MABILIS na lumipas ang panahon. Naka graduate na ako sa University of Boston sa kursong Culinary Arts at hindi lang iyon, graduate pa ako with flying colors. Pumunta sa graduation ko ang pamilya ko't at ang buong pamilya ni Gileon, maliban kay Lola Demi. Hindi na kasi siya pwedeng bumiyahe kasi masyado na siyang matanda at mabilis lang mapagod. Hindi man siya naka dalo, binigyan niya naman ako ng heirloom na singsing bilang regalo. Actually sa lahat ng natanggap kong regalo mula sa pamilya ko at sa pamilya ni Gileon, iyong heirloom na bigay ni Lola Demi ang pinaka nagustohan ko. Nagpapatunay raw iyon na parte na ako sa pamilya at buhay ng mga del Carmen. After I graduated, I stayed in Boston. Matapos ko kasing grumaduate ay pinalad akong makapasok sa pinangarap kong biggest and most famo

