Chapter 23 Krys " huy krys, umamin ka nga sakin" sabay hila nya sa akin ni gigi sa gilid. katrabaho ko sa fast food at isang cashier din " may relasyon ba kayo ni sir jay? " nagulat ako sa tanong ni gigi " ano? Wala no " kumpyansa kong sagot. Nasa crew room kami ngayon dahil tapos na ang duty namin. Tumingin naman sya sakin na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. " wala nga " sagot ko habang natatawa tawa pa dahil sa muka nya. " eh bakit lagi kayo sabay umuwi.... tsaka sabay kumain pag break time " tanong nya habang nakatunghay pa rin sakin. Hindi ko naman sya pinansin patuloy ako sa pagtanggal ng hairnet at pagsuklay ng buhok. " saan mo naman nakuha yang chismis na yan " " kalat na kaya dito " diretsyo nyang sagot. Napatigil ako sa pagayos ng buhok ko at napatingin sakanya sa salami

