Ria "Good Morning Ate Ria!" Masiglang bati sakin ni Kayla pagkapasok ko ng Cafe. Nginitian lang ako ni Kayden. Napatingin naman ako sa lalakeng prenteng nakaupo sa upuan sa may malapit sa Counter. Architect Hunter Villanueva in the flesh. Oo nga pala, magpipinsan ang mga ito. Obvious naman sa genes. "Good Morning Ria!" Bati sakin ni Hunter. "Good Morning. Ang aga mo naman Architect." He chuckled. Lalo tuloy syang gumwapo ng lumabas ang mapuputi at pantay pantay nyang mga ngipin. Lahat yata ng mga kaibigan ni Zach walang kapintasan sa hitsura. God really took his time creating and molding their almost perfect features. Napakablessed naman ng mga lalakeng ito. Napatingin din ako kay Kayden, isa din itong pinagpala ng kagwapuhan. Kung naging lalake ako mapapasana all nalang ako. "Good

