Chapter 29 " saan ka galing " ang seryoso at malaking boses ng binata ang tanging maririnig sa loob ng kwarto. Halos mapako sa pagkakatayo at hindi makapagsalita si ellie ng makitang matalim at madilim ang muka ng tumitig sakanya ang binata. Dumagdag pa ang malamig na hangin na nagmumula sa bukas na balkonahe at tanging ilaw lang sa labas ang nagbibigay liwanag upang maaninag nya ang kabuuan ni jay. Nakailang lunok ito bago makapagsalita " s-sa labas n-nagpahangin lang " hindi maitago ni ellie ang kaba dahil sa nauutal ito sa bawat salitang kanyang binibigkas. Napatingin na rin sya sa nagkalat na mga basyo ng alak sa sahig senyales na kanina pa naglalasing si jay. Binaba nito ang hawak na baso at dahan dahan lumapit kay ellie, napatingala na lang sya sa sobrang lapit nito. Halos maamo

