"Hellina... Gumising ka na.." Naalimpongatan ako sa aking pag tulog ng dahil sa pa ulit-ulit na pag yugyog sa akin ni Gileon. Minulat ko ang aking mga mata at nagulumihan akong napatitig sa window ng kotse niya. Gabi na pala dahil sa dilim ng lugar at tanging ilaw nalang mula sa malaki at bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid. "Where are we?" Nanghihinang sabi ko. Medyo sumakit ang katawan ko dahil sa nangyari kanina. "Somewhere far." Sagot niya. He rested his back at his seat. Saka niya binuksan ang stereo sa kotse niya at nagpatugtog ng music. "What the-" Aabotin niya sana ang stereo ng pigilan ko ang kamay niya. "Huwag. Maganda iyan. That's my favorite." Sabi ko. He left out a deep sigh. "Are you okay? Mukhang napagod ka at ang tagal mong naka tulog. I'm sorry sa gi

