C H A P T E R - O N E

2045 Words
Tittle:"LOVE can DRAG me to HELL" Author:"Ms. Alejos"    PPPPPAAAAAKKKKK.... Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Fiona sa lalaking kasayaw nya, naramdaman nya kaseng panay ang himas nitu sa bandang likuran ng kanyang katawan.. pakiramdam nya ay binabastos sya nitu.. Nagulat naman ang lalaki sa ginawa ni Fiona..   "Anong? bakit mo ako sinampal?.."galit na tanong ng lalaki..   "Bakit dapat lang sayo yan..,manyak ka kase.. Akala mo siguro hindi ko alam na sinasamantala mo ang ang pagkakataon para makapang hipo ka anu.."galit naman na tugon ni Fiona..   Dahil sa nangyari ay nilapitan sila ng isang bounser ng bar at manager dito..   "Ma'am wag po kayo mag eskandalo dito, marami pong maapektuhan kapag dito kayo nagwala.."wika ng manager ng club..   "At saan mo ako papuputahin sa labas aayaain ko tong kasayaw ko at sasabihin ko doon ko sya sasampalin?.. Are you out of your mind?, dito nya ako binastos tapos ipagpapaliban ko ang ginawa ko.."galit na wika ni Fiona..   "Ok ma'am I'm sorry..Please comedown.."wika uli ng manager ng bar na yun..   "How could you say to me that..?Come down? Hindi mo alam ang ginawa ng lalaking iyon then yan ang sasabihin mo saakin.. Kung sayo okey lang na bastusin ka, para saakin hindi.."galit parin si Fiona..   Hindi na malaman ng Manager kung saan sya pupunta alam nyang pag sumagot pa sya mas lalong hahaba, kilala nya ang babaeng eto.. Kaya humingi nalang sya ng paumanhin sa guest at umalis na sa harapan nitu..   Nainis naman si Fiona ng talikuran sya ng Manager maging ang lalaki na sinampal nya'y naglahong parang bula.. Kaya nilisan nya ang bar na yon.. Lumabas sya mag-isa kahit di kasama ang kaibigang si Shacky.. Masama raw kase ang pakiramdam nitu kaya sya lang tuloy ang lumabas mag isa..   Nagtungo sya sa kanyang sasakyan.. At pinaandar yun.. Bago sya tuluyang umalis ay tinawagan nya ang kanyang kaibigan..   "So.., how are you my dear Shacky PimenteL, it was a bad night for me sana di nalang ako lumabas.."wika ni Fiona..   "I know friend malamang umandar nanaman yang pagiging mataray mo..dapat palagi kang nagdadala ng ice ng di agad nag iinit yang ulo mo.."wika ni Shacky..   "Oh my God ako na nga etong inagrabyado eh, at doon talaga ang kampi mo sa side ng nambastos saakin ha.. I hate you friend.."wika ni Fiona sa kaibigan na naglalambing lang naman..   "Mabuti pa magpahinga kana, umuwi at ng bukas wag kang malalate.."wika ng kaibigan..   Si Shacky PimenteL ang matalik na kaibigan ni Fiona, eto ang kanyang Manager pagdating sa modelling carer nya.. Minsan sumusuko din si Shacky sa kaibigan may pagkamatigas kase ang ulo nitu, lahat nalang ata ng staff nakakaaway nitu maging ang photographer nila.. Ngunit di naman nya mabitawan eto dahil, kahit ganitu ang kanyang kaibigan ay mabuting puso eto.. Ang kinikita nitu halos ang kalahati ay napupunta sa Angels Orphanage na sinusuportahan ng dalaga.. Kaya naman hindi nya pwedeng itapon ng basta basta eto.. Maraming kumukuha sa kaibigan ang problema nga lang ang pagiging mataray nitu at kung minsan ay pilosopo pa..   ¤¤¤¤¤¤   Habang patuloy ang pagmamaneho ni Fiona sa kanyang unit ay napansin nyang mauubos na ang kanyang gas, kaya dadaan muna sya sa gas station.. Malapit na sya at sya ang susunod na kakargahan ng may umover take sa harapan nya para mauna sakanya.. Kaya ang ginawa nya isang napakahabang busina ang ginawa nya lahat ng andun ay napatingin sa kanila, hindi nya tinigilan ang nasa harapan nya ng hindi eto umaalis,dala marahil ng hiya kaya umalis agad ang nasa unahang sasakyan para bigyang daan si Fiona.. Matapos kargahan ang kanyang sasakyan at nagkatapat ang sasakyan ng gustong sumingit sakanya.. Binigya nya eto ng FUCKYOU SIGN... Ganito sya palagi kailangamg di sya malalamangan, ang dahilan nyay di bale sya ang makalamang wag lang sya ang malamangan..   Nang makarating ng condo nya ay agad naligo si Fiona.. Maaga syang matutulog dahil gusto nyang magreport sa bagong project nya para bukas.. Matapos makapag half bath ay agad nyang inilatag ang kanyang katawan sa kanyang kama.. Mag isa nanaman sya ngayon..   Noong bata pa sya ang dami nyang kapatid, ang dami nyang mama may mga kuya rin sya noon maraming mga ate.. Yun nga lang lahat yun ay di nya kadugo, makiki ate, nakiki kuya..Nakikimama nakikipapa lang sya palagi, dahil sa Angels orphanage lahat ay magkakapamilya..   Minsan naisip nya bakit kaya nagawang iwanan sya ng kanyang mga magulang? Hindi naman na kase sya binalikan ng mga eto sa ampunan, sanggol palamang sya ng makita nina mother superior sa pintuan ng Orphanage.. Wala manlang daw note na iniwan,kaya walang pagkakakilanlan sa kanya..   Pinuno naman sya ng pagmamahal sa loob ng ampunan yun nga lang nakakainip doon kaya nagawa nyang tumakas noon at hinanap ang buhay sa labas ng ampunan, wala kase syang planong maging madre noh.. Tama na sakanya ang tulungan ang mga taong tumulong din sakanya,katwiran nya pwede ko namang pagsilbihan ang Dyos kahit hindi ako mag madre..   Kaya eto sya ngayon isang freelance model.. At isang scort girl ng mga taong kilala sa lipunan,o ng mga taong kailangn ng babaeng pangdisplay sa labas ng altasyudad..basta tama ang bayad kahit anong oras pwede sya.. ON CALL SCORT GIRL yun ang tittle sakanya ng ahensyang pinasukan nya ng ganitung trabaho..   Sa dami at sa layo ng kanyang pag-iisip ay namalayan nalang nyang nahimlay na ang kanyang diwa.. At nilamon na ng karimlan ang isip nyang tumatakbo kung saan saan..   ¤¤¤¤¤¤   Kinabukasan ay talaga namang gumayak ng maaga si Fiona para makarating sa kanyang trabaho,doon nalang sila magkikita ng kaibigang si Shacky.. FORT BONIFACIO,METRO MANILA.. Dito nakatayo ang kompanyang papasukan ni Fiona.. A subsudiary of SUYEN CORPORATION.. Isang uri ng fashion retail... Ang BENCH COMPANY.. clothing is the main product of this company.. Others are bags,accessories,footwear ang fragrances.. Dito magsisimula ang big break ni Fiona bilang model.. Mga kilalang bituin lamang sa pinilakang tabing ang kinukuha dito kaya naman ng mag kainteres sakanya ang GENERAL MANAGER na si Jude Ong ay agad na nilakad ni Shacky ang mga dapat gawin para maipasok ang kaibigan dito..   Kaya naman ngayong araw nasa harap na sya ng building na yun,napakaganda ng structura ng building ng bech it has a unique style made by the an Architect Miguel Pastor.. Kaya ng makita eto ni Fiona na pa wow nalang sya.. Nakatingalang posisyon si Fiona ng mamataan ni Shacky..   "Nagustuhan mo ba..?"tanong ng kaibigang si Shacky..   "The building yes.. But i dont know kung ganun din sa loob.."wika ni Fiona.. "Sure you would like it nandyan narin ang kanilang studio.. Kaya ngayon malamang mapapasabak ka friend.. Ang please be a good girl okey.."pinagkadiindiin talaga ni Shacky ang be a good girl para sa kaibigan.. Kaya inirapan naman sya ni fiona at sabay na silang pumasok sa loob..   Malapit na sila sa may pintuan ng may nakalimutan si Shacky na papeles sa sasakyan nya kaya naman pinauna na nya ang kanyang kaibigan sa loob,at ganun nga ang ginawa ni fiona nauna na syang pumasok sa loob.. Ang klase ng pintuan ng building ay isang round and glass turning door na nakadivide sa apat.. Kaya pumasok sya ng maya-maya ay may bumangga sa kanya..   "What the f... Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo..napakalaki ko naman siguro para di mo makita..!?"galit na wika ni Fiona..   Nang makita naman ni Shacky na kausap ni fiona ang President na si Virgilio Lim ay agad na naalarma eto..   "Mr. President I'm sorry,ako na po ang humihingi ng pasensya para sa kaibigan ko.."agaw ni Fiona..   "What bakit ka humihingi ng pasensya,sya ang nakabangga saakin shacky.. Anu kaba..?"inis na wika ni Fiona..   "Tumahimik ka dyan di mo ba alam na sya ang presidente nitung company, kaya humingi ka ng paumanhin.."wika ni Shacky..   "No way.. Kahit sya pa ang CEO ng company natu Shacky I would not say sorry, dahil wala akong kasalanan.."wika ni Fiona..   Lihim namang natawa ang matandang Lim sa dalaga,sya nga naman ang may mali kaya dapat sya ang humingi ng sorry..   "Ah maam please accept my apology.. Ako nga ang may kasalanan,kaya wag mong pagalitan ang yung kaibigan.."wika ni pres. Lim..   "I accept it mr. President by the way im Fiona Sanchez.. And soon or starting today i will work on your company,,so ingat po kaya baka mabangga nyo nanaman ako eh,hindi ko na matanggap ang sorry nyo.."wika ni Fiona..   Si Shacky naman ay nininirbyos sa kaibigan.. Ang matandang lim ay nakangiti nalang at nagpaalam sa dalawa.. Samantalang ang anak nitung lalaki na kasama ay nainis dahil sa ginawa ni Fiona sa kanyang ama.. Di manlang eto natakot o natinag ng sabihin ng kasama na ang kanyang papa ang presidente ng companty..   "Stupid girl.."bulong ni William Lim..   Narinig naman ng matandang lim ang sinabi ng anak..   "Son she's not stupid.."dahil alam ng ama ang tinutukoy nitu ay ang nakaingkwentro nilang babae sa lobby..   "Dad she's very rude person.."dugtong pa ni William.. "No son she's not a rude, shes only expressing what inside her.. And beside its our fault..,dahil sa pagkukukwentuhan natin ay nabangga natin sya.. Can you do for me a favor.. Pakicheck mo kung saang department sya.. Gusto kung makita ang performance nya.."wika ng matandang Lim..   "Dad mukang di sya sa opisina nagtatrabaho baka bago lang i'd never seen here before..''wika ni William..   "I'ts okey just give the details about her department.."si Mr. Lim..   "Okey dad.. As you like.."nagpatianod nalang ang binata sa kagustuhan ng ama..   ¤¤¤¤¤¤   Ang magkaibigan naman ng makarating sa ika tenth floor ng building ay agad nagtungo sa opisina ni ng general manager na si Jude Ong.. Matapos tawagan ng sec. Nitu ang boss ay agad ding pinapasok ang dalawa..   "Good morning Mr. Ong.."nakipagkamay si Shacky at ganun din naman si Fiona..   "Good morning ladies.."ganting tugon naman ng manager..   "Mr. Ong this is my friend Fiona Sanchez at sya po ang kinuha nyong maging modelo sa new edition ng mga apparel nyo.."wika ni Shacky..   "Please be seated.. So now kailangan mong magsign ng contract Ms. Fiona.. We cannot issue a 4 years contract.. I give you a yaer contract and then after rhat if you want to stay in the company and we see that you are capable to stay,we can renue it again and again.."paliwanag ni Mr. Ong..   "No problem sir, just want to read the contract.."wika naman ni Fiona..   Maging si Shacky ay may kopya din ng kontrata kaya naman sabay silang nagbabasa ng kaibigan sana lang ay magustuhan ni fiona ang nakasaad doon alam nyang napaka demanding ng kaibigan nya.. Nang matapos silang magbasa ay pinagmamasdan ni Shacky ang kaibigan.. At nakita nyang nilagdaan eto ng huli ng di manlang sya kinunsulta..,but in the end masaya sya dahil nagustuhan nya ang nakalagay sa contrata..   Matapos na mapirmahan yun ay agad sila nagtungo sa studio ng company, para sa free modeling.. Ipinakita ang mga damit at underwear na kailangan isuot ni Fiona.. Para dito ayos lang ang lahat kaya wala namang naging problema, nagkaroon din sila ng free trial photo shoot kahit di naman na kailangan na..,naging mapagpasensya ata ng araw natu si Fiona yun ang napansin ni Shacky..   "Friend my lagnat ka ba?"tanong nitu..   "Kung may lagnat ako, di sana di ako nakarating dito noh..umayos ka jan.."wika ni fiona..   Hapon na ng makalabas sila ng building na yon dala ng pagod ay parehong umuwi ng kanya kanyang bahay ang dalawa.. Ng makarating si Fiona ay agad syang nakatulog.. Naging lang syang muli ng may tumawag sa kanya.. Si Xiane yun,ang agent ng on call scort girl ..   "Oh bakit anong kailangan mo.."tanong ni Fiona na pupungaspungas pa..   "May kokonsurtehan ka ngayong alas onse ng gabi.."wika ni Xiane.. "Alas-onse ng gabi, anong bussiness nyan tilapya ng mga babae at maghahating gabi.."inis na wika ni Fiona..   "Sumunod kanalang ikaw ang napili eh.. Daan ka dito sa bahay,kunin mo yung files si Mr. Mondragon ang kokonsurtihan mo.."pahabol pa ni Xiane..   "Haiizz storbo sa pagtulog.. Kung di lang mahal ang ibabayad mo ay naki di kita pupuntahan dragon.."inis na kausap nito ang sarili..   On call scort girl sya kaya kahit anong oras basta kailangan sya ay.,kailangan nya sumipot basta pwede sya.. But hindi eto ang karaniwang scort girl isa syang profesional scort girl.. Mga kilalang tao lamang ang kanyang sinasamahan at may mga pera na may sapat na pambayad..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD