Third Person’s P.O.V Habang papalapit ang daan papuntang hospital, ang kaninang kabadong si Nahj Devon Montenegro ay kalmado na ngayon. Malakas ang loob niya ngayon dahil in a little span of time, nagawa niyang i-refresh ang way of living niya at ang mindset niya and he’s f ucking proud of himself for doing that. “Oh, gosh… my baby…” sabi nito at excited na minaneho pabilis ang sasakyan niya. Pagka-park niya sa labas ng hospital ay excited siyang lumabas ng sasakyan at pumasok. Busy ang loob ng hospital. Kaagad siyang dumiretso kung saan niya nakita kanina ang parents ni Yvette. Nang makita niya si Elisse, ang Mommy ni Yvette na mag-isang naka-upo sa bench ay binilisan niya ang paglakad niya para magtanong about sa kalagayan ni Yvette. “Tita!” Nang makita naman siya nito ay nanlaki

