Lumabas ako ng opisina niya. Hindi ako huminto sa table ko katulad ng paalam ko. Dumiretso ako sa elevator at agad na pinindot ang ground floor. Sumandal ako doon ng magsara iyon. Hindi ko alam kung bakit gusto kong makalayo doon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi dapat ako umaakto ng ganito. Pakiramdam ko ay kailangan kong umalis at iyon nga ang sinunod ko. It's almost lunch time. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Kris. Lumabas ako sa elevator ng bumukas iyon. I almost jump in shock when someone tap my back. Maging si Zyna, na siyang tumapik sa akin, ay nagulat sa reaksiyon ko. Ano bang nangyayari sa akin? "Okay ka lang? Namumutla ka, oh!" sabi ni Zyna. Pumikit ako at huminga ng malalim. Ilang beses kong ginagawa iyon hanggang sa makalma ako ng kaonti. D*mn it! Stop acting

