I. The Poor Uncivilized Creature

1949 Words
Kasisimula lang ng semestral break. Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Clarisse ang buong lugar mula sa kinatatayuan niya. It's their last semestral break before graduation. She shouldn't be here while all her friends are going to Singapore! Iniisip pa lang niya'y naiiyak na siya. What is she supposed to share when she comes back to the university? While they all brag about the places they've been to and show the stuffs they shopped, what can she say? That she stayed in the most boring place ever? Mula sa kinatatayuan niya'y wala siyang nakikita maliban sa mga burol at tila walang hanggang kakahuyan at taniman. Parang mabibingi pa siya sa katahimikan. Wala pa siyang isang oras doon ay hindi na niya gusto ang lugar. Paano siya makakatagal ng isang buwan? This is not what she planned for vacation! Depressed na napatitig siya sa screen ng cellphone. Wala man lang signal! Padabog na ibinalik niya iyon sa bag. Akala niya'y makakakuha siya ng signal kapag lumabas siya ng mansiyon. Hindi man lang niya matawagan ang mga kaibigan niya o kahit ma-text man lang! How could she even live here? This place doesn't even know anything about civilization. From the really old and lifeless mansion, to the dusty and rocky road, to the difficult means of transportation, to the low tech form of communication, the indiferrent people, to the inedible food - everything is absolutely hateful! Napabuga siya ng hininga sabay napapadyak sa inis. She totally hates her Dad for this. She just dated James and the next thing she knew, she was thrown at this place as a punishment. She just dated! What's wrong with dating? Her friends already have boyfriends. Besides, she's twenty-one! It is pretty normal! Oo't pinagbawalan siya nitong makipag-boyfriend hangga't nag-aaral pa siya at hindi niya ito sinuway. It was just a date. Subalit nang malaman ng Daddy niya na nakipag-date siya kay James ay basta na lang ito nagdesisyon na sa probinsiya siya magbabakasyon nang hindi man lang pinapakinggan ang paliwanag niya. Her Dad just sent her to this horrible place just because she dated! This is totally unacceptable! But what else does she expect? Her Dad barely noticed her existence. Pinag-uukulan lang siya nito ng pansin kapag may nagawa siyang mali. Simula pagkabata'y malayo na ang loob nito sa kanya. Nang magka-isip siya'y saka niya napagtanto na siya ang sinisisi ng Daddy niya nang mamatay ang mommy niya sa panganganak sa kanya. Biglang gumuhit ang pait sa dibdib. All her life, she begged for her father's attention. She excelled in school just to make him proud and happy but he never recognized her achievements. She tried hard to be the perfect daughter just so he could love her but it never happened. Just one mistake and her Dad threw her out of the house. She could pack her things and leave but... she just loves him so much. She can't bear leaving with him angry at her. Lalong namalisbis ang luha sa mga mata niya. Umiiyak siya dahil naiinis siya kung nasaan siya ngayon, dahil hindi niya gusto ang lahat ng taong nakikita niya, dahil hindi siya nababagay sa lugar na ito. She wanted nothing but to make her Dad happy and proud of her. And now... it seems like she had disappointed her Dad so much. And she dreaded that feeling. Muling sumungaw ang luha niya. Umiling siya. No, she shouldn't cry. Only weak people cry! Kumuha siya ng bato saka inihagis iyon ng malakas, umaasang matanggal lahat sama ng loob niya kasama niyon. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang biglang makarinig siya ng sigaw. Umurong bigla ang luha niya nang marinig na may kumakaripas ng takbo. Muntik na siyang mahagip ng rumaragasang kabayo kung hindi siya nakaiwas. Ganoon na lang ang kaba ng dibdib niya. Kasunod ng kabayo'y may lalaking tumatakbong papalapit sa kinaroroonan niya. "Athena!" sigaw nito. Bigla itong napatigil sa pagtakbo nang makita siya. At bigla rin siyang natigilan. Her heart skipped a beat. It may be the way he walked and the way he looked at her that made her nervous. Malalim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, matangos ang ilong at manipis na labing tila nag-aanyaya ng... Wait, what is she thinking? Napalunok siya sa iniisip at ibinaba ang tingin. Humakab ang nagagalit na muscle sa t-shirt na suot nito na narumihan ng putik. He stared at her and she stared back. Her heart fluttered and suddenly it felt difficult to breathe. God, she can't keep her eyes off him! "Ikaw ba ang pumukol ng bato?" bigla'y galit na tanong nito. Saglit hindi siya nakasagot. "Are you talking to me?" aniyang itinuro ang sarili. Hindi siya makapaniwala sa tono ng pakikipag-usap nito sa kanya. Kaagad na binawi niya ang lahat ng magagandang bagay na nakita niya rito. Gwapo nga, wala namang modo. Doesn't he know who he's talking to? Napalingon-lingon ito. "May iba bang tao rito bukod sa'yo? Oo, ikaw ang tinatanong ko." Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa saka napailing-iling. Lalong nanliit ang mata ng dalaga. The nerve! Nobody has ever even tried to be rude to her! "Well, ask somebody else. I have no time for rude people like you!" singhal niya sabay talikod pero kaagad nitong nahagip ang braso niya. Naalarma siya bigla. "At hindi ba kabastusan kapag tinatalikuran mo ang taong kumakausap sa'yo?" anitong tinitigan siya ng matiim. "Hindi mo ako madadala sa pa-Ingles-Ingles mo. Punung-puno na ako sa mga turistang kagaya mo. Talagang pare-pareho kayong taga-siyudad, walang pakialam kung nakakaperhuwisyo na sa buhay ng iba. Kapag may nangyari sa kabayo ko-" Pumiksi siya para makalayo rito. "What? You're gonna kill me?" putol niya sa sasabihin nito. "Are you even sure it was me?" aniyang hinarap ang nagbabagang tingin nito. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. "You know what, mukha ka sanang tao, but your manners indicate that you haven't evolved yet!" Nangalit ang bagang ng kaharap. Napalunok si Clarisse. Wala siyang laban kung sakalin siya nito bigla. Namumula na ang punong-tainga nito at napakuyom ng kamao. Ngunit handa siyang masuntok nito. Siguro'y ibabalik siya ng Daddy niya sa Manila kapag may mangyaring masama sa kanya. "Define manners," mariing sabi nito. "Dahil baka ikaw ang wala no'n," sagot nito na ikinapanlaki ng tenga niya. "Kapag may nangyaring masama kay Athena, babalikan kita." Namula si Clarisse sa galit. Nilampasan lang siya ng binata. Did he just threaten her? How dare him talk to her like that! Nanginginig sa galit na dinampot niya ang bag saka padabog na naglakad patungo sa bahay ng lola niya. Pakiramdam niya'y umuusok ang ilong niya. Naglapat ang labi niya. In no time, he will bow with his knee down kapag nalaman nito kung sino siya! And she will make him kiss the ground if that would please her so! Nang mawala ito sa paningin niya'y mabilis siyang naglakad pabalik sa mansiyon. Bumabalik ang kaba sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang nagbabagang tingin nito. Kaya mas binilisan pa niya ang paglalakad. Nagsisi tuloy siya kung bakit naglibot-libot pa siya sa hacienda ng nag-iisa para lang makahanap ng signal. Wala pang limang minuto'y nakaramdam na siya ng sakit sa paa kaya bumagal ang paglalakad niya. Ngayon lang niya napansing malayo na pala ang nalakad niya. Nakaramdam siya ng awa sa sarili. Ngayon lang niya naranasan ang ganito buong buhay niya. Ba't naman kasi andaming bato, himutok niya sa sarili. Her Dad doesn't even care if she suffered. Mabuti na lang sinamahan siya ni Tita Fe, ang nakababatang kapatid ng Daddy niya. Simula pagkabata'y ito na ang nag-alaga sa kanya dahil palaging wala ang Daddy niya. If not, she's doomed. Nag-init ang sulok ng mata niya nang maisip kung paano siya nagawang tikisin ng Daddy niya. Iiyak na sana siya nang may marinig na kaluskos. Pakiramdam niya'y may sumusunod sa kanya. Naalarma siya. Masukal pa naman ang bahaging iyon dahil taniman iyon ng tubo. Mabilis niyang sinulyapan ang likuran. Kumabog ang dibdib nang makita ang binatang nakasagutan kanina. Nakaramdam siya ng kaba. Lalong binilisan niya ang paghakbang. Lalong bumilis ang tahip ng dibdib. Dinig niyang bumilis din ang hakbang ng binatang nakasunod sa kanya. Nang makita ang maliit na daanan patungo sa palayan, kaagad siyang lumiko at tumakbo ng mabilis. Pag nalampasan na niya iyon ay makikita na niya ang mansiyon. Kahit pa sumigaw siya'y walang makakarinig sa kanya dahil malayo ang mga kabahayan. Dapat siyang tumakbo ng mabilis at sabihin sa Tita niya na mapanganib ang lugar na 'to para pumayag ang Daddy niyang umuwi na sila sa Maynila. Nang hindi makayanan ang hingal, napatigil siya para makahinga ng maayos. Mabilis pa rin ang tahip ng dibdib. Nang lumingon siya'y wala nang nakasunod sa kanya. Para siyang nabunutan ng tinik lalo pa't nakikita na niya ang lumang mansyon mula sa kinaroroonan niya. Kailangan lang niyang dumaan sa palayan at nasa likod-bahay na siya ng mansyon ng abuela. Akmang lalakad na siya nang makarinig ng kaluskos mula sa kaliwang bahagi ng daan kung saan may mas maliit pang daanan. Napalingon siya. Nanlaki ang mga mata nang makita ang punit na pantalon at maduming t-shirt. Para siyang naitulos sa kinatatayuan. Paano siya nito natunton ng gano'n kadali? Isang hakbang pa nito at makikita na niya ang mukha nito. Wala siyang mapagpipilian pa. Napasigaw siya ng malakas. "Heeeeeelp!" "Anak ng kalabaw!" gulat na sambit ng binata. Nahintakutan si Clarisse. Walang kahit na sinumang naroroon na maaaring makarinig sa sigaw niya. Pero sumisigaw pa rin siya. Lalo siyang nahintakutan dahil hindi niya magawang maihakbang ang mga paa. "Hoy! Napa'no ka?" inis na bulyaw nito. Natigil niya ang pagtili. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa kaharap. Did he just yell at her? And what did this probinsiyano call her? Hoy? Nobody in the entire world ever called her Hoy! "My name's not Hoy!" galit na sambit niya. "Wala akong panahong makipagkilala sa'yo," tila walang pakialam na sagot nito. Lalong nanlaki ang mata siya sa narinig. This, this... poor uncivilized creature! "Excuse yourself Mister, I would never ever want to get acquainted with you. I'm just saying, you have no right to call me hoy!" "May panahon pa bang mag-isip ako ng itatawag sa'yo? Eh bigla ka na lang sumigaw. Kamuntik mo na akong mapatay sa gulat ah!" Pakiramdam ng dalaga'y umaapoy na ang ulo niya sa init. Nawala na ang takot na kanina lang niya naramdaman. "It's your fault! You scared me! It's a normal reaction that I should scream!" "Inano ba kita?" kunot-noong tanong nito na para bang mawawalan na ng pasensiya. "You really have the guts to ask? It's so obvious that you were following me!" Tinitigan siya nito ng matiim.Yung tagos sa kaluluwa. "Hah! Ba't naman kita susundan?" Tinaasan niya ito ng kilay. "This is a private road! What else would your reason to be here other than follow me? I can sue you for this!" "Malala ka na, magpatingin ka sa doktor," anitong iiling-iling. "Magdemanda ka kung iyon ang ikasisiya mo." Lalong nadagdagan ang inis niya sa kaharap. "You're gonna be sorry for talking to me like this!" "Bakit? Sino ka ba?" Napabuga ito ng hininga saka nilampasan siya. Awang ang bibig na napatingin siya sa binata. Napakawalang modo! Tuluy-tuloy itong naglakad at hindi siya nilingon man lang. Ilang minuto pa'y nawala na ito sa paningin niya. Pakiramdam niya'y kumukulo ang dugo niya. Gusto niya talagang ipakulong ang bastos na iyon. Padabog na tinalunton niya ang daan patungo sa lumang mansiyon. Napangiwi siya nang makaapak ng putik. Narumihan ang paboritong sneakers niya. Pero hindi na niya ininda iyon. Inis pa rin siya sa binatang nakilala. Pero tinitiyak niyang mapapahiya ito oras na malaman nito na anak siya ng may-ari ng lupang tinitirhan nito. She can't wait to tell Tita Fe! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD