Woke up at 7 o’clock am may pasok ako ngayon 8:30 kaya dali dali akong kumilos, kumain, naligo at nagbihis.
Pagkarating ko sa university wala ng masaydong tao baka may mga klase na or baka walang pasok yung iba kaya wala na masyadong tao. Dali dali akong naglakad papunta sa class ko ngayon at buti nalang wala pa yung prof.
Nagscroll lang ako sa cellphone ko at Nakita kong nag post si lyel ng picture nya it’s a throwback picture kaming 5 wala pa si kalen nito nung time na to
Kakalabas ko lang galing sa work ko , nag lakad ako at may napansin akong lalake nakasandal sa kotse nya at nakatingin lang sa langit. Hindi ko na sana papansin kaya nag lakad nako para mag abang ng jeep ng tawagin nya yung pangalan ko
“Cali” napalingon ako para makita kung sino yung tumawag sakin
“Logan?” natawa sya sa tawag ko sa kanya kasi patanong hindi ko sure kung sya yan kaya patanong yung tawag ko
“Yes, I’m logan. Nice too meet you miss” biro nya sakin
“Hi, I’m Calista nice meeting you too” pagsabay ko sa biro nya kaya nag tawanan kaming dalawa sa kalokohan namin,
4am palang ng umaga at puro ka lokohan na
“Ano nga palang ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya, 4 am palang at andito na kagad sya
“Breakfast?”patanong nyang sabi sakin, kaya tumaas yung kilay ko sa sinabi nya Nakita kong natawa sya
“Let’s go, breakfast tayo” at hinila na ako at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse, tinignan ko sya ng masama pero tumawa l.ang sya sakin
“Just get in” sabi nya sakin, wala Nakong magawa kaya pumasok na ako at nag sout ng seatbelt
Nagsimula ng magdrive si logan ako naman nakatingin lang sa bintana at hindi alam kung anong gagawin ko, idk how to open a topic
Napalingon ako sa kanya ng tanongin nya ako bigla
“How’s your wrist?” tanong nya sakin, tinignan ko yung wrist ko may bandage padin at medyo masakit pero unti unti na syang nag heheal
“Okay naman na, medyo masakit lang pag nagagamit masyado” sagot ko naman sa kanya, napatango naman sya
Whatever mag tatanong tanong nalang ako para mawala yung awkwardness ng ihip nang hangin dito
“Ano pala full name mo?” tinignan nya ako saglit at binalik yung tingin sa daan
“You guess” sabi nya sakin kumunot naman yung noo ko
“Ano tingin mo sakin manghuhula ng pangalan” narinig kong natawa sya sa sagot ko sa kanya
“Logan”
“Alam kong logan may 2nd name kaba wala?” tanong ko sa kanya
“Why?” tanong nya
“Makisama ka naman ang tahimik kaya dikaba naririndi sa katahimikan” sabi ko sa kanya
“Okay, Logan hayden jouvessac” nanlake yung mata ko at napatingin sa kanya
“Tangina” yun lang nasabi ko kaya napatingin sya sakin at mukhang nagulat sa sinabi ko at kumunot yung noo kaya agad akong nagsalita
“Ay ano tangina ang yaman ng pangalan mo, san ka pinaglihi?”
“I don’t know I never ask, how about you?” sagot nya sakin
Nagisip ako ng malalim kasi never din naman akong nagtanong diba nga hindi kami close ng fam ko im unwanted child
“Diko din alam ih” sagot ko sa kanya
Doon na tumigil yung paguusap namin ng makarating kami ulit don sa bahay
“Bat andito ulit tayo?” tanong ko ng pagkababa ko sa sasakyan
“Why? You don’t want here?” tanong nya sakin
“Hindi , okay lang nagtatanong lang naman” sagot ko sa kanya
“are you sure? We can go to café right now if ayaw mo dito” sabi nya sakin
“Hindi tara na” sabi ko naman at naunang naglakad huminto lang ako sa tapat ng pintuan nya at inaantay sya, tinignan ko sya at Nakita kong nakakunot yung noo at napailing nalang ngumiti lang naman ako sa kanya
Pagkabukas nya ng pintuan nakaabang na yung aso nya si sunny sa pagkakatanda ko name nung aso
Tumatakbo takbo lang sya at hihinto sa harap ko tinignan ko si logan kasi hindi ko malaman kung anong nangyayare sa aso nya
“Pet him” sabi nya naman sakin, tumango ako at umupo sa sahig at binaba sa gilid ko yung bag ko pero agad din naming kinuha ni logan at nilagay sa sofa
“Hi” bati ko don sa aso nya habang ni rurub ko yung tyan nya at nakasalampak lang yung aso nya sa sahig at gustong gusto yung ginagawa ko
“What do you want to eat?” tanong sakin ni logan
“Ikaw, kahit ano naman kinakain ko” sagot ko sa kanya
Hindi ko na sya narinig na sumagot at mukhang nag start na sya magluto , nakasalampak parin ako sa sahig nya at pinpet yung aso nya nagpapahagis ng bola yung aso nya kaya yun din yung ginagawa ko
“Sit on the couch malamig yung sahig” rinig kong sabi nya
“Hindi naman okay lang ako dito” sabi ko sa kanya
“Just sit on the couch” tinignan ko sya at nakatitig sya sakin ngayon tinaasan nya ako ng kilay kasi hindi padin ako tumatayo
“Okay, sabi ko nga” tumayo na ako at lumapit sa couch para, umupo sa sofa nya ,agad din naming sumunod sakin si sunny agad na umupo sa lap ko nag papalambing
Hinahaplos ko lang yung katawan nya at ako naman ay inaantok anong oras palang kasi mga 5:30 palang ng umaga
“You can sleep upstairs, 2nd to the last yung room” rinig kong salita ni logan sakin,umupo sya sa tabi ko at binigyan ako ng kape, buti nalang coffee person ako
“Thank you” hinahaplos nya lang si sunny sa lap ko tulog na kasi
“Let’s eat?” tanong nya sakin, kinuha nya sa lap ko si sunny at nilagay sa higaan nya, sumunod lang ako sa kanya
“Ang dami mo naman atang niluto” sabi ko sa kanya, ang dami kasing nakahaan sa lamesa nya, friedrice, bacon,spam, egg, may pasta pa, bread tas corned beef ata yun
“I’m hungry that’s why” sabi nya sakin
Tahimik lang kaming kumakain nag tatanongan naman kami, napahinto lang kami sa pagusap ng may nag doorbell sa bahay nya kaya nagkatinginan kaming dalawa
“may pinapunta ka?” tanong ko sa kanya
“Damn, I’m sorry I forgot to tell you” paumanhin nya sakin
“Hala okay lang maya maya uuwi na din ako” sabi ko sa kanya
“No, you’re staying” sabi nya sakin ng seryoso, naglakad sya papunta sa pinto at pinagbuksan kung sino
“Hey bro”agad na bati nila
“What the hell are you doing here?” tanong ni logan sa kanila
“Kakatapos lang namin mag jogging kaya dumiretso na kami dito” sagot ng kaibigan nya, I forgot his name
“Bango ah saktong nagluto ka pala samin, sweet mo par-“ napahinto sya sa pagsalita at napatitig sakin
Ngumiti lang ako sa kaniya na nahihiya
“Dika naman nagsabi na may date ka pala sana dina kami tumuloy” sabi naman nung isa nyang kaibigan
“Hindi , uuwi na din ako maya maya” sabi ko sa kanya at patayo n asana
“Seat down, finish your food. And go upstairs you need to rest” sabi nya sakin
Umawang yung mga bunganga ng kaibigan nya sa sinabi nya kahit ako din nagulat kaya umupo nalang din ulit ako
“Woooah tama ba yung pagkakarinig ko?” tanong ng kaibigan nya don sa katabi nya
“Bro it’s true” sabi naman
“Shut up umalis nalang kayo kung di kayo kakain dito” sabi nya at umupo ulit sa pinagupuan nya kanina
“Sabi ko nga uupo na kami diba jett” Tumango tango naman yung isa at nagsimula na silang kumain
Nakaupo lang ako habang inaantay silang matapos kumain nilalaro ko lang si sunny habang silang tatlo nag uusap
“Go up, you need to sleep” kaya napatingin ako kay logan at tinignan yung mga kaibigan nya
“Wag mo kaming pansinin bula lang kami dito” sabi naman nung jett, ngumiti ako sa kanila at tumayo na
“Isasama ko si sunny ha” paalam ko kay logan, tumango lang sya kaya tumaas nako at humiga na agad sa kama, antok na antok nako.
NAGISING ako dahil ang ingay sa baba, si sunny naman nakahiga lang sa tabi ko at saktong kagigising lang din nya. Kaya hinimas himas ko lang sya at binuhat para makababa na kami.
Pagkatingin ko sa orasan 11 o’clock na din mag lunch na pala
Naguusap lang sila at nagtatawanan, nanonood sila ng movie at may biglang lumabas sa screen kaya nahinto ako sa paglakad at natawa sa mga reaction nilang dalawa si logan nakatingin lang sa kanila at natatawa lang sa mga reaction ng kaibigan nya
“You scared s**t dumbass” sabi nya, nagawi yung tingin nya sakin , tumayo sya at lumapit sakin, kinuha nya din sakin si sunny
“How’s your sleep?” tanong ni logan sakin
“Okay lang, ano pinapanood nyo?” tanong ko sa kanya
“Conjuring” sabi nya at inaya akong umupo sa tabi nya
“You hungry?” tanong nya sakin, umiling naman ako
“Potangina pre sino ba nag request na panoodin to” pagsisi ni jett
“Tanga ikaw nagsabi manood tayo nito” sabi naman nung isa
“Manahimik ka marcellus” at nanood sila sa tv ako naman nanood nalang din. Tumayo si logan ng may nag doorbell sa bahay nya
“I think its lyle” sabi naman ni jett, nanlake yung mata ko at hindi alam yung gagawin, shit
“Why so tagal pagbuksan kuya” sabi agad ni lyel pag pasok na pagsok nya sa bahay ng kuya nya
“This dumbass” sabay turo nila jett, medyo malapit ako nila jett kaya nagsalita sya
“Not you, that two beside you” sabi nya sakin
Tinignan ko lang yung reaksyon ni lyel na ngayon nakatingin sakin ng taimtim na kala mo may ginawa akong masama
“And what are you doing here?” tanong sakin ni lyel pag lapait sakin
Ngumiti lang ako sa kanya kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, tumabi sya sakin so yung pwesto namin ganto asa isang upuan si logan tas kaharap nya si marcellus tas kaming tatlo nila lyel at jett nasa couch
“Ikaw ha” bulong sakin ni lyel, kinurot ko sya sa tagiliran kaya napalayo sya sakin at tumama yung braso nya sa mukha ni jett
“Aray ko ha, kung may galit ka magsabi kalang” habang hinihimas ni jett yung mukha nya na natamaan ni lyel
“Talaga” sabi naman ni lyel at sumiksik sakin at nanood kami, si logan naman tumayo at mukhang may tinawagan
“I order food” sabi nya samin pagkabalik nya, tumango kami at pinagpatuloy yung panood
“AY POTANGINA MO” biglang sigaw ni marcellus tas jett
Tawang tawa naman tong katabi ko imbes na matakot ako kami natawa kami kasi ang lutong ng mura nang dalawang to
“Takot yarn” pangasar ni lyel kay jett, sinamaan lang sya ng tingin ni jett at nanood na ulit
Tumayo si logan at pumunta sa may pinto yun na siguro yung inorder nyang pagkain, tumayo ako para tulungan sya kasi mukhang madami syang inorder na pagkain
“Akin na yung iba” sabi ko sa kanya, pero hindi nya ako binigyan inutusan lang ako buksan yung pinto
“Just help me, open the door” agad ko naming binuksan at sinara pagkapasok ko
Nilagay nya sa center table yung mga inorder nya nilabas ko yung mga pinamili nya, may 4 na box na pizza , pasta, at kung ano ano pa. pinagsama ko yung mga plastic at nilagay sa gilid para hindi makalat yung sala nya
“Let’s eat” sabi naman ni lyel
Kumuha ako ng pasta at pizza habang na nood pa din kami, ibang movie naman pero horror padin yung pinili namin, maliwanag pa naman sa labas kaya hindi nakakatakot manood ng movie
“Ay potangina mo bat ganon itsura nun” reklamo ni marcellus
“Kamukha mo gago” sabi ni jett kay marcellus
“Ulol”
Napailing nalang ako at nanood na, Tumao ako para kumuha ng mainom namin
“Where are you going?” tanong sakin ni logan
“Kukuha ako ng mainom natin” sabi ko sa kanya, tumango nalang sya at naglakad nako papunta sa kusina nya
Nagmumukhang feel at home nako dito pero wala akong choice ayokong mabulunan kaya kumuha nako ng mainom namin, may mga soda naman sya sa ref kaya yun nalang yung kinuha ko at kumuha ng baso, pagkalabas ko ng kusina tumayo si logan kinuha nya yung mga basong hawak ko
Pagupo ko kiniliti ako ni lyel sa tagiliran ko nangaasar lang to kaya kinurot ko sya ng patago at sinamaan ng tingin
“Tangina naman ng movie nay un” reklamo ni marcellus
Katatapos lang namin panoodin yung the grudge na bago, medyo nakakatakot pero hindi kami natakot mas takot na takot yung dalawang lalake na kasama namin sila jett at marcellus
“Sus takot kalang” asar ni logan sa kanila
“Shut up dude” sabi naman ni jett
Kinuha ko ulit yung plastic sa gilid at nilagay yung mga walang laman na container tinulungan naman ako ni lyel para maglinis ng kalat sac enter table
Papasok kami ng kusina at si logan naman palabas may dalang alak at mga beer
“Yan ang gusto ko” rinig kong sabi nila jett at marcellus
“tara don tayo sa garden di naman na medyo mainit” aya nila
Nilagay ko sa basurahan yung mga kalat namin at naghugas ng kamay, Nakita kong nakatingin sakin ng nakakaloko si lyel kaya tinaasan ko sya ng kilay
“Ano?” tanong ko sa kanya
“Ikaw ha anong ginagawa mo sa bahay ni kuya” tanong nya sakin
“Inaya ako ng kuya mo kaya andito ako” sagot ko naman sa kanya, totoo naman yun nag aya sya pero hindi ko alam na dito nya ako dadalhin
“Ikaw ha ang aga aga andito ka, baka naka live in na kayo ha” asar nya pa sakin
“Funny ka no” sabi ko sa kanya at lumabas na sa kusina at umupo sa couch kasi andoon si sunny. Hindi pala alam ni lyel na nag tatrabaho ako sa Jollibee
“Oh you meet sunny” sabi nya sakin, tumango naman ako sa kanya
“Bat lumalapit yan sayo never lumapit sakin yan maarte yang aso ni kuya, nakakapag duda ha”
“Maarte ka daw” sabi ko don sa aso pero dinilaan nya lang yung kamay ko
“Mukhang hindi naman maarte” at tinignan si lyel na nakasimangot
“Ang unfair ha” reklamo nya tumawa nalang ako at pinicturan yung aso at inupload ko sa ig ko
“wow pinost pa sa ig ha” asar nya sakin
“ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko naman sa kanya, pero umiwas lang sya ng tingin sakin
May feeling nako
“Ikaw ha” pang aasar ko sa kanya biglang nangamatis yung mukha nya
“Ano?” patay malisya sya sa sinabi ko
“Sige na umamin kana sakin, ako lang to” asar ko sa kanya
“fine, oo na crush ko si jett” sabi nya sakin
Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya its my turn na asarin sya, sinamaan nya lang ako ng tingin at pulang pula na yung mukha nya ngayon
“ikaw ha, jett pala ha” asar ko sa kanya
“Shut up ang ingay mo mamaya marinig nya” sabi nya sakin at tumitingin sa buong bahay para tingnan kung pumasok ba
Natawa nalang ako pinet lang si sunny yung aso
“Tara don tayo sa garden, nag iinuman sila oh” aya sakin ni lyel
“Sige” at tumayo ako sabay kaming naglakad papunta sa garden, pag kalabas namin nakatingin silang tatlo samin
“What?bawal ba kami dito?” tanong ni lyel sa kanila, umiling naman sila kaya lumapit kami sa kanila at kumuha ng upuan
“sit here” at pinat pa ni logan yung katabi nyang upuan
Tinignan ko sya kung ako ba yung tinuturo nya, tinaasan nya lang ako ng kilay at tinap ulit yung upuan na katabi nya
“Sige na sis lumapit kana” sabi naman sakin ni lyel, naglakad ako papunta sa upuan na katabi ni logan at umupo si lyel naman kumuha pa ng upuan pero naunahan sya ni jett kuhain yung upuan
“Ang epal mo” sabi ni lyel
“Ang epal mo” panggagaya ni jett, mukhang nainis naman si lyel, tinarayan nya yun at kukuha na sana ulit ng upuan
“Tara dito” sabi ni jett, mukhang seryoso naman sya tinignan muna ni lyel ng masama si jett bago sya umupo
“So I was saying ililipat sakin yung company namin pag ka graduate ko” sabi ni marcellus
Nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila ng ma curious ako sa iniinom nila alam kong alak yun and once palang ako nakakatikim nyan nung birthday ko last last year at hindi na ako umulit
Kinuha ko yung baso ni logan at tinungga, napapikit ako sa sakit sa lalamunan ng inumin ko yung alak na yun
Nagulat ako ng mga nakatingin na sila sakin lahat at nanlake yung mata kaya tinignan ko sila ng nagtataka
“Cali?” patanong na tawag sakin ni lyel
Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay medyo naguguluhan ako sa mga nangyayare at bakit sila nakatingin sakin
“Why did you drink it?” tanong sakin ni logan at kinuha yung baso sa kamay ko at inabutan ako ng soda
“Tinikman ko lang bawal ba” sabi ko sa kanila
“Grabe ka cali isang tunggaan mo lang yan sakit sa lalamunan nyan” sabi naman ni jett
“Omg cali gaga ka” sabi naman sakin ni lyel at napailing
Napakamot nalang ako sa ulo ko medyo umookay okay naman na lalamunan ko
“Don’t drink” sabi ni logan at napailing
“Arte” bulong ko pero mukhang narinig nya yun kaya nag peace sign nalang ako sa kanya
Asa garden lang kami hanggang sa mag gabi na pumasok lang kami ni lyel para magluto ng dinner nila at para samin na din
“Marunong kabang mag luto?” tanong ko kay lyel, alam kong may katulong sila kaya feeling ko hindi sya marunong magluto
“Hehehhe” sabi nya sakin, napailing nalang ako
“Tulungan mo nalang ako, wait marunong kaba gumamit ng kutsilyo?” tanong ko ulit sa kanya
“Oo marunong naman ako” sabi nya sakin, tinignan ko pa sya kung totoo syang nag sasabi
“Oh ito hiwain mo pabilog” sabay abot sa kanya ng patatas
“Okay chef” at nagsimula na syang maghiwa ako naman nag simula Nakong magluto ewan ko kung may nauna saking gumawa nito kasi gawa gawa ko lang to
“Tapos na” sabay abot sakin ni lyel ng hiniwa nyang patatas
“Next naman lagay mo sa flour tas set aside mo lang muna sa tabi” utos ko ulit sa kanya sinunod nya naman ako
Nagsimula na akong magluto nung beef at nilagay sa plato hanggang sa maubos yung beef na minarinate ko and next ko naming niluto yung patatas prito lang to
“Wow smells good cali” pagpuri ni lyel sakin
“Syempre luto ko to” sabi ko sa kanya tinarayan nyalang ako
“Yabang” natawa nalang ako at nilagay sa plato
Kumuha ako ng mayonnaise at nagplating na nasa gitna yung mayo tas yung mga nasa gilid yung beef tas patatas
“It looks good”
“Tara na” aya ko kay lyel sya na nag dala ng mga plato tas lettuce
“Let’s eat” sigaw ni lyel paglabas namin sa garden
“Wow ang bango” sabi ni marcellus tas jett, nilapag ko sa table yung niluto namin ni lyel at umupo na din ulit
“Ang sarap” sabi ni jett
Ngumiti lang ako sa kanila, tinignan ko si logan kasi hindi sya kumuha ng niluto ko ayaw nya ba?
“What?” nang napansin nya akong nakatingin sa kanya
“Dika kakain?” tanong ko sa kanya, umiling sya at nag patuloy sa ginagawa nya
Kumuha ako at tinutok sa harap ng bibig nya
“Kain” sabi ko
“I don’t want” sabi nya sakin at tinarayan ako
Arte nito ha anong problem anito
“Isa lang” sabi ko ulit sa kanya
“Don’t push it, I don’t want to eat” sabi nya sakin
Tinarayan ko nalang sya isusubo ko na sana ng hawakan nya yung tinidor at sinubo nya . aayaw ayaw pa kakain din naman pala
“Arte” sabi ko sa kanya at kumain na din paminsan minsan sinusubuan ko sya kasi kung dimo susubuan di rin sya kakain
“Thank you for that wonderful dinner, cali” sabi ni marcellus sakin
“Masarap ba? Gawa gawa ko lang yan ih” napanganga sila sa sinabi ko
“We gawa gawa mo lang yan? Akala namin nag hanap ka ng recipe” sabi naman ni jett
“Gawa gawa ko lang yan” sabi ko at nag ligpit na tinulungan naman ako ni lyel mag ligpit pati na din sila jett at marcellus tumulong ng magligpit ng kalat nila
Hindi na sila nag iinuman kaya si logan ang busy sa laptop nya kanina nung sinilip ko nasa 3d sya at inaayos yung damit baka project nila kaya hinayaan nan amin
“Let’s take a picture ,guys” biglang ay ani lyel mag picture
“Ang corny naman” anagal ni jett
“Edi wag kang sumama sino kaba” pambabara ni lyel kay jett
“Sige mag bangayan kayo mamaya kayo din magkatuluyan”
“Never” sabi naman ni lyel, napangisi naman ako sa kanya. Talaga lang ha
“Kuya” tawag nya sa kuya nya, pero tinaasan lang sya ng kilay
“Picture” aya nya ulit sa kuya nya pero ayaw padin sumama, kaya siniko ako ni jett, marcellus tas lyel kaya napatingin ako sa kanilang tatlo
“ano?” tanong ko
“dali na” sabi naman ni lyel sinabihan ako na ayain yung kuya nya na sumama sa picture
Kaya lumapit ako sa kanya at kinalabit sya
“what ?”
“Picture daw” sabi ko, pero tinaasan lang ako ng kilay kaya napalingon ako sa tatlo
“go” basa ko sa bibig nilang tatlo
“Tara na saglit lang naman” aya ko pa ulit
“I hate taking pictures, no” sabi nya sakin, kinalabit ko sya ng kinalabit hanggang sa nainis sya kasi hinawakan nya yung wrist ko na may sugat pero hindi naman ganon kahigpit at napa aww ako
“aww” napatingin sya sa hawak nya at agad din niluwagan
Napapikit sya at tinignan ako sa mata pero ngumiti lang ako ng pilit sa kanya hindi nya padin binibitawan yung kamay ko or I should say my wrist
“let’s go” at tumayo na sya pero hawak hawak nya padin yung wrist ko nabangga nya
“ayon” sabay nung tatlo na sinabi
Tumingin kami sa camera at ngumiti , naka ilang take kami bago naisipan ni lyel na tama na daw, nagsipasukan na sila at papasok na sana ako ng nakahawak padin sakin si logan sa kamay ko
“bakit?” tanong ko sa kanya, napaharap ako sa kanya dahil sa paghila nya
“I’m sorry” sabi nya sakin
“Ha? Saan?” tanong ko kasi wala naman akong maalala na may ginawa syang kasalanan
“About your wrist” at tinignan yung wrist ko
“wala yun kinukulit din kasi kita” sabi ko naman sa kanya, tinignan nya ako sa mata kaya ngumiti ako sa kanya na wala lang yun
“It’s just im busy and I hate it when people touch me like what you did, naiirita ako that’s why” pag explain nya sakin
“Okay lang kahit ako din naman maiinis, wala yun. Tara na gabi na oh” aya ko sa kanya sa loob ng bahay nya
Tumango sya at kinuha yung laptop nya na nasa table at sabay na kaming pumasok
“where is the two assholes?” tanong nya sa kapatid nya
“asa guest room inaantok daw sila dito na daw sila matutulog” sabi naman ni lyel
“Okay, how about you?” tanong nya sa kapatid nya
“Im sleeping here sa isang guest room” tumango si logan at pumuntang kusina ako naman kinuha na yung bag ko sa couch
“Uuwi nako” sabi ko kay lyel
“ha gabi na dito kana matulog tabi tayo” sabi nya sakin, umiling lang ako may gagawin pako sa bahay ko
“Hindi na may gagawin pa kasi ako need ko ng umuwi”
“Oh okay, text me when you got home” sabi nya at humalik sa pisnge ko bago sya umakyat sa taas para matulog
Pumunta akong kusina at si logan nakikita kong umiinom ng tubig
“Ano uuwi na ko” sabi ko sa kanya, tumingin sya sakin habang umiinom ng tubig
“Ha” sabi ko ulit
Binaba nya yung baso at nag lakad sakin papalapit
“Stay here, sleep with lyel” sabi nya sakin
“hindi na may need pa kasi akong gawin sa bahay kaya kailangan ko ng umuwi” pag dadahilan ko sa kanya, wala naman talaga akong gagawin sa bahay nahihiya nako masyado parang isang araw din akong nakatira dito
Tinignan nya ako I mean tinitigan lang kung sigurado ba talaga ako sa sinabi ko
“Okay, let’s go” sabi nya sakin
Ngumiti ako at sumunod sa kanya, tahimik lang kami sa kotse nagtanong muna ako sa kanya kung lasing ba sya pero sabi nya hindi naman daw
“ Dito nalang sa gilid” sabi ko sa kanya
“I’ll walk you home” sabi nya sakin, napailing ako
“Hindi na malapit lang naman sige na umuwi kana para makapagpahinga kana , wag mabilis mag drive ha. Thank you bbye” at tumakbo na, huminto lang ako sa harap ng gate namin at kumaway sa kanya hanggang sa makaalis sa paningin ko yung kotse nya
Agad akong tumakbo at nag para ng tricycle at sinabi kong saan yung address ko
“Dito nalang kuya” at nag bayad nako ng pamasahe at tumakbo na sa bahay ko
BUMALIK ako sa reyalidad ng pumasok na yung prof namin at nagturo na medyo boring yung class nya pero pinipilit kong magising dito kasi kailangan kong pumasa ilang months nalang graduate nako
“that’s all for today, class dismissed” at lumabas na sya sa room namin
Tinext ko si lyel kung asan sya
To: lyel
Asan ka? Pumasok kaba?
Niligpit ko yung nasa table ko at tumayo habang inaantay yung reply nya sakin
From: lye
Andito ako cafeteria saktong kakatapos lang ng class ko, I’ll wait you here
Dumiretso na ako sa cafeteria kasi sabi nya andoon sya, Nakita ko naman sya kagad dahil wala pa masyadong tao kaya mabilis syang makita kasi walang pa lakad lakad na student
“Nag order kana?” tanong ko sa kanya
“Oo” sabi nya sakin
“Ano inorder mo?” tanong ko ulit sa kanya
“Dessert gusto ko ng sweets ngayon” sabi nya sakin at mukhang na tatakam kaya hinaayan ko na, inantay lang namin yung order namin na matawag
“Tulungan na kita” sabi ko at sabay na kaming tumayo hindi naman maagaw yung seat namin kasi madami kaming nilagay don at tsaka madami pang vacant seat.
“So yummy” sabi ni lyel habang kumakain napailing nalang ako sa kanya
“may klase kapa?” tanong nya sakin
“Wala na uuwi nako may kailangan pakong I deliver na mga inorder sakin” sabi ko sa kanya at nagpunas ng bibig
“May 2 pakong klase punta akong bahay mo after wala naman pasok bukas ih
“sige lang, una nako. Text kalang pag malapit kana” sabi ko sa kanya at nagalakd na palabas ng school
Pumara ako ng jeep at nagbayad na ng pamasahe saglit lang naman yung byahe
“para po” at bumaba na sa jeep, at naglakad na, kinuha ko kagad yung mga naka pack na order at inaarange ko kung sino yung uunahin ko
“Okay, let’s go cali” sabi ko sa sarili ko at nag lakad na palabas ng pinto
Pagkalingon ko Nakita ko si logan na nakatayo sa harap ko napaatras naman ako sa gulat ko ng makita sya sa harap ko
“anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya
“Where are you going?” tanong nya naman sakin at hindi sinagot yung tanong ko
“pakelam mo ba” sabi ko naman sa kanya
“I care” sabi nya at hinarang ako sapag lakad
Ano ba naman tong lalake na to
“umalis kana may gagawin pako nag hahanapbuhay ako dito tas ikaw nanggugulo” sabi ko sa kanya
“let’s go, I’ll come with you” sabi nya sakin at tinalikuran ako
“At sinong nagsabing sasama ka sakin” sabi ko sa kanya
At tinuro nya yung sarili nya parang nagsasabi ako
“bwiset” wala Nakong magawa at sumunod sa kanya kasi alam ko na next nyang gagawin pag hindi ako sumama sa kanya