NAIWAN si Bithia sa bar. Nagkasagutan sila ni Mary at umuwi ito. Nagpalango siyang mag-isa. Iniwan siya ng kanyang nag iisang kaibigan. Lahat sila ay tila iniwan siya. "Ano bang mali sa akin? Palagi na lamang akong iniwan ng mga mahal ko. Una si mommy, pagkatapos si daddy. Nang isang araw lang si ninong at pati si Mary. Sige, magsilayas kayo sa buhay ko!" hinanakit niya. Napayuko siya ng ulo saka impit na umiyak. Pakiramdam niya hindi talaga siya kamahal mahal. Hindi niya alam kung sino pa ang magmamahal sa kanya. Mayroon pa kayang taong mamahalin siya ng buo? 'Yong hindi siya iiwanang luhaan at nagdurusa. Naitalungko ang ulo sa lamesa, ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakatulog. "Kanina pa po tulog si ma'am. Hindi naman po namin magising. Magsasara na nga po kami. Hindi namin mata

