"SO, THE INFAMOUS Mystique Agent has finally come to meet me. I am so honoured. Please have a seat," nang-uuyam na bati ng dating alkalde sa kanya. He was at the center of that dim-lit room, standing like a devil while glaring at her. Hindi na niya ito halos nakilala dahil sa biglaang pagtanda ng hitsura nito. Well, hindi niya ito masisisi. Sa dami ba naman ng mga problemang kinaharap nito, malamang na hindi ito nakakatulog ng matiwasay sa gabi. "W-where is Homer?" direktang tanong niya. "Namimiss mo na siya agad?" He waved his hand at his men. "Oh, huwag ninyong pinaghihintay ang ating bisita. Nakakahiya naman sa kanya." Tumalima ang dalawa. Lumabas ang mga ito saglit. Pagbalik ng mga ito ay dala na nila ang nakauklo at nakagapos na si Homer. Duguan ito at halatang nanghihina. "H-hom

