The most painful goodbyes Are the one that are Never said and never explained ---- Nagaagaw pa lang ang dilim at liwanag ng makarating sila sa kanilang destinasyon, bilang kahilingan ni ellie na gusto nya makita ang lugar kung saan natupad ang kanilang pangarap. Magkaroon ng restobar. Mula sa kanyang likuran, umikot papunta sakanyang harap si zion at nag squat upang magpantay ang kanilang mukha. Ngayon lang uli natitigan nito ang kabuuang mukha niya. Payat at maputla na ito, nakabalot ang blanket sa kanyang balikat palibot sa buong katawan. Bagamat nahahalata na ang pagbabago ng kanyang itsura nanatiling pinakamagandang babae pa rin para sakanya si ellie. " saka mo lang malalaman ang kahalagahan ng isang bukang liwayway kung nakaranas at nanggaling ka mula sa kadiliman " mahina a

