Chapter 2
Ellie
9pm na kami nakauwi kagabi. Buti naman at di nila namalayan ang pagtakas ko.
Wala pa sa garahe ang sasakyan ni daddy akala ko ngayong gabi ang dating nya. Patay pa rin ang mga ilaw kaya siguro hindi nila alam na umalis ako.
Hindi ko alam kung ano oras na ako nakatulog kagabi o baka umaga na. Paulit ulit kasing parang plaka yung imahe ng lalaki at na last song syndrome sa boses nya na malalim.
Pero sigurado ako na sa pagtulog ko ay may ngiti sa labi ko.
" ellie gising na " umingit ako ng konti at bumalik ulit sa pagkakatulog
" gumising kana ellie, pag balik ko at di ka pa nakakabangon malilintikan ka sakin " narinig ko na lang ang paglapat ng pinto.
Wala sa mood akong gumising nakailang hikab ako bago tuluyang bumangon. Nagtungo ako sa cr para mahilamos.
Kinuha ang cellphone na nakapatong sa gilid ng aking kama. Napatingin ako sa orasan at laking gulat ng makitang 11:30 na pala ng tanghali
Agad ako naglakad palabas.
Tsk lagot ako kay mommy nito panigurado mamaya mag rap nanaman yun. Napasarap ata tulog ko.
Nasa sala pa lang ako naamoy ko na ang mabangong niluluto ni mommy.
Kaya dumiretsyo na ako ng kusina. Bago pa makarating ay nakita ko ang taong nakaupo sa lamesa.
"Daddy? Daddyyyyy!!!!" patakbo akong lumapit sa daddy ko.
Yumakap naman agad ako ng mahigpit at humalik ng marami sa kanyang pisngi.
Sobrang saya ko.
" hey young lady, " sabay gulo saking buhok ni daddy. I smiled.
Im 16 years old pero feeling baby pa rin, only child kasi ako. Kaya siguro ako may saltik. Char!
I can see those visible lines on his face, but still he is the most handsome man I've ever known.
Tumabi ako sakanyang upuan. Dumating naman si mommy dala ang iba pang pagkain.
Umupo sya sa tapat ni daddy. Kita ko sa kanyang mata ang saya.
" how are you ellie? Mukhang tinanghali ka ata ng gising". Tanong ni daddy habang nagsasandok ng ulam.
napabaling naman ako kay daddy at
bigla naman ako nasamid sa sarili kong laway
" careful baby " Agad na hinagod ni daddy amg aking likod at nag abot ng tubig. Kase naman sasabihin ko ba na dahilan ng pagkapuyat ko eh ang lalaking nakita ko kagabi?. Sabihin pa nila ang landi lang ng anak nila diba.
" ah eh daddy, bakit ngayon ka lang umuwi? Inantay pa naman kita kagabi" pagiba ko ng usapan. Sana umepek
" may tinapos lang akong trabaho. Wag ka magalala at babawi ako sainyo ngayong linggo " napangiti naman ako. Eto ang gusto ko eh gumala. Tuwing nandito lang kasi si daddy ako nakakagala. Kaya dapat sulitin.
Masaya kaming kumain. Nagkukwento si daddy tungkol sa mga kasong hinawakan nya. Isang public attorney ang daddy kaya kadalasan wala sya sa bahay dahil sa manila ito nakadestino at tuwing sabado ng gabi sya nauwi dito sa laguna at lunes ng umaga luluwas ulit.
Sakto ay bakasyon ngayon. Mag 4thyear na ako ngayong pasukan kaya pakiramdam ko ay hihigpit lalo amg mommy sa akin.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako. Nagsuot ako highwaist jeans at nag tuckin ng tshirt at flat sandal. Hinayaan lang nakalugay ang buhok. Wala ako nilagay na kahit ano sa muka.
Una na akong lumabas ng bahay. habang inaantay sina mommy at daddy ay nag scroll muna ako sa sss.
" baka ma snatch yan"
"* ay shuta! " sigaw ko ng may biglang mag salita sa gilid ko. Napahawak ako sa aking dibdib habang naghahabol ng hininga.
Tawa naman ng tawa ang lalaki kung makaporma ay suot na agad ang damit pang pasko.
" nakakatawa yon?. Kung may mang iisnatch man dito baka ikaw. " mataray kong saad.
" paano mo naman nasabi na ako kukuha nyan" matawa tawa pa rin sya at nakita ko ang cute nyang dimple.
" malamang kilala ko lahat ng taga dito, at ikaw lang ang bagong salta dito sa lugar namin " sabay irap ko.
" grabe ka naman sa akin " nakunsensya naman ako ng biglang lumungkot ang boses nya.
" teka ano bang ginagawa mo dito? Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot dito sa harap ko?"
" wala gusto ko lang humingi ng sorry dahil sa nangyari kagabi" tinitigan ko sya actually ang buong muka nya.
Blonde ang kanyang buhok, matangos na ilong, manipis na labi at mas pula pa sa akin, yung mata shocks kulay langit.
" don't just stare at me, say something " bumalik ako sa ulirat ng magsalita sya.
" ha? Ewan ko sayo balakajan " dala ng kahihiyan ay tinalikuran ko sya. Shocks! Baka sabihin nya nagagwapuhan ako sakanya.
Dali dali ako naglakad sa loob at nakasalubong sila mommy.
" oh anak san ka pa pupunta tara na at aalis na tayo " at hinila na ako nila mommy palabas. Paglingon ko sa labas ay wala na ang lalaking jologs pumorma. Nakahinga ako ng maluwag.
Sa sasakyan ay nasa backseat ako habang si mommy ay nasa passenger. Nag sa soundtrip kami ngayon ni daddy syempre ang paborito naming banda ang eheads.
" Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway "
Feel na feel namin ni daddy ang kanta, pati si mommy ang napapasabay sa lyrics na alam nya lang.
" Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life
'Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song "
Tinaas ko ang dalawa kong kamay sabay wagayway nito habang kinakanta ang outro.
Hindi ko namalayan na sa sm na pala kami. Nag gala gala muna kami hanggang sa mapadako dept. Store balak ni mommy na bumili ng pang bake para daw makadagdag sya sa income kahit nasa bahay.
Wala akong hilig sa ganung bagay kaya boring na boring ako sa kakatingin sa mga nakadisplay doon. Marami pa silang pinamili ng kung anoano
Nang matapos ay nagkayayaan na mag arcade kami ni daddy. Eto ang peborit ko. Si mommy naman ang di mahilig dito kaya nag grocery sya magisa. Habang nagaantay kay daddy bumili ng token ay nakikinood muna ako sa ibang naglalaro
" ayaw mo ba maglaro?" Halos mapasigaw ako dahil sa gulat ng may magsalita malapit sa tenga ko.
Agad ko pinanliitan ng mata amg lalaking pakeelamero.
" kanina gusto ko pero parang nawalan ako ng gana ng makita ka " sabay irap ko. Tinawanan nya naman ako kaya lumabas ang dimple nyang cute. Ano kaya nakakatawa sa sinabi ko?
" sayang lilibre sana kita " para namang nag star ang mata ko dahil nakita ki ang ilang balot ng token grabe. Papayag na sana ako ng lumapit sakin si daddy. Buti naman.
" nak! Nagpapasundo na mommy mo marami sya napamili kaya di nya kaya magisa antayin moko dito ha. Wag ka aalis " hindi na ako nakapalag at agad na umalis si daddy
Wala na ako nagawa at napatitig na lang sa resident evil. Ako lang magisa maglalaro nito? Nakakatakot to eh.
Aalis na sana ako at lilipat na lang sa kaba kabayo na pang bata ng may magsalita ulit sa gilid ko.
" tara laro tayo " sabay hulog nya ng token.
" ayoko "
" sus takot ka lang ata e " padabog kong kinuha ang baril at hinawakan ito ng dalawang kamay.
" mama mo takot! " sabay irap ko sakanya. Narinig ko naman ang mahina nyang tawa. Badtrip
Nagsimula na kami naglaro, pilit na tinago ang takot. Letse baka asarin ako ng lalaking abno nato.
Bahagya ako napapapikit at impit na napapasigaw kapag nakakagat ako ng zombie o di kaya nababawasan ang buhay ko. Feeling ko nga ako nakaubos ng token nya kasi lagi ako namamatay.
Padabog kong nilapag ang baril sa lagayan.
" tss boring" reklamo ko, natawa naman sya sa sinabi ko. Pinanliitan ko sya ng mata
" may nakakatawa ? " tinaas naman nya ang isang kamay at isang kamay ay nasa bibig para takpan ang nakangising ngiti
Babatukan ko sana sya ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
" ellie halika na " napalingon ako sa entrance ng arcade sila mommy at daddy dala ang mga pinamili.
Akma na akong aalis ng hawakan nya ang wrist ko. May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko kaya agad ko ito inalis. Shocks ano yun?
" ah eh, ibibigay ko lang sana to, wala naman ako pag gagamitan kaya sayo na lang " sabay lahad nya sa harap ko ng ilang plastik ng token.
Dahil adik ako sa arcade pwera lang sa resident evil na laro ay kinuha ko ito. Ngumiti ako at nagpasalamat. Magsasalita pa sana sya ng tawagin ako ulit kaya agad ako tumakbo paalis.
Tinulungan ko sila mommy sa pinamili. Isang maliit naplastik lang ang pinabuhat nila.
Tiningnan ko muli ang binigay nyang mga token na nasa kabilang kamay ko. May kung anong kiliti akong naramdaman sa tyan at lihim na napangiti. Kaya agad ko ito tinago sa bag at para di na maagawa pa ng iba.