Kabanata X

1679 Words

"Ate Asha! Ate Asha!" nilingon ko si Yana. Patakbo itong lumapit sa akin at mabilis umupo sa tabi ko. Nasa kusina ako at tinutulungan ang maid nilang mag-prepare ng lunch. Hindi naman nila ako mapigilan dahil sa dami ng trabaho nila ng araw na iyon. Every end of the month ay nagpupunta daw ang pamilya nila sa isang orphanage na tinutulungan nila. Sabi ni Ate Maya ay naghahatid daw sila ng maraming grocery, laruan ng mga bata , damit doon at pinapakain ang mga bata sa orphanage. "Can you wake Kuya Kris for me? Nanay asked me to wake him up but he keeps on saying yes but he never stand" kumurap ako. Bakit ako? Gusto ko siyang tanungin pero kapag tumitingin ako sa kaniya ay nalulunod ako sa asul niyang mga mata. "Paano kung nagalit siya?" mabilis itong umiling iling at bumaba na sa upuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD