"Sino 'yon Kuya?" Tanong ko kaagad nang maka balik si Kuya Heros. "Si Kristine." "Oo alam ko ang pangalan niya. Pero sino siya?" "Let's not talk about her. Kamusta ka? I heard you went with Hex to watch the dance festival contest?" Sabi niya at hinila ang isang high chair at umupo ito sa tabi ko. Kinuha niya rin ang isang bote ng red wine at isang baso saka sinalinan ito. Tumango ako. "Yup! Ang dami ngang tao kanina. Almendra ang champion." Sagot ko. Maybe complicated pa ang relasyon niya kay Kristine kaya ayaw niyang pag-usapan ito? Ayaw ko naman makisawsaw kung anong mayron sa relasyon nila. "So did you see... Anyway, anong gagawin mo dito sa hacienda? May mga plano ka na bang gagawin sa bakasyon mo?" Napa isip ako. "I don't have plans yet pero siguro bukas, pwede mo ba akong tur

