"Masarap ba? " tanong ko ng mahalata na sunod sunod ang subo ni Boss sa niluto kong adobong manok Tumigil muna siya sa pag nguya bago sumagot " Hindi" Napatango tango naman ako "ahh kaya pala sunod sunod ang subo mo" naka ngiwi kong sagot. Buti nalang at may natira pang emergency food sa stocks ko na kinakain ko lang tuwing may dalaw ako, may nailuto pa tuloy ako. Minsan talaga sarili ko lang din ang rason kung bakit stress ako, Impulsive ba namang ayain ang boss mong kumain sa bahay mo tapos wala ka namang papakain? Nakita ko namang namula ang tenga ni boss " pinag titiisan ko lang, gutom nako" nag kibit balikat nalamang ako at pinag patuloy na ang pagkain ko. Sino ba naman kasi nag-sabi sa kaniya na magpabebe pa at di tanggapin ang alok kong pagkain kanina. "Im going home, thanks

