Yvette’s P.O.V Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. I really heard a kid’s voice over the phone instead of Nahj’s voice and I am terrified. Nang mapansin ako ni Mommy ay kaagad niya akong dinaluhan sa tabing upuan atsaka tinanong kung ano ang masakit sa akin. I can’t tell her what I just heard, because I don’t want her to get even more worried finding out that her daughter’s fiancée has a child. Oo… Alam ko at hindi ako ganoon ka-tanga para hindi mapag-tagpi-tagpi ang lahat ng nangyayari. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi ko marealize lahat at maabsorb ng utak ko. In fact, matagal ko nang nararamdaman, pero ayaw na ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko na tama ang mga hinala ko, kasi ayaw kong masaktan. Natatakot akong maiwan at higit sa lahat, ayaw ko na magmukha

