Ibinaba ko si Stan sa sarili nitong kama ng makatulog ito. Inayos ko ang nagkalat niyang laruan sa sahig at nang matapos ako at tahimik na umupo doon. Sumandal ako sa kama at mariing pumikit "It's been three days, Atasha. Care to explain why you are hiding here?" bumuntong hininga ako bago minulat ang mga mata. Sinalubong iyon ni Levin ng nagtatanong na ekspresyon. Simula nang sumama ako sa kanila dito sa Baguio ay ganiyan na ang tingin na ipinupukol niya sa akin. "Who says I'm hiding?" ganting tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako nagtatago. I just want to rest. I want a break from everything. Napapagod din kasi ako. Pakiramdam ko nga ay ngayon lang ako nakapagpahinga makalipas ang ilang taon. Tinaasan niya ako ng kilay. Ngumuso lang ako at muling pumikit. Narinig ko ang marahan niya

