Maaga akong nagising ngayon. 2 weeks from now, magsisimula na ang school fair namin. As a club President, dapat maayos ko na yung booth namin this week. Isa pa, masaya din ako ngayong papasok sa school kasi makikita ko ulit si Grey. I called them for a meeting ahead of our first subject. Kaya, sure akong umpisa palang ng araw ko, magiging masaya na. Just because of him.
Pumara ako ng bus at saktong may bakanteng upuan pa, iyon nga lang sa pinakadulo ang bakanteng upuan. Usually kasi kapag ganitong kaaga, punuan na dahil sa mga napasok din sa trabaho. Hindi na ako nag-inarte pa at umupo na agad ako don. Katabi ko ang isang lalaking naka-cap, nasa tabi siya ng bintana at may nakasuksok na earphones sa tenga niya. Hindi ko naman maiwasang hindi siya tignan. Naka-side view siya at dahil na din sa cap niya kaya di ko masyadong maaninag ang buong muka niya. Pero familiar ang lalaki. Mula sa matangos na ilong, matabang pisngi at miski ang hikaw niya. Hindi kaya siya to?
Hmm, pero bakit naman siya sasakay sa bus? He have lots of cars at sure akong sa itsura ni Grey di ito para mag-commute. At sa tatlong taon kong pagkakakilala sakaniya, di naman sasakay yun sa ganito. Hays, baka naman kaparehas lang ng hikaw. Masyado lang akong praning.
Napa-buntong hininga na lang ako at nag-focus sa agenda namin para sa meeting. Halos mapalundag ako sa gulat ng mag-ring ang phone ng katabi ko. Ang lakas ng ringtone niya kaya kahit sino talaga ay magugulat. Nilingon ko siya at hindi pa din siya nagalaw. Wala siya sariling kinuha ang cellphone niya. Tsk. Ano bang meron ang lalaking to? Ang weird niya ha.
"What? Si Martha kinasal na? You must be kidding me, piggy. Wala ngang boyfriend si Martha tapos ikakasal? Ano? Yung lalaking 'yon? f**k! I can't believe this! Sana sinabi mo naman sakin agad! Oo na! Bye!" I know masama ang pakikinig sa usapan ng ibang tao. Pero sa lakas ng boses niya sure akong hindi lang ako ang nakarinig sa sigaw niya kahit ang ibang pasahero maririnig din 'yon.
Atsaka, teka nga. Parang familiar yung boses niya ah.
Titignan ko pa sana siya ulit nang mawala na siya tabi ko. Inikot ko ang paningin ko at sheteng palakang malas naman oh. Lagpas na pala ako sa school. "Para po!" Buong pwersang sigaw ko kaya pinagtitinginan na tuloy ako ng mga pasahero. Geez! Kakahiya!
Mabilis akong naglakad, I mean tumakbo na ako at mabuti na lang at hindi pa gaanong kalayo ang nababaan ko. Pagpasok ko ng gate, nakita kong nakatayo doon yung lalaking nakasakay ko sa bus. Mukang tama nga ang hinala ko. Inalis niya ang cap niya at tuloy tuloy na siya sa pagpasok ng building. Para naman akong ewan na natigilan.
Ikaw kaya makita mo ang love of your life, hindi ka matigilan? At nakatabi ko pa siya! Waaah. Pwede na akong mamatay! Mamatay sa kilig! Hihihi.
"Ghad! Mas lalo siyang gumwapo a!" Pa-sway sway pa akong naglakad papunta sa classroom namin. Nawala na nga sa isip ko ang mga co-officers ko na kanina pa nagaantay sakin. Para kasi akong lumulutang sa alapaap. Nakatabi ko pa lang siya bus ha? What more kung kinausap na niya ako? Hinawakan ang kamay ko? Tapos hinug ako? Tapos kiniss niya ako? "Waaaah!" Baka mamatay na talaga ako non kapag nangyari 'yon. Pero keri lang, if ever na mangyari. Whaha. At least, na-kiss ko siya. Hahaha.
"Thank God. You're finally here!" Bungad nila sakin ng makapasok ako sa loob ng room kung saan kami mag-mimeeting. I smiled to them at nag-peace sign na lang. Sure akong mamaya malalagot talaga ako nito kay Dianne. "Kanina ka pa namin inaantay. Saan ka pa ba dumaan?" Lumapit siya sa tenga ko at halos mabulunan ako sa sinabi niya. Grr! Kaloka, ang berde talaga ng isip ng babaeng to. Sabihin bang may ginawa kami ni Grey na kababalaghan? Hays, how I wish meron nga. Hahaha. Lande ko talaga!
Inikot ko ang tingin ko sa kabuuan ng classroom namin pero wala pa din siya dito. Dapat nga mauuna pa siya sakin pero bakit until now wala pa din siya dito? Saan naman kaya nagsususuot ang isang 'yon?
"Pare! Buti naman dumating ka na din!" Tinignan ko si Joaquin at nakatingin siya sa may pintuan. Sinundan ko ito ng tingin at sa wakas, nandito na nga ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Bakit kaya siya natagalan? San pa kaya siya pumunta?
"Sorry. May dinaanan lang." Seryoso siyang tumingin saming lahat at umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko. Nangangati na ang dila ko at gusto kong itanong sakaniya kung sino yung dinaanan niya. Pero, nakaramdam naman ako ng hiya. Di kami close kaya baka kung ano pang isipin niya. Isa pa, ni pangalan ko nga di niya alam e tapos magtatanong pa ako? Sabihin pa niya nangingialam ako. "Miss President, can we now start the meeting? I'm on rush. May pupuntahan pa kasi ako e." See, hindi niya alam ang pangalan ko. He always calls me Miss President. Yon lang! Halata mo sakaniya na wala siyang pakialam sa mundo niya. Lagi lang siyang may sariling mundo. Di bale na, gwapo naman siya. Hahaha.
"Saan ka pupunta pare?" Di ko sure kung bulong ba yung pagtanong ni Mir. Pero, rinig na rinig ko e.
"Kila Martha." For the 2nd time, narinig ko na naman ang pangalang Martha ngayon araw. Sino ba talaga si Martha sa buhay niya? Bakit pakiramdam ko parang ang laking parte niya sa buhay ni Grey? Don't tell me gusto niya si Martha ha? Eh diba kinasal na nga yung girl. So paano na si Grey ko?
"Ghad! Ang sakit sa ulo!" Late ko ng na-realized na napalakas pala ang pagkakasabi ko. Lupa kainin mo na ako!
"May problema ba Elisse?" Tinignan ko silang lahat. Nakakunot ang noo nila sakin tapos si Grey as usual hindi man lang ako tinignan. Suplado talaga ng poging to, oo!
"Wala. Hehehe." Ngumiti ako sakanila ng kay lapad para sabihin okay lang talaga ako at buti naman at hindi na sila nagtanong pa.
Binigyan ko silang lima ng handouts na pina-print ko kagabi. Nandon na lahat ng agenda namin para sa meeting today. Sila na lang ang bahala kung paano ang mangyayari sa booth namin.
"Horror booth na lang!" Masayang suggestion ni Mir. Nakatanggap tuloy siya ng batok mula kay Grey. Hehehe. Yan kasi puro kalokohan. Si Mir ang aming P.R.O at tropa din siya ni Grey ko. Gwapo din siya, mayaman at siya talaga ang pinaka-makulit sakanilang magkakaibigan. Mukha lang siyang suplado, pero siya ang pinaka-mabait sakanila.
"Marriage booth na lang kaya guys." Nag-biblink pa ang mga mata ni Dianne habang sinasabi niya 'yon. Haha. If I know, kaya yun ang suggestion niya para sa crush niya. Hays, same feather really flocks together. At kami 'yon! Hahaha.
"Tingin ko mas maganda kung jail booth na lang. Mas may thrill kasi. Mas exciting! Hehe." Suggestion namin ni Neri. Yung treasurer namin.
"Hmm. Kissing booth na lang kaya? Or making out booth? Aray ang sakit! Ang sakit non ah." Himas himas ni Joaquin ang tenga niya dahil sa pingot ni Dianne. Haha. Puro kamanyakan kasi ang nasa isip e. Kung si Grey ang Mr. Heartbreaker, siya naman ang boyfriend ng campus. Kaibigan din siya ni Grey. Gwapo, mayaman at babaero. At siya ang Sgt @ Arms ng club namin.
Close naman kaming lahat sa club kahit nga member lang. Bukod lang talaga kay Grey. Masungit kasi talaga siya at suplado. Actually, si Mir and Joaquin nga lang ang kinakausap niya. Tsaka, yung Ericka pala na malandi at si Aira, na girlfriend niya.
Ouch. Ouch. At isa pang ouch.
"Arts Club tayo kaya dapat regarding don ang booth natin." Inirapan ko silang apat at nagisip ng pwede naming gawing booth. Si Grey naman, simula kanina di pa din nagsasalita. Sabagay, ano pa nga bang bago don? Lagi naman siyang tahimik. Busy lang siya sa pag-cecellphone niya. Seryoso nga ang muka niya habang nakatingin don e. Parang ang laki ng problema niya.
Sino kayang katext niya?
"Osige. Miss President, anong nasa isip mo?" Pinakita ko kay Dianne ang papel na kanina ko pa sinusulatan. Habang nagsusuggest kasi sila, nagiisip ako ng mga possible na booth namin. Syempre, inspired kasi ako ngayon kaya madami akong naisip. Gawa kasi ni Grey na nakaupo lang naman sa tapat ko. Kumbaga, nandyan si Bae kaya inspired. Whaha.
"Gusto ko sana i-occupied natin yung Lacson Gym. Tapos, may part tayo don na ipapakita natin yung mga drawings at paintings natin. Tapos sa kabilang side, magtayo tayo ng maliit na stage para sa kanta at sayaw. Yung mga students na gustong sumayaw at kumanta pwedeng mag-join. Tapos tayong anim syempre may performance sa opening ng booth." Tahimik lang silang lima habang nakikinig sila sakin. Saglit naman na tumingin sakin si Grey bago muling binalik ang tingin sa cellphone niya na kanina pa niyang hawak. "Hays." Napabuntong hininga na lang ako.
"Sige, magandang idea nga yan." Masayang sabi ni Dianne na siyang sinang-ayunan ng lahat except kay Grey. Wala pa din siyang pakialam sa pinag-mimeetingan namin e. Ang weird talaga niya kahit kailan.
"Sige, sinong merong may malaking speaker? Di kasi tayo pwedeng manghiram sa Admin kasi gagamitin din nila 'yon e. Ang pwede lang natin mahiram sakanila ay yung wireless microphone." Paliwanag ko. May 30 minutes pa kami para matapos ang meeting namin bago ang first subject namin.
"Kami merong speaker. Isulat mo na lang sa blackboard Miss President ang mga itotoka mo saming dalhin." Tumango ako sa sinabi ni Mir at tumayo na ako para magsulat sa blackboard.
Si Mir ang magdadala ng sound system at microphone. Ayaw daw kasi nilang manghiram sa Admin. Palibhasa, mga mayayaman kaya maaarte. Si Joaquin naman daw ang bahala sa mga drawings and paintings na kakailanganin namin. May friend daw kasi ang parents niya na kilalang artist sa ibang bansa. Si Grey naman daw ang bahala sa mga tables and chairs na gagamitin namin at sa pagkain daw at sa instruments para sa performance namin. Nag-suggest kasi sila na tutugtog daw sila sa fair para makahatak ng tao at hindi kami langawin. Puro kalokohan lang sila pero pag ganitong bagay, maaasahan mo naman silang tatlo. Isa pa, si Grey naman ang Vice President ng club namin kaya dapat lang na umayos siya. Kundi humanda lang siya sakin. Kakagatin ko siya! Rawr! Haha!
Kami namang mga girls ang bahala sa curtains, sa pag-dedesign at sa mga props na gagamitin like tarpaulin etc. Kami na din daw ang bahala sa pakikipag-usap sa mga dapat paalamanan. Dapat makapagsabi na kami bago pa kami maunahan ng ibang clubs para sa venue. Malaki kasi ang Lacson Gym at nasa pinaka-gitna pa siya ng school kaya sure kaming madaming may gustong maging venue din iyon para sa fair. Sana lang kami ang mauna.
"Okay, meeting adjourn. See you all next week guys para sa practice natin." Nauna ng lumabas si Grey. Sinukbit niya ang bag niya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya. Akala ko pupunta na siya sa room nila pero hindi. Sinuot niya ulit ang cap niya at dire-diretso na siya palabas ng school. "Huh? Saan naman kaya yon pupunta?" Sabi ko na lang sa isip ko.
"Halika na girl. Malelate na tayo sa first class natin e. Terror pamandin yun si Mrs. Galicia. Hehe." Natatawang sabi niya. Sumunod na lang ako sakaniya at di ko na lang muna pinansin si Grey. Baka naman kasi may importante siyang kailangang puntahan. Kilala ko siya at di siya basta basta nag-diditch ng klase. Gago lang siya pero masipag at responsable siyang tao.
May kinalaman kaya don si Martha?