Napabalikwas ako bigla. Pawis na pawis ang buong mukha at leeg ko. Hinihingal rin ako. Luminga-linga agad ako sa paligid. Where am I? Inisip kong mabuti ang lugar kong nasaan ako ngayon. I am now sitting in a bed. Sa gilid ko ay may mga aparatus at isang table na may naka patong na black box. Puti ang buong paligid at may couches sa tabi nang kama ko. Mayroon ring maliit na water dispenser at maliit na fridge at sa ibabaw noon ay isang basket na puno nang iba't-ibang prutas. Am I in the hospital? Bakit andito ako ngayon? Napakurap-kurap ako. Napagtanto ko na ang lahat ngayon. Akala ko guni-guni lang ang lahat nang nasa panaginip ko. Naalala ko na ang nakaraan ko. Naalala ko na ang lahat ng nangyari noon sa pagkatao ko. Naalala ko na si Gileon at kung sino siya sa buhay ko. Naalala ko

