Chapter 10

1586 Words
Chapter 10 A/N: May binago po ako sa name so medyo malilito kayo pag nabasa nyo itong chapter. " ready na ba gamit mo ellie? Yung damit mo maayos mo bang natupi? Kumot baka kailangan mo magdala---" " mom!" Putol ko sa sunod sunod na paalala ni nya " okay na po lahat kagabi pa lang diba?, ready to go na ako " sabay tingin ko sakanya na nakangiti. Bumuntong hininga naman sya at sinarado ulit ang bag kong malaki " this is our firstime na magkakalayo anak, parang gusto ko tuloy na dito ka na lang magaral, meron naman magaganda ring school dito bukod sa xavier na yun " ramdam ko ang lungkot sa boses ni mommy, kahit ako hindi ako sanay na walang magulang sa tabi ko lalo na kay mommy. Ako yung tipong konting kibot mommy agad ang tatawagin. Lumapit ako sakanya at buong higpit ko syang niyakap " mommy dadalaw dalaw naman po ako dito pag may free time ako, wag po kayo magalala magaaral akong mabuti at hindi ako magpapabaya promise " sabay mwestra ko ng kamay na parang nagpapanatang  kabayan Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at kinulong sa kanyang palad. " my baby girl is all grown up  " sabay pilit nyang ngiti, bigla ako nakaramdam ng lungkot ng makitang nangingilid na luha nya. Napalunok ako na parang may nakabarang malaking bato kakapigil na wag umiyak. " ano ba yan mommy, para naman tayong hindi na magkikita nyan " sabay yuko ko, pasimple kong pinunasan ang luha ko. " always remember that your my greatest love ellie, nandito lang kami ng daddy para sayo " sabay angat nya ulo ko. Hindi ko na napigilan na mapaiyak, well teenager feels hirap malayo sa nanay haist. Nasa ganung posisyon kami ng maabutan ng daddy. " tama na yang pang mmk na eksena baka bumaha ng luha. tara na ellie, " sabay tawa nya, sabay naman naming hinabol ni mommy ang daddy at kunyaring binubugbog. Pero masyado syang malaki at malakas kaya nakulong nya kaming dalawa sa bisig nya. Isa ito sa mga mamimiss ko. " nasa baba pala si jana inaantay ka " saad ni daddy habang inaayos ang gamit ko kaya agad ako bumaba. " jana! " sigaw ko mula pa lang sa hagdan. Ang gaga tinignan lang ako sabay balik ulit ng tingin sa pinapanood ng netflix with matching meryenda pa. Nagpameywang ako sa harap nya " aba hindi mo ko papansinin? " nag angat naman sya ng tingin sa akin " hu u?" Tinaasan ko naman sya ng kilay " charot lang " pahabol nya sabay yakap nya sa akin " mamimiss kita bes, sayang gusto ko sana sumama paghatid sayo kaya lang ayaw ako payagan ni mama. Bibingo na daw ako " tinawanan ko naman sya. nung last time kasi na gala nya tumakas sya pero nahuli ng mama nya. Hindi nya ako kaya gayahin sa galawan ko magaling ako e hehe. " bye mama, jana " sabay yakap ko sakanila bago sumakay. Sa byahe tahimik lang kami ni daddy at tanging musika sa radio ang maririnig. Ilang oras bago kami nakarating sa boarding house ko, kung saan walking distance sa school. Maayos naman ito at kumpleto na sa gamit. Pinasok ni daddy angg gamit ko pagkatapos ay kinausap ang landlord. Habang inaayos ko ang gamit bigla pumasok si daddy. " okay ka na dito ellie? " tanong nya sa akin. Dahan dahan ako tumango at lumapit sakanya sabay yakap. " daddy mamimiss ko kayo " i said with a soft voice, " me too ellie, just remember lahat ng bilin ko okay?, ayoko na maulit yung last time na pagtakas mo " ma awtoridad at malalim ang boses nya indikasyon na seryoso sya sa sinasabi nya. sinubsob ko lalo ang ulo ko dahil sa takot na masermunan nya. " yes daddy hindi na po mauulit " ---- Dahan dahan ko minulat ang mata ko. Nagising ako Dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko,  agad ako napabalikwas ng bangon. Gosh! Umaga na nakatulog pala ako. Agad ko inayos ang sarili, hindi ko na inabala pa ang tulog na si miguel, kita naman sa nakanganga nyang bibig na tulog na tulog sya. Para mapabilis ay kinuha ko ang bike nya at agad na pinatakbo. Hingal na hingal ako grabe kulang nako sa cardio. Nang makarating sa bahay ay binalandra ko sa gilid ang bike nya. Dahan dahan na pumasok, ang puso ko ay hindi na mapalagay, pinagsamang kaba at hingal mula sa pag bike, tuyot na tuyot na din ang lalamunan ko. Dahan dahan na hinakbang ang paa sa hagdan at iniwasan maka likha ng ingay. Tahimik mukang tulog pa sila. Nang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at naestatwa sa pagkakatayo. " saan ka galing " malaki at malalim na boses ang narinig ko, dumoble ang kabog ng dibdib na sinamahan pa ng takot. Nahuli ako ng daddy. Nakailang lunok ako bago sumagot " sa j-jogging po daddy " pagsisinungaling ko.sana umepek katulad last time na tumakas ako. Hindi ako lumilingon dahil panigurado pag natitigan nya ako malalaman nya na nagsisinungaling lang ako. " don't lie ellie, nakita kita kagabi at kung sino ang kasama mo " napapikit ako, hindi na ako mapalagay dahil sa takot. Malamang baka palayasin na ako dito sa bahay. Eto pa naman ang ayaw ng daddy ang magsisinungaling sakanya. Tanggap ko na, ayoko na dagdagan pa ang kasinungalingan. Nakayuko ako ng humarap sakanya. " i i-m sorry daddy " nagsimula na gumaralgal ang boses ko. Pinipigilan maiyak. Rinig ko ang malalim nyang pagbuntong hininga. " pasalamat ka pinagpaalam ka na sa akin ni miguel " taka akong napa angat mg tingin sakanya. " p-po?" Naguguluhan kong tanong. " alam ko na pupunta sya dito. I just don't expect na magsisinungaling ka sakin " walang emosyon syamg nakatitig sa akin. Ako naman ay hindi alam amg mararamdaman. Walangyang yun hindi sinabi na alam pala ni daddy na magkasama kami, pinagsinungaling pa ako. Bumalik ako sa ulirat ng muli sya magsalita " magbihis kana, baka maabutan ka pa ng mommy mo na ganyan ang ayos " sabay baba nya. Naiwan naman ako na naka nganga. Nasa labas ako ng boarding house habang pinagmamasdan ang daddy na chinecheck ang sasakyan " keep safe ellie, dadalaw na lang kami ng mommy mo dito " sabay gulo nya sa buhok ko, nainis naman ako dahil sa ginawa nya, natawa sya dahil sa pilit ko nilalayo ang ulo ko. I hugged my dad, my best friend and best dad ever " daddy, please promise me na wag na kayo mag away ng mommy ha " hindi sya sumagot " ayoko makitang umiiyak sya, it breaks my heart dad " i looked at him while his still in silence. Mula sa pagsakay nya at nakaalis, hindi sya sumagot tanging ngiti lang ang binigay nya sa akin. Pinagwalang bahala ko na lang, i trusted him. I trust love Sa kwarto agad ko inayos ang gamit at nagpahinga. Hindi na ako kumain ng hapunan dahil busog pa naman ako. Before i sleep i check my phone, binalitaan ko sila kung anong ginawa ko. Bago ipikit ang mata pinasadahan ko muna ng tingin amg gitara na regalo ni daddy at syempre ang bracelete na bigay ni miguel Bigla ako nakaramdam ng kilig, magkikita na tayo miguel. Always Maaga ako nagising, syempre first day of school. 7am to 5 pm ang klase ko. I take BS Communication. Dahil excited ako maaga aking pumasok sa school, wala pa masyadong estudyante mahamog pa ang paligid at malamig na hangin amg sumalubong sa akin. Nag civillian attire lang ako. Skinny jeans, tshirt and doll shoes. Pinony tale ko ang hanggang balikat kong buhok. Sa classroom akala ko ako ang una dumating pero may lalaki pala na mas nauna moreno sya at medyo kulot ang buhok. Ngumiti sya sa akin kaya ginantihan ko din sya ng ngiti " dito ba yung room 3? " nahihiya kong tanong. " oo, dito kaba ?" Dahan dahan ako tumango " tara pasok na tayo bukas na naman to " sabay hila nya ng pinto. Magkatabi kami sa upuan, since sya ang una kong nakilala na kaklase ko. Mathematics modern world ang una naming subject. As usual pakilala ang unang nangyari. Eto yung pinaka ayaw ko eh haist, pero syempre no choice diba. Unti unti ko nakikilala ang mga kaklase ko. Halos lahat sila ay galing sa mayamang pamilya, napatingin ako sa katabi ko mayaman rin siguro to. Bigla ako nanlumo ako lang ata mahirap na nilalang dito, naalaal ko si jana sana nandito sya para may karamay ako sa hirap at ginhawa. Lunchbreak, sabay din kami ni jigs, nalaman ko pangalan nya habang nag te tell yourself sa klase . Mabuti unang araw ko dito may nakilala agad ako, kung ako lang siguro magisa baka time na namin hindi pa ako nakakahanap ng makakainan. Nahirapan pa nga ako makahanap wala kasing mura. Tubig pa nga lang nila ginto na. Next time talaga magbabaon na lang ako ng kanin tapos puro itlog ulam ko yun lang madali lutuin eh, Buti nilibre nya ako kung hindi ubos ang pang isang linggong budget ko. Tapos na ang klase sabay ulit kami ni jigs palabas ng campus. Habang naglalakad ay may nakita akong pamilyar na babae. Sya yung babaeng mukang anghel sa ganda na pinagtanungan namin ni jana. Napangiti ako kasi nandito pa rin sya sa school nagaaral. Akmang tatakbo ako papalapit sakanya ng bigla ako napahinto. Teka lang nag kiss sila tapos naka  holding hands ng sumakay sa sasakyan " okay ka lang?" Tanong ni jigs pero hindi ko sya pinansin, dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa nakikita ko. Napahawak ako sa dibdib. Masakit. Si miguel at ang parang anghel na babae... magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD