talagang may rosas pa at note tong hinanda nyong almusal sakin..." sabay lapag ko ng tray sa gilid ng lababo... Tumingin naman sakin si Manang ng nakangiti...."Tiffany,hindi ako ang naghanda nyan..." "Po?" Paanong hindi sya? Eh sya lang naman yung nagluluto ng mga kinakain namin dito... Ngumiti ulit si Manang..."Naku,kung gusto mong malaman kung sino ang nagpadala nyan,pumunta ka sa garden..Ang kulit nga nya eh.." Ngayon nagtataka na talaga ako......Kaya pumunta na ako agad sa garden para pasalamatan ang nagpadala ng almusal sakin... Sa garden naman,may nakita akong lalaking nakatalikod..Nakapantalon pa sya...Taray,magdidilig nalang naka-pantalon pa.... "Ah.....hel----------------------TEEJAY???" Takteng buhay to.....Kailan ba ako lulubayan ng lalaking to??? Oo,si Teejay nga yung nagdidilig sa garden namin,at wag mo ding sabihin na sya ang nagpadala ng pagkain ko?? "Oh,Tiffany!!! Gising ka na pala! Masarap ba yung hinanda ko?" "Hwag ka ngang lalapit sakin,puro ka na pawis,kadiri ka.." Tapos nagpout na naman sya....At inamoy yung t-shirt nya... "Hindi naman ah?? Bango kaya!!! Amuyin mo man!" tapos nilapit nya sakin yung damit nya pero nakailag ako agad... "YUCK!!! Ano ba?? Lumayo ka nga!!! Tsk.." "Eto naman.Ganyan ka ba bumati ng good morning??" "Sorry,pero kung ikaw ang babatiin ko ng ganun,imbis na GOOD MORNING ang sabihin ko,malamang BAD MORNING pa ang ibati ko sayo!" hanggang sa tinalikuran ko sya at pumasok ako sa loob... "Sandali Tiffany!!!" tapos sinundan nya ako... "Umaano ka ba dito? For your information hindi kami naghahanap ng taga-dilig ng halaman sa garden...." Tapos umupo ako sa sofa namin at binuksan ang Tv.....Ganun din yung ginawa nya....ABA? Feel at home si Kuya... "Hmmm...nakalimutan mo na ba yung kasunduan natin?? Na magiging alila mo ako...ISANG GWAPONG ALILA!!!" Tiningnan ko naman sya,tapos tinarayan ko....."Kapal.." "Hayy naku Tiffany....Tsaka pagbigyan mo na ako,ganto lang talaga ako manlambing...haha" "Pwede ba? Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo.." Iyon!!Mr. Bean!!! hoho... "Ano ba yan..Pambata naman yang pinapanuod mo eh.." "Wala kang pakielam..Nakikinuod ka na nga lang eh.." "Tiffany,ano ba yung gusto mong iutos sakin? Juice? Tinapay? Ano?" "Wala....Umalis ka lang sa tabi ko.." "Ooops,nakalimutan kong sabihin,nasabi ko na to sa mommy mo...At pumayag sya.." "ANO???!!!!" Si mommy naman...Pati ba naman sya nakikisakay pa sa mga kalokohan ng lalaking to? Tsaka teka,nasan nga pala si mommy??? "Kung hahanapin mo man ang mommy mo,umalis sya,may pupuntahan lang daw sya saglit.." (.~~) Mind reader ba to? tsk Di ko na sya pinansin nun,nanuod nalang ako ng Mr. bean..... "Ah...wait lang ah.." Hmpf,pakielam ko ba dun,,bahala sya sa buhay nya... Maya-maya pa,lumapit na naman sakin si Teejay.. "Oh.." Tiningnan ko naman yung inaabot nya sakin.."Ano yan?" "Lunch mo,ako na nagluto para masaya.." DUG...DUG...DUG... WAIT...ano yun???? Argghhh..nevermind.. "Wag ka ngang ngumiti dyan!!! Mukha kang askal!!" tapos iniwas ko yung tingin ko sa kanya... Umupo naman sya sa tabi ko at nilagay sa table yung pagkain na handa daw nya... "Eto naman,minsan na nga lang akong magpa-cute sayo eh,ayaw mo pa.." "Wala naman kasi akong sinasabing magpacute ka eh,tsaka kahit naman hindi ka na magpacute----------" "ANO?^_______^" Tapos tiningnan nya ako ng mata sa mata at lumapit pa......I think 2 inches nalang ang pagitan namin sa isat isa.. At sa hindi malamang dahilan,,hindi ako makagalaw,... Ano ba kasi yung ginagawa ng lalaking to? Ginagawa nya ba to para pasayahin ako? Well,nagtatagumpay naman sya....Pero kahit na!!! Kaya ko naman na to mag-isa.... "Tiffany?" Nagulat ako ng pisilin nya yung ilong ko... (。ŏ_ŏ) "ARAY NAMAN!!! BAKIT MO GINAWA YUN?" Tapos hinawakan ko yung ilong ko,sya naman iyon...Tawa ng tawa.. "Kaw naman kasi eh...namumula ka agad wala pa naman akong ginagawa...Hahaha..." Ako?Namumula???Psh.. "ASA KA!!!" pero tawa pa din sya ng tawa..Sana sumakit yang panga mo!!!! ASAR,,>. "Haha.Sige na,kainin mo na yan....Baka lumamig pa..." "Wag na,baka nilagyan mo pa ng gayuma yan.."tapos tinarayan ko sya.. "Hindi no,bakit ko naman gagawin yun? Tsk....sa gwapo kong to? Kahit walang gayuma,malakas ang appeal ko!!! hahahaha.." "Oo,lumalakas na yung hangin dito sa sobrang yabang mo.." tapos tawa pa rin sya ng tawa.. And I find myself smiling while looking at his face...Sa totoo lang ang sarap nyang kasama.Napapasaya nya talaga ako.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD