"Mommy! Hindi ko na kaya ang magsuot ng ganoon ka taas na heels. Baka matapilok lang ako sa stage." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang hinihilot ang mga paa ko. Ang sakit-sakit na ng mga paa ko sa kaka-practice mag lakad. Pinasubok niya kasi akong mag lakad suot ang four inch na heels! I can't imagine myself wearing that stupid shoes again! "Hellina Marieve! Mag tigil ka nga diyan. Dati nga mas mataas pa na mga heels ang suot ko kapag rumarampa ako o sumasali sa mga beauty pageants. Wearing higher heels means wearing higher confidence." I rolled my eyes in disbelief. "But Mommy, hindi ko talaga kaya. Baka iyan pa ang ikatalo ko." Natigilan si Mommy sa pagpa-plantsa ng buhok niya. Mamaya kasing hapon ay magsisimula na ang aming practice. Mabuti nalang at every weekend lang ang practice na

