Kumunot ang noo ko ng makitang bukas ang bintana sa kaliwang bahagi ng kwarto ko. Ilang beses na akong nagigising na ganito ito habang sinasara ko naman ito tuwing matutulog na ako. Tinitigan ko iyon habang iniisip mabuti kung sinarado ko nga o hindi dahil baka nagkakamali lang ako ng bumukas ang pinto.
"Anak, male-late ka na sa klase. Maligo ka na, kumain at isasabay na kita sa paghatid kay Ma'am Yana" sabi ni Tatay. Tumango nalang ako bago bumalik ang tingin sa bintana at napansin ko sa peripheral vision ko na napatingin din si Tatay doon.
"Binuksan ko pala iyan kagabi. Halata kasing naiinitan ka mukhang nasira na ang bentilador na gamit mo kaya ko binuksan" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tatay. Nakaisip pa naman ako ng mga bagay na hindi na dapat. Mabuti nalang at naitama.
Mabilis kong ginawa ang inuutos ni Tatay at maya maya ay sumakay na ako sa magarang sasakyan ng mga Dela Marcel. Inuuwi ito ni Tatay dahil na rin sa utos ng mga Dela Marcel, para daw kapag kailangan si Tatay kahit hating gabi ay madali daw itong makakapunta sa kanila na ilang kilometro lang naman ang layo sa bahay kaso nasa isang subdibisyon sila habang kami ay hindi.
"'Nak kasya pa ba ang baon mo? Sabihin mo lang kung kulang at nang mabigyan kita" ngumiti ako at sinabing sapat pa ang pera ko.
Simula ng namatay si NAnay ay ginawa ni Tatay lahat para lang mapag-aral at mapakain ako. Mabuti nga at nandiyan ang mga Dela Marcel dahil sila ang gumagastos ng pang-aral ko at hindi nila iyon binabawas sa sahod ni Tatay kaya kahit papaano ay nakakaluwag kami.
Pagkarating namin sa mansiyon ng mga Dela Marcel ay lumabas ako sa may front seat para salubungin si Yana at dahil doon ang pwesto ni Toffer pero nagulat ako ng lumabas doon si Kris. Ang nakatatandang kapatid ni Yana. Kapag ganitong oras kasi ay wala na ito rito at nauna ng pumasok sakay ng motorsiklo nito.
"Tatay Jaime sasabay ako sa inyo" Nakakagulat lang na nandito siya habang hate na hate nito ang mabagal na pagpapatakbo ni Tatay sa sasakyan. Napaka-antipatiko at masungit ng lalaking ito.
Maya maya ay naglabasan na rin ang mga kapatid nito na napatingin kay Kris dahil maging sila ay alam na ayaw nito sa mabagal na sasakyan.
"Kuya-"
"Shut up! Sumakay na nga kayo at ng makapasok na tayo!" singhal nito kay Toffer. Napaka-sungit at suplado talaga ng lalaking ito. Umirap ako pagkatapos ay pinauna na silang pumasok.
"Sit beside me, Asha" sabi niya na parang hindi sinabi kundi inutos. Tatanggi pa sana ako at uupo sa pinakalikod na parte ng sasakyan pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.
"Sit. Beside. Me. Asha-"
"Atasha!" singhal ko sa kaniya pero imbes na magalit siya ay amusement ang nababasa ko sa mata niya. Kinagat ko ang labi ko sa hiya ng mapansing tinitignan ako ng mga kapatid niya. Pumasok nalang ako at umupo sa tabi niya. Siguro iniisip niyo na wala akong utang na loob at tinatawag ko lang sila sa pangalan nila at sinisigawan ko pa pero kasi sabi ni Tita Ysa ay ituring ko sila bilang simpleng tao lang at about sa sigaw, nabigla lang ako.
Tahimik lang ako buong biyahe. May kalayuan kasi ang school sa bahay nila. Nagulat ako ng may sumandal sa balikat ko. Agad ko itong nilingon at isang tulog na Kris ang naharapan ko. Itutulak ko sana siya palayo sa akin pero biglang nagsalita si Toffer pero hindi naman nakatingin sa akin.
"Napuyat siya kagabi. Hindi ka ba naaawa sa kaniya? Kapag ginising mo siya ngayon ay sa klase iyan makakatulog" Nilingon ko si Tatay para humingi ng tulong pero tinanguhan niya lang ako na parang sinasabing okay lang iyon. Bumuntong hininga nalang ako at hinayaan siya kahit medyo awkward dahil hindi naman kami close
"Bagay kayo!" masayang kumento ni Yana habang tinitignan kaming dalawa ng kapatid niya. Nilabas nito ang cellphone at kinuhanan kami. Hindi ko naman maiiwas ang mukha ko dahil makikita at makikita parin ako, maliban nalang kung isama ko ang katawan ko kaso kung gagawin ko iyon ay baka magising naman itong sinyoritong nakahilig sa balikat ko.
"I should apload it!-"
"You should not. Please" natatakot na sabi ko. Ayokong mahila ng sandamakmak na babae ng Dela Marcel na ito.
Sikat na sikat kasi silang magkakapatid lalo na ang lalaking ito, bilang bad boy ng university. Maraming humahanga sa kaniyang babae kaya nga sabi ko diba na natatakot ako sa mga babae niya? Wala naman siyang rumored girlfriend pero maraming umaasa na mapansinj niya. Tsk, bakit ba ang hilig ng mga babae sa Bad boy ngayon?
"Sige na nga pero itatago ko" nakangiting sabi ni Yana dahilan para makahinga ako ng maluwag.
Ayoko pang maging suki ng tsismis sa school. As much as possible, gusto kong panatilihin ang tahimik kong buhay lalo na ngayong grade 12. Kailangan ko pang mag-aral ng maayos para naman maging proud sa akin ang mga nag-papaaral sa akin at ayokong masira iyon ng dahil sa isang litrato.
~Para-Paraan, Para-Paraan
Para para lang, Para para lang
Makasilay lang, makasilay lang
Makasilay lang sayo
Para-Paraan, Para-Paraan
Para para lang, Para para lang
Makasimple lang, makasimple lang
Makasimple lang sayo~
"Bagay na bagay ang kantang ito ngayon, Yanie" sabi ni Toffer. Nagngisihan ang dalawa bago bumalik sa ginagawa at hinayaang tumugtog ang kantang hindi ko alam kung ano ang title.
"Kaya nga, Kuya" nakangising sabi ni Yana na sumulyap at ngumisi pa sa akin. Anong meron sa magkakapatid na ito?
Hindi naman nagtagal narating na namin ang School. Ginising ko ang lalaking nakahilig sa akin pero para lang siyang walang pakialam na lumabas ng pinto ng sasakyan. Naiwan ako doon dahil palagi akong sa kabilang pinto ng eskwelahan lumalabas kahit na mas napapalayo ako kasi ayokong makita ng iba na kasama ko ang mga Dela Marcel. Hindi naman sa ikinahihiya ko kundi dahil alam kong mapag-uusapan ako kung nagkataon.
"Bakit hindi ka pa bumababa?" nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko. Hindi ko napansin na naiwan pa pala sa labas ng pinto ang Dela Marcel na ito.
"Kasi... Ah... uhm... Wait! Let me go!" bigla akong nasigaw ng bigla niya akong hilain. Tumingin ako kay Tatay at nanghihingi ng tulong pero ngumiti lang siya sa akin.
"C'mon. Male-late ka na!" pasupladong sabi ni Kris. Yumuko nalang ako pagkababa ko kaysa patayin siya dahil sa daming matang nakatingin sa akin baka mamaya ay hindi na ako makapasok ng buhay sa paaralang ito.
Hinihila ko ang kamay ko palayo sa kaniya pero mas lalo niya lang hinihigpitan at hinihila palapit sa kaniya. Nakakainis na nakakalito ang ginagawa niya. Dati naman ay hindi niya ako pinapansin. Kapag nga inuutusan ako nila Tito Uno na samahan silang mag-aral ay hindi niya ako pinapansin na parang wala ako sa paningin niya pero ngayon, ano bang ginagawa niya? May nagawa ba akong mali para gawin niya ito?
Nadaanan namin ang mga higher years, mga kaklase niya at lahat ng babaeng dadaanan namin ay masama ang tingin sa akin. Nagtago ako sa likod niya at yumuko pa lalo para hindi nila makita ang mukha ko.
"Tsk. H'wag ka ngang matakot! It's not like I'll let them hurt you!" madiin pero mahina niyang sabi sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Hinatid niya ako sa harapan ng klase ko at lahat ng babae doon at maging mga lalaki ay napatingin sa amin. Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin sa kanila.
"Rooftop, after your class" nanlalaki ang mga mata ko at umiling iling.
"Ayoko!" sabi ko pa na nagpasingkit ng mga mata niya. Ayoko nga. Hindi ako pupunta doon kahit kailan.
Rooftop is their place. Dela Marcel's ang Kris's gang. Walang studyante na maaaring pumasok doon hanggat hindi nila pinahihintulutan. Ang pagkakaalam ko ay kalahati ng shares sa school na ito ay pag-aari nila kaya nagagawa nila lahat ng gustuhin nila.
"Fine. Whatever that makes you sleep at night but you are going to wait for me, understand?" iiling sana ako ulit pero tinaasan niya ako ng kilay at paparating na ang Prof namin na nakataas ang kilay sa akin dahil hindi pa ako pumapasok sa klase kaya tumango nalang ako. Napansin kong umangat ang isang gilid ng labi niya bago tumalikod at umalis.
Doon ko lang napansin na nanginginig pala ang tuhod ko at mabilis ang tambol ng puso ko. D*mn Dela Marcel and their affect on women.
"If you're ready, Miss Bernardo, Pwede ka nang pumasok" Nakayuko akong pumasok sa klase. Mas lalo pang nadagdagan ang kahihiyan ng maiwan akong nakatanga doon kanina at tinitignan ang dinaanan ng lalaking iyon.