C-5: COMING HOME
___
"A-anong sabi mo?" Sigurado akong nabigla si Edric sa sinabi ko. Halata naman sa mukha niya na hindi ito makapaniwala.
Magkababata at magkaibigan kami ni Edric kaya alam ko na hindi niya inaasahan na masasabi ko iyon sa kanya. Hindi ko na dapat sinabi iyon, bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt.
Batid ko na hindi makatwiran ang mga sinabi ko ngunit nais ko lang iparamdam kay Edric ang sama ng loob ko. Gusto ko mang bawiin ang mga sinabi ko hindi ko na magagawa.
Beside nasabi ko na ito.
'T***ina Bro, kilala mo ko! Ang hirap kasi sa'yo nalalason na yang utak mo ayaw mo pang tumigil. Bahala ka na nga, ayoko lang dumating ang araw na pagsisihan mo ang mga maling desisyon na ginagawa mo ngayon. Pero kung ayaw mong makinig bahala ka!" Agad na niya akong tinalikuran pagkasabi niya ng mga katagang iyon sa akin.
Alam kong masama ang loob ni Edric, ngunit ang kapakanan ko pa rin ang nasa isip nito.
"E-Edric..." Tanging nasabi ko ngunit hindi ako sigurado kung narinig ba niya ako.
___
Nasalubong pa ni Edric si Jowell na papanhik na ng hagdan patungong Veranda. Nakangising mukha ng lalaki ang sinalubong nito sa binata.
Paglagpas nito kay Edric painsulto pa nitong kinampay ang kamay...
"Bye, Otorny!" Saad nito na sagad ang pagkakangisi.
Kung si Edric lang ang masusunod gustong gusto niya itong tadyakan para mahulog na nang tuluyan sa hagdan ngunit pinigilan pa rin nito ang sarili.
Sabay bulong sa isip...
May araw ka rin sa aking linta ka!
____
MANILA INTERNATIONAL AIRPORT
Bakit ba kay bilis ng mga araw?
Ang totoo gustong gusto ko na talagang umuwi. Ngunit sa tuwing iisipin ko ang kakaharapin ko sa mga susunod na araw parang gusto ko na uling bumalik ng Australia o kaya magcross country na lang kaya ako.
Bulong ko sa aking sarili habang bumababa ako ng eroplano.
Ngunit biglang bawi rin ako sa aking naisip batid ko kasi na hindi ito maaari. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kaiisip sa kung ano pa ba ang p'wede kong gawin?
Ahhh! Yana, ano na ang mangyayari sa'yo ngayon sa mga susunod na pagkakataon?
I came to the point to ask myself, what I need to do next?
Naiisip ko na naman ang pagtakas subalit nanatiling sa isip ko lang dahil hindi ko na p'wedeng iwanan ang Papa at Mama ko sa ganitong sitwasyon.
Bukod doon nangako na rin ako na hindi na ako tatakas. Pero bumababa pa lang ako nang eroplano parang ayaw ko nang umapak sa lupa.
Kung p'wede lang pumanhik ulit pabalik ng Australia kahit mapabagal ko lang ang bawat sandali.
Dahil anim na araw na lang mula ngayon ang takdang araw na, nang kasal ko.
Ang kasal namin ni Renz.
Mula nang mamanhikan sila Tito Al, Tita Lorie kasama si Renz. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang tawaging Kuya? Noon ko rin kasi naramdaman na parang nag-iba ang tingin niya sa akin at hindi na tulad ng dati.
"Okay ka lang ba Yana anak nanlalamig ang mga kamay mo saka kanina ka pa walang kibo, hindi ka ba natutuwa na nakabalik na tayo?" Puna sa akin ng Mama.
"S'yempre natutuwa po Ma! Medyo nanibago lang po siguro ako sa klima." Paiwas na tugon ko. Okay lang naman siguro na magsinungaling ng konti.
"Hmmm, siguro nagugustuhan mo na sa Australia no? Hayaan mo anak irerequest ko kay Renz na doon na rin kayo maghoneymoon." Tila ba may kilig pang saad ng Mama.
Habang ako tila biglang kinilabutan ng matukoy ng isip ko ang salitang honeymoon.
"Hindi po Ma, huwag na po!" Kaya agad ko itong tinutulan subalit tuluyan na niya itong naipagkamali.
"Naku, huwag ka nang mahiya anak at ako ang bahala!" Para pa nga itong kinikiliti sa tuwa.
Habang ang Papa nanatili namang tahimik at tila ba may hinahanap ito. Dahil palinga-linga na kasi ito mula pa kaninang bumaba kami ng eroplano.
Kung ano man ang nasa isip nito ngayon, hindi ko magawang hulaan ngunit batid ko na mukha itong tensyonado.
Ngunit makalipas lang ang ilang sandali tila umaliwalas rin ang mukha ng Papa at ng sundan ko ang tingin nito. Nakita kong kumakaway na si Renz sa amin.
Nahigit ko ang paghinga para kasing biglang may dumagan sa dibdib ko at parang nahihirapan akong huminga.
Bigla ko tuloy nahiling na sana kainin na lang ako ng lupa.
___
"Boss narito na sila, kilala n'yo naman si Salvador at ang asawa niya..." Narinig ko ang sinabi ni Adrian subalit hindi ko ito pansin.
Nang bigla itong tumahimik at tulad ko sigurado akong nakatingin din ito sa direksyon kung saan ako nakatingin.
Si Adrian ang isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. Mas kampante ako na siya ang kasama dahil hindi niya ako huhusgahan at sanay na rin si Adrian sa ugali ko.
Kagaya ngayon alam niyang ikatutuwa ko ang pagdating ng pamilya Salvador. Kaya agad niya itong ibinalita sa akin at agad rin kaming pumunta dito sa Airport at naghintay.
Hindi naman kami nabigo dahil ngayon abot tanaw ko na ang mga ito, totoo ngang ngayon ang dating ng babaing may malaking atraso sa akin si Alyana Salvador at kasama rin ang ama at ina nito.
"Siya pala?" Mahinang bulong ko na hindi ko alam kung umabot rin ba sa pandinig ni Adrian?
Pamilyar ang kanyang mukha ngunit walang halaga sa akin kung saan kami unang nagkita. Ang mahalaga nakita ko na ngayon ang mukha ng babaing dapat magbayad sa akin. Tingnan ko lang kung magawa pa niyang ngumiti ng maganda.
Nang lingunin ko si Adrian tila ba may kahulugan ang ngiti nito sa akin.
Nakaramdam ako ng inis, iniisip ba nito na kinikilig ako sa maganda at maamong mukha ng babaing iyon?
Ang babaing malaki ang atraso sa akin at nakatakdang magbayad sa ginawa nito kay Erika at sa aming anak.
Wala akong pakialam sa mala-anghel nitong pagmumukha. Alyana Salvador humanda ka dahil sisingilin kita ng walang awa.
"Tayo na!" Mabilis na pasya ko sapat na, na nakita ko ang mga taong labis na kinamumuhian ko.
"Saan tayo Boss?"
"Bumalik na tayo ng opisina, sapat nang nakita ko siya o sila ngayon. Bago ko pagplanuhan ang gagawin ko sa kanila!" Tugon ko.
"Okay, Boss!" Ini-start na nito ang sasakyan.
Bago kami umalis sa lugar na iyon, bahagya ko pang nahagip ng paningin ang paglapit ni Lorenzo sa pamilya Salvador.
Ngunit hindi ko na ito binigyan pa ng pansin. May tamang panahon naman ng paniningil at hindi pa ngayon. Sige lang magpakasaya muna kayo. Bulong ko.
_
"Maiba ako Boss, bakit hindi si Sir. Jowell ang isinama n'yo papunta dito." Tanong ni Adrian ng nasa loob na sila ng sasakyan.
"Bakit ayaw mo ba akong samahan?"
"Hindi sa ganu'n Boss, ang akala ko lang kasi si Sir Jowell lang ang gusto n'yong kasama kapag tungkol sa babaing 'yan ang ipagagawa nyo."
"Ano?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Ah, w-wala Boss! Kalimutan nyo na lang ang sinabi ko." Nag-alangan na ito na ulitin pa.
"Si Jowell ang sinasama ko dahil konektado siya kay Hazel. Ayokong makatunog si Hazel sa mga plano ko. Kaibigan pa rin niya si Yana kahit pa sa akin siya nagtatrabaho. Hindi niya tatraydurin ang kaibigan niya.
"Sabi ko nga Boss! Pero hindi mo ba nahahalata Boss?"
"Ang ano na naman?"
"Para kasing kursunada ni Sir Jowell 'yun babae." Muli akong napalingon kay Adrian dahil sa sinabi nito.
"Anong sabi mo!"
"A-ano kasi Boss, narinig ko lang kasi na ipinagyayabang niya sa ibang tauhan natin na mauunahan pa niya si Renz dun sa babae." Napilitang sabihin ni Adrian habang nagkakamot ng batok.
Hindi ko maintindihan sa aking sarili kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabing iyon ni Adrian.
"Itong tandaan mo, walang kahit sino man sa inyo ang pwedeng makialam sa kanya. Hindi ko siya bibigyan ng dahilan para matakasan ang kasalanan niya sa akin. Kaya siguraduhin mo na walang makikialam sa babaing 'yan maliban sa akin. Kapag may nakialam mananagot sa akin, naiintindihan mo?!"
"Areglado, Boss!"
___
Pagdating sa bahay deretso na ako sa aking kwarto. Nakakapagod ang biyahe kahit wala naman akong ginawa at saka gusto ko ring mapag-isa.
Subalit hindi ko namalayan na kasunod ko pa pala si Renz. Gusto ko man siyang iwasan ngunit hindi ko magawa.
Dahil siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng kwarto ko at humila sa akin papasok sa loob sabay sara nito ulit.
Hindi ako nakakilos dahil inaatake ako ng matinding kaba. Hindi ko na kilala ang Renz na kaharap ko ngayon.
Bakit niya ito ginagawa sa akin?
"K-Kuya Renz a-anong ginagawa mo?"
Hindi ko na nagawang itago pa ang panginginig ng boses ko. Natatakot na ako sa posibleng gawin niya sa akin. Lalo na at kaming dalawa lang sa kwarto ko.
Ngunit imbes na sagutin niya ako tumawa lang siya ng malakas o mas tamang sabihing humalakhak!
"Kuya bakit mo pa ako sinundan magpapahinga lang naman ako sandali, bababa rin ako!" Pilit kong pinakalma ang aking sarili at nag-ipon ng lakas ng loob.
"Kuya, kuya... t***ina! Huwag mo nga akong tawaging Kuya hindi naman tayo magkapatid. Ilang araw na lang ikakasal na tayo nakakairitang marinig na tinatawag mo pa rin akong kuya!" Iritableng saad nito.
"Pasensya na, nasanay lang kasi ako."
Nang mga sandaling iyon ramdam ko na muling nabubuhay ang kaba sa dibdib ko. Tila ba kulang ang lakas ko ngayon para kalabanin ang takot na nararamdaman ko.
Lumalapit ito habang nagsasalita kaya napapaurong din ako hanggang sa hindi na ako nakaiwas...
"Nasanay? Dapat ang pagsanayan mo kung paano maging asawa ko. Tulad ngayon wala man lang ba akong pakunswelo, hindi mo man lang ba ako namiss? Hmmm..."
Mas lumapit pa ito sa akin at sinubukan akong halikan at sa kakaiwas ko sa kanya naramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa leeg ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang aking nararamdaman para kasing hinahalukay ang aking sikmura.
Ngunit pilit ko pa ring kinundisyon ang aking sarili. Kung dati masaya akong kasama siya at proud ako na tawagin siyang kuya. Ngayon hindi ko na alam ang nararamdaman ko?
Halos pumulupot na ang braso niya sa baywang ko. Gusto kong lumayo ngunit napakalapit niya, bahagyang kilos ko lang magkakadikit na kami. Kaya todo rin ang iwas ko.
Bukod sa kaba nandidiri ako sa ginagawa niya, tila gustong manigas ng buo kong katawan.
Ramdam kong nagsisimula na ring maglikot ang kanyang mga kamay.
"R-Renz, ano bang ginagawa mo bitiwan mo nga ako!" Bigla ko siyang naitulak, hindi ko na alam kung saan ako humugot ng lakas.
Ngayon pa lang pinag-iinteresan na niya ang katawan ko.
Hindi, hindi ko pala kaya kahit ang madikit man lang sa kanyang katawan!
Hindi ko talaga kayang magpakasal sa kanya. Anong gagawin ko?
"S*it! Anong problema mo ha?" Biglang sigaw ni Renz nang muli itong makabawi.
"S-sorry!" Kabadong saad ko.
Mukhang napalakas yata ang pagtulak ko sa kanya. Nagulat pa ako nang pasugod itong lumapit sa akin at marahas nitong hinawakan ang aking braso saka ako hinila palapit.
"Bakit, nandidiri ka ba sa akin ha?!" Kung gaano karahas ang mga salita nito ganu'n din karahas ang mga kamay nito. Mula sa aking braso lumipat ito sa aking ulo, hila hila na niya ngayon ang aking buhok at pilit nitong iniharap ang mukha ko sa kanya.
"Renz, ano ka ba? Nasasaktan na ako, bitiwan mo nga ako!"
I was'nt prepared when he forced me to kiss, paano niya nagagawa sa akin ito?
Ako na, minsan niyang itinuring na nakababatang kapatid.
Magkahalong galit at sama ng loob ang nararamdaman ko.
Pilit kong inalis ang mga kamay niya sa buhok at mukha ko. Ngunit hindi ko magawa. Dahil lalo lang niya itong hinihigpitan.
Kaya nayanig ako ng bigla na lang niya akong binitiwan.
Nanlaki ang aking mga mata sa takot sa aking pagbagsak...
Hindiii!
*****
05/10/25
@LadyGem25