Ria Sakay ako ng taxi papunta sa address na nakalagay sa card ni Kuya Robbie. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko alam ang totoo. Kung totoo ba talaga. Gusto kong malaman kung ano ang kinalaman ni Zach sa aksidenteng naganap sa mga magulang ko. It maybe a rush decision pero hindi ko na kayang hintayin pa si Zach. Baka hindi ko matanggap ang mga maririnig ko sa kanya. Gulong-gulo na ang isipan ko. Bumabalik ang lahat ng sakit at ang lahat ng lungkot na pinagdaanan ko sa pagkawala nila. Nagring na naman ang phone ko, si Camille ang tumatawag at kanina ko pa sya hindi sinasagot. Ayaw kong marinig ang mga sasahihin nya. Alam ko na kung ano yun. Ang hintayin si Zach. "Juri! Wag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo sa huli! Hintayin mo si Zach! Answer my call! Please!!!" Hindi ko s

