" aaaahhhh!!! Ang sakit ng ulo koo!! " sigaw ko ng magising. Dahan dahan ako bumangon at nagtungo pababa, gulo gulo ang buhok habang nakabalot ang kumot sa katawan. Muli akong humiga sa sofa at doon muli nagpakalugmok dahil sa sama ng pakiramdam. " oh uminom ka ng gatas ng umayos yang pakiramdam mo " sabay lapag ng baso sa lamesa ni mary. Ang mukha ko ay halos hindi maipinta sa sobrang sama. " hindi na talaga ako iinom. Susumpain ko na talaga yang alak na yan " saad ko habang hinihilot hilot ang ulo. " bakit kaba kasi nagpakalasing? Nandamay ka pa ng taong nanahimik na " naguguluhan akong napatingin sa kanya. Maya maya ay lumapit sya sa akin sabay gamot sa aking sugat sa tuhod. Nanlaki ang mata ko sa nakitang malaking pasa rito at mga gasgas " ano nangyari dyan?" gulat kong tanong. Na

