Pagkatapos ng lunch break ay nag hiwalay na kami nila Pia at Dee. Tuesday kasi at iba ang class schedule nila sa hapon. At bakante ako ngayon hanggang alas dos kaya may isang oras ako para makasama si Gileon. I want to smash my head para matauhan ako but I can't help myself not to smile by just thinking na magkasama kami sa library. Magkasama kaming dalawa lang for the first time and doing what? Kaagad kong dinial ang numero niya. "Hellina." Bakas sa boses niya ang pagkabigla at excitement. "Vacant ko ngayon. Pupunta na akong library. May klase ka pa?" Tanong ko. I can't stop giggling pero pinanatili ko ang boses kong maging kalmado at maging malamig sa kanya. "Sige pupuntahan na kita. Saan ka ba ngayon?" Sabi niya habang naririnig ko ang mga kaluskos. I don't know what it is pero mu

