MABILIS dumaan ang araw at naka labas na ako ng hospital. Pagka-uwi ko sa bahay ay kina-usap ko sina Kuya Hex, Kuya Heros at Mommy nang masinsinan. Hindi ko pa maka-usap si Daddy dahil galit parin siya sa'kin ngayon at sa aming lahat kasi tinanggap na nila si Gileon. "I'm sorry Kuya Heros sa lahat nang masakit at masamang nasabi ko sayo. Hindi ko sinasadyang pagsalitaan ka ng ganoon. Alam kong dapat respetohin parin kita kasi kapatid kita at ikaw ang mas nakakatanda sa'kin." Lumuluha kong sabi. Andito kami sa harden ng aming hacienda. Nilapitan nila ako kanina habang nagpapahinga ako at tinatanaw ang malawak naming pag-aari. Niyakap ako ni Kuya Heros saka hinaplos ang buhok sa aking likod. "Huwag ka ng mag sorry, Hellina. Wala na sa'kin yon. Tsaka totoo rin ang sinabi mo tungkol sa hind

