Kabanata 2: Enemy

2039 Words
Maaga akong nagising. Maaga kasi ang pasok ko. Magsisimula ang pasok ko ng 8:00 am at matatapos ng 4:00 pm. "Hey sweety." Bati ni Daddy saka tiniklop ang binabasa niyang diyaryo. "Good morning." Sabi ko saka bumeso ako sa kanya. Lumapit rin ako kay Mommy at bumeso. "Manong Roy will be officially your driver at ipapadala din namin sina Victor at Sebastian para maging official bodyguard mo from now on." Ani Daddy. "Why would I need a bodyguard?" Takang tanong ko habang nakatuon ang mga mata ko sa pag tusok noong hotdog gamit ang tinidor. Sinubo ko ito matapos ay humigop ako ng hot chocolate. "Hellina, delikado na ang panahon ngayon. Isa pa, paparating narin ang eleksyon. Alam mo naman kung gaano kainit ang mga kalaban." Naalala ko tuloy iyong kwento ni Grandma. Nagagalit at nalulungkot akong isipin na dahil lang sa politika, namatay si Grandpa. Why would people vied for that position anyway? It's not like you'll take with you your position and money in your grave when you die. "O-okay." Hindi na ako komontra. Mas okay na rin iyong nag iingat. "Asan nga pala si Heros? Bakit palagi kong hindi naaabotan ang batang iyon?" Tanong ni Daddy kay Mommy. "He's busy talking with an investor na gustong mag invest sa poultry natin. Kasama niya ngayon si Mang Peding at pumunta sila ng Sta. Elena. Mamaya susunod ako sa kanila pagkatapos kong masamahan si Hellina papuntang school. First day niya ngayon kaya gusto kong maka sigurado na maayos ang lahat." Ani Mommy. "Mom? I'm not a kid." Napa-irap ako sa sinabi niya. She still baby sits me and it's really annoying. I really wish so hard before na magkaroon pa ako ng isang nakababatang kapatid na babae. But unfortunately, I did not. I am bless to have gain their full attention on me. Napaka swerte ko kasi hindi lahat ng mga anak nabibigyan ng ganoong pagkakataon. But their attention to me is too much na nasasakal na ako minsan. I wanted to fly but they cut off my wings so I can't. That's how I feel by the way they raise me. "Tama nga naman Mariella. Let Hellina grow up. Huwag mo ng masyadong bini-baby ang anak natin at baka mas lalong maging spoiled pa iyan." Ani Daddy habang humigop ito ng kape at pinagpatuloy ang pagbabasa ng diyaryo. Napa iling nalang si Mommy. "O-okay. But make sure na hindi ka lalabas ng school hanggat wala si Manong Roy at sila Victor at Sebastian okay? Dala mo ba ang cellphone mo?" Tumango-tango lang ako saka pinagpatuloy ang pag-aalmusal. "Balikan ko po kayo mamaya sa uwian niyo Ma'am Hellina. Kung may emergency man ho o mapa-aga ang labas niyo, e text niyo ho ako." Bilin ni Mang Roy ng nag tanggal ako ng seat belts. "Oho Mang Roy." Sagot ko saka nagpaalam at pumasok na sa school. I feel a little nervous lalo na at halos lahat ng studyante naka tingin sa akin. They keep on whispering to each other. Well I guess, this is how awful it feels like to be a transferee student. I wonder if they already knew who I am? I guess some already did. News about our family spread like fire easily. Kahit kaonting balita, alam agad ng mga taga Almendra at buong Zaccarrio. That is how influency my family, especially my father and older brother inflected in people here. Ilang minuto matapos ako makarating sa school ay hindi ko parin mahanap iyong classroom ng first subject ko which is Economics. Naiinis na ako dahil kanina pa ako pa ikot-ikot. Masakit na rin ang mga paa ko sa kakalakad. Buti nalang talaga naka flat shoes lang ako. "Hi!" Napalingon ako sa aking likuran. I saw two girls at my age smiling at me. Iyong isa ay medyo mataba, balingkinitan ang kutis, kulot at itim ang buhok saka medyo singkit ang mga mata. Iyong isa naman ay kasing tangkad ko, slim, maputi din katulad ko. Medyo mas pale nga lang ang kutis niya kompara sa'kin na medyo nagiging cream ang kulay lalo na kapag nasisinagan ng araw. She has a dimple too in her right cheek. "Hey?" Nagdadalawang isip kong sagot sa kanila. "Are you two talking to me?" "English speaking teh!" Tatawa-tawang sabi nong mataba. "Oo ikaw. Nawawala ka ano? Kanina ka pa namin nakikita e na pabalik-balik dito sa corridor. Bago ka ba?" "Uhm oo. Kanina ko pa hinahanap ang classroom ko pero di ko makita. First day ko sa school today." Sagot ko sa kanila. "Patingin nga ng schedule mo." Sabi naman nong babaeng may dimple saka ko naman pinakita sa kanya ang notes ko. Tumingin na rin iyong mataba. "Ayy halos magka pareho pala tayo ng sched e! Same din tayo ng course." Halos sabay nilang sabi dalawa. "Can I just join you two?" Nag-aalanganin kong tanong sa kanila. But I think it's good to make the first move sa pakikipagkaibigan since ako ang bagohan. Naalala ko tuloy noong first day ko sa senior high school sa California. Mas bully ang mga estudyante sa senior high school kompara sa grade school. I always cry everytime someone will tell me to go back to my own country. Almost all girls hated me for I don't know specific reasons. Thankfully Nicole is a big bully too but only to my enemies. She always defend me and will tell me that other girls are just jealous because their boyfriends have a huge crush on me. I would laugh at it and she will smile at me after I wipe my tears. "Sure teh! Ako nga pala si Delilah Lazar pero you can call me Dee for short." Pagpapakilala nong matabang babae saka nakipag kamay sa akin. "Ako naman si Philine Raine Torribio pero Pia nalang." Pagpapakilala naman nong isa saka nakipag kamay rin sa akin. I both shook their hands saka ako naman ang nagpakilala. "My name is Hellina Marieve Amante. Pero Hellina nalang." Naka ngiti kong sabi. Napa awang parehas ang mga bibig nila. Maybe they were shock knowing I am an Amante. Kung doon sa California hindi pansin ang apelido ko, dito ibang-iba. It's like they are always amuse everytime they meet one of our family which I really don't understand. "Amante ka? Kaano-ano mo si Governor at si Mayor Hercules?" Tanong ni Dee. "Daddy ko si Governor Heustacio Amante at Kuya ko naman si Mayor Hex, I mean Hercules." Hindi ko alam pero naiilang ako sa pag sagot. It's like they are making it a big deal. "Oh my God!" Umaarteng hinawakan ni Dee ang kanyang noo na para ba siyang nahihilo. Natawa tuloy ako sa reaksyon niya. They are both fun to be with. Maswerte nalang ako na naka hanap agad ako ng bagong kaibigan at kakilala. Si Dee ay anak ng isang magsasaka at si Pia naman ay anak ng isa sa trabahador namin sa aming azukarerahan. Hindi na kami naka pasok sa first subject noong araw na iyon, mabuti nalang wala rin iyong instructor. Nasa midterm na ako nakapasok kaya dapat mas pag-igihan ko para makahabol. Pero hindi naman ako nag-aalala dahil andyan si Mommy na maalam sa kursong kinuha ko, at si Kuya Heros rin na lagi akong tinutulungan sa assignments ko kapag may time siya at nagka-abotan kami sa bahay. "Hoy! Alam niyo ba, balita dito sa school na may naka away ang grupo nila Gileon kagabi?" Ani Dee habang nilalantakan nito ang kutsinta. Andito kasi kami sa canteen at lunch break. Tumaas bigla ang kilay ko sa sinabi niya. Pagkarinig ko pa lang sa pangalan parang na intriga narin ako. It's just been one week since nag start akong pumasok pero close na close ko na ang dalawa. They are just like Nicole. Hindi kasi sila maaarte at lagi lang kaming nag-uusap at nagtatawanan sa maliit na bagay. "Talaga? Sino daw? Napuruhan ba si Gileon?" Ani Pia na bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Mabilis na inubos ni Dee ang kinain niya't uminom ng tubig. Bumaling agad ito kay Pia. "Mga dayo daw dito e. Binastos daw kasi ng mga dayo si Khalia. Mabuti nalang hindi napuruhan si Gileon dahil andoon din sila Luke." Naka hinga naman ng maluwag si Pia sa sinabi ni Dee. "Ehh! Mabuti naman at okay lang si baby Gileon. Kinabahan ako doon." Saad ni Pia. "Mag tigil ka nga!" Sabay tulak ni Dee kay Pia. "Baby ka diyan. Akala ko ba walang agawan ng crush?" Ngumuso lang si Pia. "Bakit, sino ba ang Gileon na iyan at napaka concern niyo sa kanya?" Nagugulumihan kong tanong. "Oo nga pala, bago ka pa rito at hindi mo siya kilala. Well, si Gileon lang naman ang nag-iisang pantasya ng buong Kolehiyo de Zaccarrio. Naku kapag nakita mo iyon? Tiyak mahuhulog ang panty mo!" Kinikilig na sabi ni Dee. "Ang OA niyo." Napa simangot ako sa reaksyon nila. "Ayan! Ayan na siya! Ayan si Gileon!" Pagpipigil ng tili ni Pia habang naka tingin siya sa pintoan ng Canteen. Natigilan naman ako at nilingon iyong tinititigan niya. It was the same guy na tinitigan ko ng mabuti doon sa convenience store. Kasama rin niya ngayon iyong mga kasamahan niya noon. "Iyan?" Sabay nguso ko doon sa lalaki. Naka suot siya ng isang simple navy blue polo shirt at tinernohan ng faded maong pants. Tumango lang sila habang titig na titig sila doon sa lalaki. Hinarang ko ang kamay ko sa mukha nila pero wala itong epekto. Umawang lang ang mga labi nila, kulang nalang tumulo ang laway ng mga ito. Lumingon uli ako doon papunta sa lalaki. Nagulat ako dahil naka tingin narin siya sa kinauupuan namin tatlo nila Pia at Dee. I saw a glimpse of small smile in his lips habang may ibinubulong sa kanya iyong katabi niyang lalaki. He was staring seriously in our position. Hindi ko lang alam kung sino ang tinitingnan niya sa aming tatlo. But what the hell I care? He's indeed handsome like how I describe him the first time I saw him in the convenience store but that is all he has. His handsome face and nothing else. Nag iwas ako ng tingin mula sa kanya. I don't like the way he stares at me. It gives me shivers sa hindi ko malaman na dahilan. "Tara na nga!" Sabay hila ko sa dalawa. "Nakita mo ba iyon Hellina? He was staring at us!" Kinikilig at natutuwang sabi ni Dee habang palabas na kami ng Canteen. Maging si Pia rin parang nangingisay sa kilig. "Gwapo lang naman siya. Bakit ganyan kayo maka react?" Nagtataka kong tanong. "Anong gwapo lang? Bulag ka ba kanina Hellina? Sa buong Zaccarrio, si Gileon talaga ang may pinaka gwapong mukha. May matitipunong dibdib at may mga pandesal pa sa tiyan! Napaka tikas rin ng tindig ng lalaking iyon. Matalino, matangkad, at magaling sa lahat. Plus points na ang galing siya sa mayamang pamilya." Ani Pia. "Tsaka isa siyang del Carmen. Hindi siya basta basta, katulad mo Hellina." Saad ni Dee. Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Nilingon ko ang dalawa. "del Carmen? Isang del Carmen ang lalaking iyon?" Mabilis na tumango-tango iyong dalawa. "Oo, bunsong anak siya ni Vice Governor Leonardo del Carmen at Tito niya si Lavin del Carmen, iyong Vice Mayor dito sa Almendra." Sagot ni Dee. "His real name is Gileon Miguel del Carmen." "Di ba matagal ng magka-away ang pamilya ninyo Hellina? Ibig sabihin pala, hindi ka dapat pwedeng magka-gusto kay Gileon." Utas ni Pia. Natawa naman ako sa sinabi nito. "Me? Of course, hindi no! Tsaka kahit pa hindi magkalaban ang pamilya namin, hindi ko siya magugustuhan. He's just handsome and that's it, wala ng iba akong nakikita sa kanya." Madiin kong paliwanag sa dalawa. "Uyy so inamin mo narin na naga-gwapohan ka sa kanya?" Panunukso ni Dee sabay hagikgik ng tawa. Parang umakyat ang dugo ko sa pisngi dahil sa sinabi nito. Kaya mariin agad akong umiling. "Well yes, obvious naman physically. But that doesn't mean I am attractive to him emotionally." Depensa ko kaagad. "Hmm... Sabi mo iyan ha?" Panunudyo naman ni Pia saka nagtawanan at nag apir sila dalawa ni Dee. Tss. Yes, I wouldn't like him. It won't happen and I will not let it happen. Lalo na, isa siyang del Carmen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD