Agad kong inayos ang gamit ko ng makitang 12:00 na at ibig sabihin nun ay kain time na
Papasakay na sana ako ng mapatingin ako sa office ni sir. Hindi pa ba siya nagugutom?
Lumapit ako sa pinto at kumatok bago sumilip at nakita ko siyang baon na baon sa mga paperworks.
"What?!" Masungit na singhal niya sakin habang naka yuko pa din
"Uhhh, lunch na po boss" sagot ko
"I know"
"Hindi ka pa po ba kakain?"
"Go away" malamig na sabi niya, napa ok nalang ako at lumabas na at tumuloy sa elevator
Kawawa naman si boss, lagi nalang siyang baon sa trabaho, dalhan ko nalang kaya siya ng pagkain?
Inabot ko muna ang wallet ko sa bulsa at binilang kung ilan pa ang natira sakin. Hmmm pang tatlong gabing kwek-kwek at fishball ko pa sana to. Pero sige nalang since sweldo nadin naman bukas.
Agad akong pumila sa counter pagkarating ko sa canteen. Bitbit ang dalawang pinggan ng pagkain ay papalabas na sana ako ng canteen nang may humarang sa aking dalawang babae
"Hi!" Sabi nung chubby pero magandang babae
"Hi!" Sabi din ng katabi niyang babae na sobrang tangkad. Napatanga pa ako ng slight para lang makita itsura niya.
Ngumiti din ako sakanila at sumagot sa bati nila.
"Ako nga pala si Pam at eto naman si Corrine! Ikaw yung bago diba?!" Pagpapakilala ng Chubbing maganda na si Pam pala
"Ah oo, ako nga pala si Nicky!"
Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Corrine at sa tangkad niya umabot lang ako hanggang kili kili niya.
"Tara sabay ka na saming kumain!!" Bago pa ako makasagot ay agad na nila akong hinila papunta sa isang bakanteng mesa.
Masaya at magaan silang kausap hindi kagaya ng ibang babae diyan na ang daming arte sa buhay. Sobrang open din nila at hindi mahiyan, labas agad lahat ng sikreto nila. Kahit papaano ay gumaan ng konti ang pakiramdam ko dahil sa stress ng work. Okay din naman pala na may makakausap kahit minsan.
"Hala, mauuubos mo ba yang pangalawang plate mo?" Tanong ni Pamhabang dinidilaan ang labi at tutuok ang tingin sa isang plate na nakalatag sa harap ko. Mukhang handa na talaga siyang sugurin ang pagkain dapat ni Boss
"AY NAKUUU KAY BOSS PALA TO!" Natatarantang sabi ko at tatayo na sana para umalis ng bigla nanaman akong hinila ng dalawa
"Ikaw ha! May something ba kayo ni Sir Primce?!" Pang uusisa sakin ni Pam
"Oo nga!" Segunda naman ni Corrine
"Huh?! Wala ahh! Boss ko lang naman siya ahh!" Sabay pilit na binabaklas ang pagkakahawak nila sakin pero ayaw talaga nila akong bitawan. Lalong lalo na si Pam, chubby pa naman ng kamao niya, ang cute mukhang kamay ng pusa na nakahawak sa braso ko.
"Ehh bakit mo siya bibigyan ng pagkain?!" Tanong ulit ni Pam
"Oo nga!" Agad na nabatukan ni Pam si Corrine ng segundahan ulit nito ang sinasabi niya
"Mag isip ka nga ng sasabihin mo!"
"Sorry naman" sagot ni Cor habang hinihimas ang batok
Binalik ni Pam ang tingin sakin " so bakit mo siya dadalhin ng pagkain?!"
Pakiramdam ko tuloy ay umiti ang paligid. Eto ba yung feeling na hino-hot seat?
"Ahh, lunod kasi siya sa trabaho, kaya naisip ko lang na dalhan siya ng pagkain" simpleng sagot ko
"Ahhh" tatango tangong sabi ng dalawa sabay layo sakin
"Pero hindi mo ba talaga crush si Sir. Primce?" Tanong ni Cor na ngayon ay si Pam naman ang sumegunda ng "oo nga"
"Hindi"
"Pero gwapo siya diba?! Kaso parang bakla ata yan kasi hindi nag kaka girlfriend at allergic sa mga secretaryang nagkaka crush sakanya
Parang may nawasak sa dibdib ko ng marinig ang sinabi ni Corrine
"S-si S-Sir. Primce? bakla?!"
"Who the hell told you i'm a gay?!" Napatalon kaming tatlo ng marinig ang boses ni Boss sa likuran namin at napunta ang lahat ng attention saamin dahil sa sigaw ni Boss
Paktay! Pakiramdam ko ay tumutulo ang pawis ko sa kili kili habang iniiwasan ang matalim niyang tingin. Buti nalang at mabilis ang utak kong mag-isip.
"Ha? Sino nag sabing bakla ka boss? Parang wala naman po ah!" inosenteng sabi ko habang sinusubukan paring iwasan ang tingin niya.
Lumapit naman sakin si Boss habang seryoso at diretso lang ang tingin sakin.. As in lumapit talaga! Yung tipong touch by touch yung katawan namin. Mas lalo akong nanliit dahil sa difference ng height namin dalawa kaya nag step ako ng mga .5 inch palayo sa kaniya.
"You said "Si Sir. Primce bakla" mimicking my voice "it's so inappropriate to talk about me, your boss behind my back" he said with an emphasis to ‘Me’
"A-ah y-yung sa isang teleserye po boss! Oo tama ! Sa isang teleserye! Kapangalan mo boss! Bakla kasi yung bida!" Biglang nawala ang galit sa mukha ni boss at napalitan ng kunot noo
"Pinag loloko mo ba ako?" Mabilis akong umiling bilang sagot.
"Hindi po boss! Hindi po ikaw pinag uusapan namin at bakit ka naman po namin pag uusapan?!" Biglang sumama ang itsura ni Boss
"Whatever" yun lang at tumalikod na siya
Ehhh? May mali ba sa sinabi ko?
Hala ang pagkain pa pala ni Boss!!!
--
✘ R E A D ✘
✘ H E A R T ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘