KABANATA I
Ilang oras na akong tulala mula nang bumaba ako ng eroplano, pero pakiramdam ko hindi pa rin lumalapat ang utak ko sa Spain.
Zhēn de ma, Ali? Totoo ba talaga 'to? Habang ako'y nandito, miles away from home, somewhere out here in a country na halos di ko kilala, si Abigail—ang kakambal ko ay nakatayo sa harap ng altar, suot ang wedding gown... gamit ang pangalan ko.
At ako? I'm here walking out of Madrid-Barajas Airport, dragging my luggage like some runaway.
Runaway bride nga ba ako? Nakakahiya man at ginamit ko pa ang kapatid ko.
Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ‘yung kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa excitement, kung hindi dahil sa bigat ng ginawa ko. Alam kong ako ang dapat nandoon, pero pinili kong hindi. Pinili kong si Abi ang humarap sa pamilya, sa groom, sa lahat.
Wǒ de tiān a, dinamay ko pa siya sa gulong ginawa ko. Kahit gaano kalakas ang tigas ng loob ni Abi, alam kong hindi niya deserve yung stress na 'to.
Sa loob-loob ko, gusto kong bumalik at ayusin lahat, pero... hindi ko kayang bumalik sa altar para magsinungaling sa buong mundo… sa harap ng D’yos.
Bumungad sa akin ang hindi kalamigan na simoy ng hangin sa labas ng airport. Kahit hindi naman winter, may lamig sa hangin na parang dumidiretso sa puso ko. Ang daming tao—mga taxi drivers na nag-aalok ng sakay, tourists na may hawak na mapa, at locals na parang sanay na sa ganitong gulo. Hindi ko akalain na marami pa lang mga Pinoy rito.
Habang naglalakad ako palabas, sinubukan kong ituon ang isip ko sa directions. Hotel. ‘Yun lang ang goal ko ngayon. Wala munang bad thoughts, wala munang guilt trip. Just get to the hotel.
Pero bago pa ako makapag-book ng taxi, may narinig akong boses mula sa gilid.
"Disculpe, ¿sabe dónde está este hotel?"
Napalingon ako. Kumunot agad ang noo ko. Hindi dahil sa Spanish, pero dahil sa itsura ng lalaking nagtanong.
Color red ang buhok niya, hindi ‘yung natural light red, ha. As in, pulang-pula na parang ketchup o madugong regla na bagong labas lang sa potchi ko. May salamin siya na medyo malaki ang frame, tapos may camera na nakasabit sa dibdib nito na parang laging ready makipag-photo shoot. Pero ang pinaka-striking? Yung suot niyang orange na jacket na akala mo papunta siya sa North Pole, hindi sa Spain. Weird, ha…
Shénme yàng de dǎbàn zhè shì? Ano bang klaseng pormahan 'to? Sa init ng araw, hindi ba siya pinagpapawisan?
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, halatang hindi siya nahihiya sa eccentric look niya.
"Uh..." Napakamot ako. Hindi ako fluent sa Spanish, pero medyo na-gets ko ‘yung tanong niya. Hotel. ‘Yun lang ang nakuha ko.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya tumango lang ako nang awkward.
Bigla siyang tumawa, yung tipong parang wala lang, walang pakialam kung bakit ako nagmukhang clueless at tanga. Then, in perfect English, he said, "You're Abigail Chan, right? I'm your tourist." Saka pinakita ang maliit na papel nito na nakasulat ang pangalan ko.
I froze. Kumunot lalo ang noo ko. "What?"
Wǒ méiyǒu yǔ tā jiāohuò guò... Hindi ko naman siya kilala. At higit sa lahat…tourist? Anong ibig niyang sabihin?
Nakatingin lang siya sa akin, nakangiti na parang sigurado siya sa sinabi niya. Huminga naman siya nang malalim at may inilabas na phone at doon niya ipinakita ang isang booked for tourist.
And then it hit me—perks. ‘Yung "bonus package" na sinabi ni Abi sa huling tawag namin bago siya... well, before she became me.
Ito ba ‘yon? Akala ko massage.
Hindi ko alam kasama pala dito ang... isang lalaking may pulang buhok, salamin, at jacket na kayang pasuotin kahit disyerto.
At sa totoo lang, hindi ko pa sigurado kung matatawa ako o mag-aalala.
Chinenck ko kung ano ang ID niya. Hindi dahil may tiwala ako sa strangers. Hello, stranger danger? pero dahil instinct na ng isang Chan na siguraduhin kung legit kausap mo.
Binuksan niya yung maliit na sling bag niya na parang minana pa sa lolo niya noong dekada '80. Doon niya dahan-dahan hinugot yung ID, parang ang OA ng reveal niya. Akala mo naman ay nanakawan.
"Riel Del..." binasa ko out loud. Tumaas ‘yung isang kilay ko. Riel Del? Anong klaseng pangalan 'yun? Ang ikli? Pagod na ata mag-isip ang mama at papa niya.
Pinagmasdan ko ang picture. Red hair. Salamin. Isang awkward half-smile na parang pinilit lang sa photographer. Pero sa personal, mas matangkad siya, mas... hmmm... hindi ko alam kung dahil ba sa jacket niya na kulay orange kaya halatang halata siya sa gitna ng airport crowd, or dahil may weird siyang vibe na hindi ko ma-pinpoint.
At wow naman, araw-araw ba niyang suot ang jacket niya? Ayan din ang nasa ID niya. Baka amoy singit na ‘yan.
"You're staring at my ID," sabi niya, English, pero may Spanish twang.
I blinked. "Because I need to make sure na hindi ka scam," sagot ko in Tagalog na ikinitigil ko. Baka hindi siya nakaka-gets.
Tumawa siya—‘yung tawa na parang galing sa ilong. "If I were, would I be wearing this?" Itinuro niya yung bright orange jacket niya.
Nag-cross arms ako. "Honestly? Mas lalo kang suspicious sa suot mo."
Nag-shrug lang siya, parang wala lang. "You booked me. I could be your companion here."
Napakurap ako ng tatlong beses. "Wait, companion?!" Lumingon-lingon ako sa paligid na parang may camera hidden somewhere. "I don’t need compa—" Napahinto ako kasi naalala ko nga pala, hindi si Abi ang nandito, kung hindi ako. So, kahit ano ang gawin ay lalabas na ako ang nag-booked sa kaniya.
Xiao jie, bakit mo ba pinasok ang sarili mo rito? Iniwan mo si Abi sa altar... well, technically hindi altar kasi kasal na kayo sa papel bago pumunta ng simbahan... but still! And now, eto ka, stuck with a random guy in Spain, na sinasabi niyang tourist siya pero parang may alam siya about sa 'yo. Wait, baka naman naka-fling ‘to ni Abi, ah!
"Where's your hotel?" tanong niya bigla, sa Spanish this time. "Dónde está tu hotel?"
Napatingin ako sa kaniya na parang gusto ko siyang hampasin ng maleta ko. "Bakit Spanish?!"
Ngumiti lang siya at inulit in English, "Where's your hotel? I'll walk you there."
"Oh, so you can speak English," sagot ko, trying to sound unimpressed.
"Of course. And Chinese... and a little Tagalog," sagot niya habang nag-a-adjust ng camera strap sa dibdib niya.
Napatigil ako. Chinese? Tagalog? Ganito siya katalino? Pero hindi ko muna inisip. Focus, Ali. You are here to relax, magpalamig sa gulo ng kasal, at mag-pretend na walang problema sa mundo.
"Fine," sagot ko sa kaniya. "But you carry my luggage."
Ngumisi siya. "Deal," ani Riel Del, sabay ngiti na parang wala lang.
Nasa taxi na kami nang mabanggit niya, parang kaswal lang, na may lahi pala siyang Pinoy. Halos napa-iling ako nang hindi ko sinasadya. Pinoy? Hindi ko alam kung bakit ako nagulat—siguro kasi sa unang tingin, akala ko purong foreigner. Mapula ang buhok niya, kulay-impyerno na medyo kumikislap sa ilaw mula sa bintana ng taxi. May suot pa siyang makapal na salamin na tila idinisenyo para sa mga taong mahilig magbasa ng encyclopedia sa ilalim ng kumot.
Focus, Ali. Hindi ka puwedeng basta makipag-usap nang parang sarili mo lang. Naaalala ko pa ang bilin ni Abi bago siya... well, bago siya magpakasal gamit ang pangalan ko. Always walk like you own the room. Speak like you know more than they do. And smile? Never smile unless it benefits you.
At ayun ako ngayon, nakaupo sa taxi seat na parang may invisible crown sa ulo. Hindi ito natural sa akin—Si Abi ako, hindi si Ali. Ako ngayon 'yung tipong main chick. At ngayon, kailangan kong maging ganoon: composed, intimidating, at parang lagi bida sa mga favorite movies ni Abi. God! Iyong Mean Girls! At Iyong mga movies na Hot Chick!
"Half-Filipino, half-Spanish," dagdag pa niya, parang proud. "On my mother's side."
Mamatay na nagtanong, Regla.
Tumango lang ako, sakto lang sa haba at bilis para magmukhang interesado pero hindi mas’yado.
Humahagod ang mata ko sa labas ng bintana. Spain. Ang dami kong naririnig na kwento mula sa mga kaibigan naming Tsino tungkol sa bansa na 'to—romantic daw, mabagal ang oras, at lahat ng tao, marunong maglakad na parang nasa runway. Pero ako, hindi ko makita ang romance ngayon. Ang nakikita ko lang ay ang bigat ng sitwasyon—at ang lalaking ito sa tabi ko na ang daming sinasabi.
Baka kidnappin ko na siya kasi alam ko na kung nasaan mga magulang niya.
Napaisip ako bigla: Kung Pinoy pala siya, does that mean mas madali kaming magkaintindihan?
Tahimik siya sandali, busy sa pag-adjust ng camera na nakasabit sa leeg niya. Na-curious tuloy ako. "Vlogger ka ba?" tanong ko, pero nilagyan ko ng kaunting lamig ang boses, gaya ng ginagawa ni Abi.
"Something like that," sagot niya. "I travel, I shoot, I tell stories."
Nag-"Hmm" lang ako at ibinalik ang tingin sa bintana.
Sa gilid ng mata ko, nakikita ko siyang nakatingin, minsan parang binabasa ang mukha ko. Lalo tuloy akong naging conscious.
Ang hirap magsinungaling at magpanggap!
Pagdating namin sa tapat ng hotel, bumungad agad ang malalaking glass doors at ang chandelier sa lobby na halos kasing laki ng taxi. Bumaba siya muna at inalok akong tulungan sa bag. Normal kong sagot dapat ay, Ay, thank you! sabay smile. Pero, Abi-mode. Kaya isang mahinang, "Thanks," lang at bahagyang tango ang ibinigay ko.
Pagpasok namin, sinalubong agad kami ng receptionist. "Bienvenidos."
"Gracias,” bida ko.
Habang nag-aasikaso ng check-in si Riel Del, ako naman ay patagong huminga nang malalim. Ali, you're not home. You're on stage. Play your part.