Hans "Sigurado ka na ba sa magiging desisyon mo, Hans?" Tanong sa akin ng aking kaharap ngayon na si Ivan. Wala sa sariling napatango na lamang ako bilang sagot. "Hans, alam mo ba na kahit wala pang isang taon tayong nagkakilala at nagkasama ay sobrang palagay ang loob ko sayo dahil hindi lamang kaibigan ang turing ko ngayon sayo kundi para nang isang kapatid. Hans, Kahit na hindi mo man sabihin sa akin o kay Dominic yung naging problema mo ay rerespetuhin ko 'yon dahil kaibigan kita. Alam kong hindi ka pa handang magsabi sa amin pero palagi mong tatandaan na kapag handa ka ng sabihin ang mga problema mo ay makikinig ako, kami ni Dom. Basta tandaan mo, Hans na palagi lang kami na nasa tabi mo." Nakangiting saad ni Ivan matapos ay niyakap ako nito. Awtomatikong namasa ang aking mga mata

