Kevin's POV "Ano? Sasabat pa? Ikaw nga dapat ang tanungin ko e. Sino ka ba?" Nagulat ako sa biglaang iniasal ni Kryztal. "Ako ang secretary ni Kevin." Sagot naman ni Mica. "Secretary ka lang pala e, anong laban mo sa ASAWA?!" Ngisi-ngising sabi ni Kryztal. Nanumula na ngayon si Mica sa sobrang inis, kaya naman umalis nalang. "Bakit mo naman ginawa yun hon? Mamaya, baka mag resign yan as my secretary." Inirapan niya ako. "Edi mag resign siya, sinong tinakot niya. Ako ang papalit bilang secretary mo. Ang kapal ng mukha niyang bigla kang halikan sa harapan ko?" Napatawa naman ako "Nagseselos ang asawa ko." Inirapan na naman niya ako. "Labas na lang muna ako. Pwede? Baka ma-bored lang ako dito. San ba banda ang bookstore dito?" Tanong nya sa akin. Sumama pa talaga siya, susungitan lang

