HAILEY "Pumayag ka muna." Kumunot ang noo ko. Kailangan talagang may kondisyon ang lahat? "Saan na naman?" "Manliligaw nga ako ng anim na buwan and when the time is up, we'll get married." Ngumiti siya sa akin kaya inirapan ko. "Kung ikaw may kondisyon, ako rin mayroon." Napangiwi si Dom. "I don't think I want to hear it." "Then you're not getting an answer from me either," pagmamatigas ko sa kaniya. Napabuga siya ng hangin at halatang napilitan. "Fine, tell me." "Kung sa loob ng anim na buwan, nagustuhan ko ang panliligaw mo at wala kang magiging ibang babae, then we have a deal. We will get married. Not here— but in Vegas." Nagsalubong ang mga kilay niya. "Vegas? Bakit doon?" "So that we can file a divorce if we don't work out. Mahirap mag-file ng annulment sa Pilipinas,

