CHAPTER 2

2019 Words
____ *JANESSA's Pov* Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sarili kung kadugo ginawa sakin to. Hindi ko parin mapigilang hindi umiyak dahil sa sama ng loob. "Tumigil kana tumira ka nalang sa condo ko" Napatingin ako sa lalaking nagsalita talaga bang gusto ako ng lalaking to pero bakit? Bakit ako? Ang dami dyang ibang babae na mas babagay sakanya. "Wag mo ng isipin yong nangyari lahat ng kinuha nyang ari arihan ng magulang mo maibabalik sayo" Napakaseryoso nyang sabi sakin hindi ako sumagot nanatili lang akong tahimik. Pagkarating namin sa condo nya agad nya itong binuksan. Sumunod lang ako sakanya iginala ko ang paningin ko malinis ito. Parang hindi lalaki ang nakatira bigla akong nahiya mas malinis pa sya sakin. "Don ang kwarto mo may mga damit na din dyan gamitin mo nalang yong mga damit ng ate ko" Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi nyang yon. Naalala ko wala pala akong ni isang nadalang damit nakakahiya naman kung gagamitin ko yong mga damit ng ate nya. "Hello ate ipapagamit kona sa girlfriend ko yong damit mo dito okay bye!" Nagulat ako sa ginawa nyang yon tumingin sya sakin. "Pinaalam kona kaya gamitin muna" Sabi nya sakin wala akong nagawa kundi gamitin nalang. Pagkatapus kong maglinis ng katawan lumabas ako sa kwarto buti nalang sakto sakto sakin tong damit ng ate nya. Napatingin ako sa kusina ng may naamoy akong nagluluto lumakad ako papunta don nadatnan ko syang  busy sya sa pagluluto. Ang swerte siguro ng mapapangasawa nito nasakanya na ang lahat eh. "Andyan kana pala tara kumain na tayo" Inihanda nya na yong mga niluto nya. Sinigang na baboy yong niluto nya naupo naman ako sa upoan. "Kila vincent ako matutulog mamaya ikaw nalang dito" Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nyang yon. "Pero-" "Wala ng pero pero akong bahala sayo" Seryoso nyang sabi napabuntong hininga naman ako. "Pwede naman ako sa may sofa matulog" Sagot ko sakanya "Don ka kwarto malamok dyan sa sofa" Hindi na ako nakipagtalo pa alam ko namang hindi ako mananalo. Nang matapus na kameng kumain ako ng naghugas ng pinangkainin namin dahil sya naman ang nagluto ng hapunan namin. Nadatna ko syang nakaupo sa may sofa habang nanonood ng tv. "Louis" Tawag ko sakanya napatingin naman sya sakin. "Ampp salamat" Sabi ko sabay takbo papasok sa loob ng kwarto. Humiga na ako kama nakatingin lang ako sa wall huminga ako ng malalim dahil sa mga nangyari ngayong araw na to. Hindi ko namamalayan sa sobrang kakaisip ko dinadalaw na ako ng antok. ________ Maaga akong nagising nakasanayan ko ng magising ng maaga napatingin ako sa orasan alas-sais palang ng umaga. Pumasok na ako sa banyo para maligo ng matapus na akong maligo sinuot kona yong uniform ng ate nya siguro nong nag aaral pa yong ate nya dito na kwartong to natutulog yon kasi halos lahat damit ng ate nya andito eh. Inayos kona yong kama bago ako lumabas ng kwarto wala nga si sean dahil maaga pa naman nilis ko nalang yong sala. Pagkatapus kong maglinis sa sala nagtungo na ako sa kusina, Nag umpisa na akong magluto ng umagahan namin. Habang hinihintay kong maluto yong kanin binuklat ko muna yong libro ko para magbasa. Nakaugalian kona kasing basahin yong mga pinagaaralan namin ng lumipas na araw para kahit papano may natototonan parin ako. Napatingin ako sa may sala ng marinig kong bumukas yong pintuan isinara kona yong libro ko. "Good morning" Bati ko sakanya ng makita ko sya. "Natutulog kaba?" Tanong nya sakin tumango naman ako nakauniform na ito. "Nakaluto na ako ng agahan" Sabi ko sakanya tsaka ko sya tinalikoran pumunta na ako sa kusina para maihanda yong niluto kong umagahan namin. _____________ Tahimik lang kameng dalawa habang nasa byahe dahil sa sobrang katahimikan naisipan ko nalang ituloy yong binabasa ko kanina may mapapala pa ako. "Hindi kaba nagsasawa sa pagbabasa?" Basag nya sa sobrang tahimik sa loob ng sasakyan nya. "Hindi nakasanayan kona to" Sagot ko naman sakanya na nasa libro parin ang tingin ko . "Just fucos on me!" May pagkainis nyang sabi tsaka nya hinablot yong librong binabasa ko napatingin naman ako sakanya dahil sa ginawa nyang yon. "Dapat maging makasanayan mo ding titigan ako naiintindihan mo!" Dagdag nya uminit yong mukha ko dahil sa sinabi nyang yon agad akung tumingin sa labas. "Bababa na ako dito lalakarin ko nalang" Sabi ko alam kong napatingin sakanya yong driver nya hindi nagtagal huminto ito. Kinuha kona yong bag ko hindi kona tinangkang kunin yong libro ko feeling ko namumula parin ako. Pagkalabas ko ng kotse nya hindi muna ako nag lakad hinintay ko munang makapasok sa school yong sasakyan nya. Bago ako pumasok huminga muna ako malalim, Naglakad na ako papasok sa loob pagkapasok na pagkapasok ko palang may mga babae ng humarang sakin. "Sya ba yong sinasabi nyo sakin?" Mataray nyang tanong sa mga kasama nya tumango naman sila. Ako naman naguguluhan nakatingin lang sakanila. Ngumisi yong babae tsaka nya ako tinignan sa paa hangang ulo tsaka ito umiling iling. "Hoy pilingerang frog! Layo layuan mo si sean kung gusto mo ng tahimik na buhay! Ano sa tingin mo sa sarili mo magugustohan ka nila tita magising ka nga para sabihin ko sayo pinaglalaroan ka lang ni sean at ito ang itatak mo sa kukuti mo ako at sean lang dahil ako ng gusto ni tita para sa anak nya" Pagkatapus nyang sabihin sakin ang lahat ng yon tinulak nya pa ako. "Yan ng mahimasmasan kang pangit ka!" Sabay buhos sakin ng hawak hawak nya na may lamang tubig. Nagtawanan naman yong mga kasama nya sino ba yong babaeng yon akala mo kung sino para lait laitin ako. "Anong nangyayari dito?" Tanong ng isang magandang babae as in ang ganda nya. "Ms cojuangco" Tawag sakanya ng mga babaeng humarang sakin, teka teka ano daw ms cojuangco ibig sabihin sya yong ate ni sean?. "Tinatanong ko kung anong nangyayari dito!!" Malamig nyang tanong. "Ginigising lang namin ang diwa ng panget yan dahil sa paglalandi nya kay sean" Sumbong nong babae kanina na nilait lait ako. "Girlfriend ni sean? Yong kasama nya kagabi sa condo ko?" Halata sa tono ng pagsasalita nyang walang kaalam alam sa mga nangyayari. "Napakalandi mo talagang babae ka!!!" Sasabunotan na sana nya ako ng magsalita ulit si ms cojuangco. "Channa wag kang magkakamaling saktan ang pagmamayari ng kapatid ko" Isang malamig na tono nanaman ang pinakawalan nya jusme magkapatid na magkapatid nga sila. Nanatili lang akong nakayuko simula kaninang pagtayo ko dahil sa pagkakatulak sakin. "Pero ate----" "Don't call me ate hindi kita kapatid" Pagpuputol nya sa pagrereklamo nong channa sakanya. "Pero senna napakalandi nya gusto ko syang saktan!" Nangigigil nyang sagot dito. "Hey my Sister in law sampalin mo nga to si channa" Hindi ako tumingin sakanya malay ko bang sino ang tinatawag nyang sister inlaw nya. Nagulat ako ng hawakan nya yong kamay ko napatingin ako sakanya. "Sabi ko sampalin mo sya!" Utos nya sakin nanlaki naman yong mata ko dahil sa sinabi nyang yon. "H-hindi po ako nananakit" Nahihiyang sagot ko sakanya. "Sasampalin mo o sasampalin kita?" Tanong nya sakin napatingin ako don sa channa sorry ayukong masampal kaya sasampalin nalang kita. Hindi ako nagdalawang isip na sampalin sya napahawak naman sya sa pisngi nyang sinampal ko. "That's my girl dapat marunong kang lumaban lalo na sa kagaya nya" Walang ganang sabi nya sabay turo kay channa "Let's go" Aya nya sakin tsaka nya ako hinila paalis sa pwesto na yon. Ang sasama ng tingin nila sakin lalo na yong channa napayuko nalang ako for sure hindi nya na ako titigilan dahil sa ginawa ko sakanya. ___________ *SEAN's POV* ______ Pagpasok ko palang sa bahay nakita ko sila daddy na nakaupo sa sofa nakatingin silang lahat sakin. "What's up lil bro" Nakangiting bati sakin ni ate. "Sean sino yong babaeng pinatulog mo sa condo ng ate mo?" Tanong sakin ni mommy. "Ipakilala mo sya samin" Seryosong sabi naman ni daddy. "Na meet ko na sya kanina" Seryoso namang sabi ni ate tsaka nya ako tinaasan ng kilay. Ano nameet nya na si janessa paano? May ginawa nanaman ba si ate. "Oh mukhang malalim ata ang iniisip ng kapatid ko? Wala akong ginawa sa babaeng gusto mo tinulungan kopa nga sya sa mga kamay ni channa eh" Pagpapaliwanag nya dumilim naman yong paningin ko dahil sa narinig ko anong ginawa ng babaeng yon kay janessa. "Gusto namin makikilala ng daddy mo yang kinababaliwan mong babae" Napakaseryoso namang sabi ni mommy sakin. "Soon hindi pa sya handa sa mga ganitong bagay" Sagot ko sakanya. "Promise mom ibang iba sya sa mga babae kaya  siguro nagustohan sya ng kapatid ko" Nakangiti nyang ipinagmamalaki tumingin sya sakin sabay kindat ano nanaman kayang iniisip ng babaeng to. "Anong panagalan nya?" Tanong ni dadsakin. "Janessa Snachez" Tipid kong sagot sskanya. "Kilala ko ang magulang nyan may anak pala sila honey natatandaan mo yong tumulong sakin noon si jenelle" Nakangiti nyang sabi kay dad. Nawala ang kunting kaba ko dahil sa narinig ko napaka small world talaga. Tumayo sa pagkakaupo si ate tsaka lumapit sakin. "Inferness maganda sya" Sabi nya tsaka nya ako tinaasan ng kilay. "Wag mo ng ituloy yan mga binabalak mo"Pagbabanta ko sakanya. "Wag kong binabantaan sean gagawin ko kung ano kung gawin sakanya" Matapang nyang sagot sakin tinignan ko naman sya ng masama. "Wala akong balak na masama sakanya manood ka nalang kung anong gagawin ko sakanya" Dagdag pa nito tsaka nya na ako  dinaanan. "Sean sumunod ka sakin may paguusapan tayo"Seryosong sabi dad wala akong nagawa kundi  sumunod sakanya. Nang makarating na kame sa gardeen kita kung huminga sya na malalim. "Handa kana bang pasukin ang pagiging mafia mo?"Tanong nya sakin bumuntong hininga naman ako. "Alam mong ikaw lang ang pwedeng pumalit sa pwesto ko" Dagdag pa nito. "Sinabi ko naman sainyo kapag natapus na ako sa pagaaral" Sagot ko sakanya. "Wala ng oras sean lalo na ngayon may babae ka ng gusto hindi mo ba naisip na pwedeng maging lalanganin ang buhay nya alam mong maraming kalaban dyan sa pagilid magisip kang mabuti sean sana ihanda mo ang sarili mo para dito" Napaisip naman ako sa sinabi nya ayuko namang may mangyaring masama sakanya. "Sige pumapayag na ako sa gusto mo" "Gusto kong makilala ang babaeng gusto mo" Napatingin naman sya "Gusto kong makita kong kagaya ba sya ng kanyang ina" Dagdag nito tsaka  ngumiti ng nakakaloko. "Anong ibig mong sabihin isa lamang syang ordinaryong tao ni hindi nga sya marunong lumaban" Sagot ko sakanya natawa naman ito. "Hindi mo kilala ang pamilyang Sanchez ang kanyang ina ang naging kanang kamay ng mommy mo pag dating sa pagkikipag laban hinding hindi mo sya matatalo" Nagulat naman ako sa mga nalaman ko ibig sabihin kahit papano malaki ang naitulong ng pamilya nya sa pamilya ko. "Ito sya diba?" May inilabas si dad picture mula sa bulsa nya. Nanlaki yong makita ko yong picture teka sya ba to bakit parang hindi sya. "Hindi sya yan nakasalamin sya ng makapal tapus hindi sya marunong mag ayus sa sarili nya" Sagot ko sakanya lalo syang natawa. "Hindi kaba makapaniwalang maganda sya? Makikita mo naman kung gano sya kaganda diba kahit naka pang nerdy look sya alam mo sean prinoprotekhan nya lang ang sarili niya dahil maraming gustong pumatay sakanya hindi lang ako ang nakakaalam na andito na sa pilipinas ang kaisa isang anak ng isang biterana sa pakikipaglaban" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni daddy marami pang katanongan sa isipan ko. Napakainteresado nyang babae sa gana nyang yon may mas itatago pa pala syang ganda sobrang nakapaka misteryosa nya sino ba talaga siya ano paba ang dapat kong malaman. Ano pang meron sakanya gusto kong malaman ang lahat na iyon at mas lalong gusto ko syang protektahan. "Kung ayaw mong maniwala sakin tanungin mo ang ate mo dahil nakatrabaho nya ito sa canada bilang isang model" Pagkasabi nya yon iniwan nya na ako sa garden na gulong g**o sa mga nangyayari. Kaya ba ganun nalang makangiti si ate sakin kaya ba ganun sya mang asar sakin nakakaasar !! Parang hindi nila ako kapamilya wala manlang akong kaalam alam!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD