Finally! Iyon ang sigaw ng utak ko ng marating na namin ang hotel na pansamantalang titirahan namin habang nandito kami sa Davao. Nananakit na ang batok ko at likuran dahil sa maghapong kakalakad. Not to mention na kakarating lang namin dito kanina. Agad kong nilapag ang gamit ko sa gilid ng pinto bago tinanggal ang sapatos ko. Kumuha ako ng damit na maipapalit bago pumasok sa bathroom. Maliban sa pagod, pakiramdam ko ay napakalagkit ko na. Maalikabok din kasi sa construction sight at parang dumikit sa balat ko lahat ng alikabok doon. Nakaramdam ako ng ginhawa ng makalabas ako. Gumapang ako paakyat sa kama at pipikit nalang ng biglang may kumatok. Inis kong kinamot ang batok ko at tumayo. Kailan ba ako makakapagpahinga? Nagpapadyak akong lumapit sa pinto. Kunot na kunot ang noo ko at

