"Oh anyari sa pinsan ko at mukhang toro yun habang nag lalakad?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Blanch. Agad namang nangasim ang mukha ko nang maalala ang ginawang kahayupan sakin ng boss ko. "Mukhasim day ba ngayon? Like hello! Pati yung lalaking pinag tanungan ko lang kanina ng directions sinungitan ako! Hah! Hindi niya ba ako kilala?! " pigil ang tawa ko nang makitang pati mukha ni Blanch ay nangangasim narin. At eto ang first time na makita ko siyang bwisit kasi usually 'b***h face' o di kaya 'baliw face' ang pinapakita niya. "Lalaki? Sinong lalaki? Gwapo ba?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. Pumalatak naman siya at tumingin pa sa taas habang nakapikit parang kinakalma ang sarili. "Oo gwapo siya! Kaso mukha namang gago! Sabihan ba naman akong tanga! ' Nasa

