Chapter Nineteen

2497 Words
Ria Everything felt surreal when I'm with Zach. I realized that I'm still inlove with him. Sya padin at sya lang ang mamahalin ko. The time we spent together were  precious. Pipiliin kong hindi matapos ang mga oras na kasama ko sya at masaya kami. "Love, I need to go back in Manila. Come with me." Napatingin ako sa kanya habang nagpapalit sya ng damit. "Anong gagawin mo dun?" I asked. "I still have some other business to manage. Dumadami na ang mga paperworks ko." "Ah, kasama ba dun yung Bar nyong magkakaibigan?" "Yeah, isa pa yun. Maghahanap pala si Matthew ng bagong singer sa Bar. Hindi pa talaga babalik si Keith sa banda." "Where are we going to stay there?" "I have my condo Love. And I can also buy a house if you want." "Ok na ko sa Condo mo." Nginisian lang nya ako at lumapit sakin and gave me a light kiss. "Prepare your things Love, we will leave later." "Later agad? Akala ko hindi pa ngayon." "Nagmamadali kasi itong si Matthew. Alam mo ba Love ayaw na ayaw nun ng nalelate sa mga band rehearsals namin. Galit na galit yun kapag may late samin." "Ohh. May nalelate ba sa inyo?" "Si Chivas, number 1 yun sa pagiging late comer." Naiimagine ko tuloy silang nagtatalo. Knowing Chivas and his attitude. Napailing nalang ako kapag naiimagine ko silang magkakaibigan na nagtatalo talo. Masaya din silang panuorin eh. Entertaining lalo na si Chivas at Keith kapag nagsasagutan. Walang nagpapatalo. "Are you ok with long drive Love, malayo pa ang Manila?" I asked. "We'll use the chopper Love." "Ohh. May chopper ka nga pala. Lahat ba kayong magkakaibigan may sariling mga chopper?" "Yeah. And Matthew have jetplanes too." "Ganon sya kayaman??" "Luke is the richest tho but Matthew won't be off the hook either." "Ganon kayo kayayaman??" "Love kung anong meron ako sayo nadin yun." He hugged me tightly. "Lahat ng pag-aari ko ay pag-aari mo din." "Ano pang business mo maliban dito sa Hacienda? Saka yung mga ranch mo sa ibang bansa?" Tanong ko sa kanya. "Our Bar. I have commercial buildings, condo units and malls." Napamaang ako sa narinig mula kay Zach. He is freaking rich too. Hindi din sya magpapatalo. "And I told you, it's yours too Love." "With "s" ang mga yun, so more than one. My husband is freaking rich!" Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinalikan sa pisngi. Napatitig lang sya sakin. "Kayang kaya kitang buhayin Love, hindi mo na kelangan magwork." Seryoso nyang pahayag habang nakatitig sakin. "I know pero gusto ko padin magbake Love. Gawin ko kayang business yun. What do you think?" Hinila nya ako at nakaupo na ako ngayon sa kanyang kandungan. "Magtayo kaya ako ng cafe?" "Let's find a perfect place for that Love. Gusto mo ba sa Manila yan Cafe mo? We can check some of my malls and condo's for the place." Agad agad akong tumango dahil sa sinabi nya. Hinawakan ko sya sa kanyang pisngi at hinalikan yun. "Thank you Love." "All for you. Pero bakit sa pisngi mo ako hinalikan?" Tinawanan ko sya and I kissed him on his lips this time. "Happy?" Nginisian muna nya ako saka sya naman ang humalik sakin. Kinawit ko ang dalawa kong braso sa leeg nya para tugunin ang halik nya. Nagsend nadin ako ng message kay Camille para sabihin sa kanya ang pagluwas namin ni Zach ng Manila. Nagpaalam nadin kami kila Mama Zandra at Lola Zenaida na aalis kami papuntang Manila. "Kelan balik nyo Ate Ria?" Tanong naman ni Parker. "Hindi ko alam kay Zach. Baka matagalan kami kasi sabi nya madami daw syang aasikasuhin sa office nya." "Si Sir Zach kasi ang yaman na nagtatrabaho padin." Natawa ako sa sinabi ni Parker. "Nasan si Peter? Hindi ba sya magpapaalam sakin?" "Heto na ko Ate Juri! Syempre magpapaalam ako sayo." Biglang sulpot ni Peter sa likuran ni Parker. "Natapos nyo ba yun sa maisan?" "Oo naman Ate. Magagaling kami eh. Pero si Sir Zach lang malakas!" Ngumisi pa sya. "Baka matagalan kami sa pagbalik. Hindi ko pa napuntahan yun Greenhouse." "Pagbalik mo Ate Ria, dun tayo agad pumunta." Sagot naman ni Parker. Natutuwa din naman ako sa magkapatid na ito. Mababait saka madaling pakisamahan. Maswerte si Zach sa mga tauhan nya dito sa Hacienda. Namamangha padin ako sa chopper ni Zach na nasa harapan namin. Wala ngang helipad pero sapat na ang lawak ng Hacienda para maglanding ang Chopper nya. Pero mas naamazed padin ako dahil si Zach ang magnanavigate. "Ready Love?" Napatango nalang ako. Naeexcite din kasi because it's my first time to ride in a helicopter. It's a once in a lifetime experience. And since Zach is my husband it's not a one time experience tho. Bago pa kami sumakay may tinawagan pa sa phone si Zach. At parang narinig ko pa na about sa sasakyan ang pinaguusapan nila. I can't stop myself from staring when Zach started to navigate the controls of the helicopter. He look so hot at sexy. He can literally do anything. Napalunok nalang ako ng tiningnan nya ako at ngumisi. Kung hindi lang sya nakafocus sa ginagawa nya baka hinalikan ko na sya. I shook my head to discard that thought. Alam ko sa sarili ko na naattached na naman ako kay Zach. Sobra sobra. Nang makita ko ang view mula sa itaas, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamangha. One of the best feeling ever, lalo na kasama ko pa si Zach. Hindi din naaalis sa mukha nya ang ngisi nya. O pinagtatawanan nya ako dahil para akong bata sa mga reactions ko. Umayon din sa byahe namin ang panahon. Hindi ganon kainit at mabuti hindi din umulan. Samantalang noong mga nakaraan ay panay ang ulan. Naalala ko bigla na dala ko nga pala ang camera ko. Agad ko itong kinuha sa bag ko. Napatingin si Zach ng marinig nya ang click ng camera. Nginitian ko lang sya at kinunan ko sya ng picture. Pinicturan ko din ang view pati ang loob ng helicopter. Kumuha din ako ng picture namin dalawa. Selfie daw ba. Pero mas gusto kong kunan ng picture si Zach. He look so hot. Nagflex pa sya ng braso nya ng kinunan ko ulit sya ng picture. I'll make sure that I'll start making new memories with Zach. Hindi ko din ginalaw ang camera ko simula nung mapunta ako sa Hacienda. Hindi ko din ito ginamit nung kasal ko. Nakakaramdam ako ng panghihinayang. In denial pa naman ako nun saka hindi ko pa matanggap na aasawahin ako ng gwapong to. Tiningnan ko ang mga pictures na nakunan ko. Mas marami ang kuha ko kay Zach. "Why so gwapo Zach?" At ilang oras pa at nasa kabihasnan na kami. Ibang-iba na ang view dahil polluted na ang hangin at nagtataasang mga buildings and establishments ang nakikita. "San ka maglaland?" Tanong ko kay Zach. "One of my commercial building Love in BGC. Dapat sa Building ni Keith pero kukunin ko yun sasakyan natin kaya sa building ko nalang." "Anong sasakyan?" "Yun gagamitin natin dito." Napatango nalang ako. And we just landed sa building na sinasabi ni Zach. Ito na pala ang parking area ng kanyang chopper. Pinagbuksan pa ako ng pinto ni Zach after namin magland. "Are you ok Love? Hindi ka ba nahilo or something?" "I'm fine. Wala akong nararamdamang kakaiba." "Good. Let's go." Hinawakan nya ang kamay ko at sumakay na kami ng elevator pababa. Naglalakad na kami sa lobby ng may sumalubong kay Zach na dalawang lalaki na nakauniform. Nakita ko na may inabot sa kanyang susi. "Thank you." Tinanguhan lang sya ng dalawang lalake. At pagkalabas namin ng Building, saka ko lang napansin na made of glass ang exterior nito. Meron din itong fountain sa labas and gold ang kulay ng malaking pinto. "Wow, this building, it screams of elegance and wealth. And Zach owns this place." At dumiretso kami sa nakapark na Range Rover na Matte Black ang kulay. Napa "O" nalang ako ng buksan ni Zach ang passenger seat at pinasakay ako. "Let's have dinner first Love before going to our condo." "Sige. Nagugutom nadin ako." Habang nasa byahe kami, unti-unti ng bumubukas ang city lights. "Ito ba ang ginagamit mong sasakyan kapag nandito ka sa Maynila?" "No. I'm using my Macerrati Quattroporte." "Is this new?" Napansin ko pa na nakabalot pa ng plastic ang ibang accesories ng sasakyan. He just nod in response. "So ilang sasakyan meron ka dito?" "Binili ko to para satin. Ito gagamitin natin habang nandito tayo." "Ibig sabihin yung Hummer mo sa Hacienda, dun lang yun? Nakatambay lang yun dun?" "Pinapagamit ko naman kay Mama pero ayaw nya. Eh di nakatambay lang talaga dun. Ako lang gumagamit nun dun eh." "You gotta be kidding me Zach!" "Why Love? Got problems with my car?" And he chuckled. "Just how expensive those cars are. Hummer, Macerrati, Range Rover." Napailing nalang ako. "I also have Tesla, Lexus and Cadillac." "You're unbelievable Zach!" Tinawanan lang nya ako. Ako nga walang kotse. Hindi talaga ako bumili ng sasakyan kasi wala naman ako dito. "You can use the Tesla Love if you have some errands to run." "Maggagrab nalang ako. Hindi ko alam idrive yun." "I'll teach you of course. At hindi kita papayagan na maggrab or taxi dito Love. I won't let you do that. Anong silbi ng mga sasakyan ko kung hindi gagamitin. Sayo na yung Tesla or yung Lexus, mamili ka nalang." "Anong color ng Tesla at Lexus?" "Tesla is White and Lexus is Red." "Wala ka bang Honda man lang o kaya Toyota?" Kumunot ang noo nito at tiningnan ako. Hindi naman ako nagbibiro. "I can buy you one." "Lexus nalang pala." Nginisian ako ng gago pero gwapo kong asawa. We went to a classy restaurant somewhere in BGC. Ang ganda ng interior ng restaurant and relaxing ang ambience. At ang gagalang pa ng mga crews. "Keith owns this place." Napaawang ang labi ko ng marinig ko ang sinabi ni Zach. Kay Keith pala ang restaurant na to. Magugulat pa ba ako sa mga pagmamay-ari ng mga kaibigan ni Zach. Pero itatanong ko sa kanya ang mga business ng mga kaibigan nya. After our dinner we headed to his Condo somewhere in BGC too. Natulala ako sa gara ng condominium, nasa labas palang kami pano pa kaya kapag nasa loob na. Napaka high end ng structure ng building. Mahal ang unit dito for sure. Kanino naman kaya ang building na to. Pagpasok namin sa lobby napansin ko agad na parang nataranta ang mga employees lalo na yung mga nasa reception area. Sabay sabay pa silang tumango at nagbigay galang samin ni Zach. "Wow ang hospitable naman nila masyado." Diretso lang na naglakad si Zach habang hawak padin ang kamay ko. At hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mga titig ng mga taong nandon. Napatigil ako sa paglalakad ng huminto si Zach at naglakad pabalik sa reception area. "Everyone, meet my wife. Her name is Ria." Hindi na ako nakapagsalita ng naglakad na ulit kami papunta sa elevator. Hindi ko mainitindihan ang mga nangyari pero nang unti-unti kong marealize at nagsink in na sa utak ko ang mga nangyari. Tiningnan ko si Zach. "Don't tell me ikaw ang may-ari ng building na to?" Nginisian lang nya ako. "Then I won't." Hinila nya ako at hinalikan sa noo. Natulala lang ako sa reflection namin sa salamin ng elevator. Kahit elevator ang gara din. Nasa 24th floor ang Unit ni Zach. Pagpasok namin sa unit agad sumalubong sakin ang amoy ng buong unit. It smells of Zach and his scent. The walls are made of glass. It compliments the design and the interiors, most of the furnitures were in Black and Gray in color. Napakamanly ng itsura. Bagay na bagay kay Zach. "Mag grocery tayo Love mamaya, may supermarket sa baba. Wala tayong stocks eh." "Ok. Can I take a shower first?" "Yeah. I'll show you the bathroom." Sumunod ako sa kanya at nadaanan namin ang kitchen. Pati kitchen ang ganda. Mukhang kumpleto din sa gamit. Napatingin si Zach sakin dahil sa bigla kong paghinto. "Feel free to use the kitchen Love. But I still need to buy you an oven. I don't have that yet. I know you love baking." "Ok lang naman. Naeexcite na akong magluto. Pero bakit parang hindi pa nagagamit ang mga utensils dito. Hindi ka ba nagluluto dito?" Tanong ko sa kanya. "I don't have time to cook. Most of my foods came from the restaurants and take outs." He answered. "Ipagluluto kita simula ngayon. Hindi healthy ang take outs lalo na kapag galing fast food. I'll cook your food everyday." "I love that." Pinakita nya saken ang bathroom at napaganda din ng interior nun. Bathroom na nga lang mukha pang mamahalin. "And this is my room Love. This will be our room. I also have 1 guest room." Napatango ako. Binuksan nya ang pinto ng kwarto nya at amoy naman ni Zach ang naamoy ko. Pati ang kwarto nya napaka manly ng set up. "May sarili din bathroom tong kwarto Love. Dito ka nalang magshower. After mo saka tayo maggrocery. Magshower din ako sa kabilang bathroom." "Ok. I'll fix my things too. Can I crash your closet?" "Do what you want Love." Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto. Inilapag ko ang dala kong bag sa sahig at pumunta sa closet ni Zach. "Ang organized talaga nya sa kanyang gamit." Kunti lang naman ang dala ko kaya itinabi ko nalang sa gamit ni Zach ang mga gamit ko. Agad akong kumuha ng maong short saka over sized na tshirt na white, may print ito ng care bears. Naglabas na din ako ng undergarments saka towel. Pagpasok ko sa bathroom puro gamit ni Zach nandun kaya yun nadin ang ginamit ko. After kong magshower at ayusin ang sarili ko, agad akong lumabas ng kwarto at nakita syang nakatayo malapit sa bintana at may kausap sa phone. Nakasuot nalang ito ng khaki shorts at white tshirt, nakatsinelas nalang din ito. "I'll be there tomorrow. Prepare the presentation. Advise the board members that we will have a meeting." Napatingin sya sakin at kitang kita ko ang pagkunot ng noo nya. "Yes. Thank you Celine." At pagkababa nya ng phone nya agad syang lumapit sakin. "Don't show too much of your skin Love. I won't allow other eyes to feast on your legs. Please change." I just rolled my eyes. "Puro short ang dala ko." Sagot ko sa kanya. Lalo tuloy kumunot ang noo nya. "Let's go to the mall first. Bumili tayo ng pajama mo." "Pajama talaga Zach??" "Yes o kaya pants or anything that will cover your legs. Those legs of yours are for my eyes only Love. Kapag may tumingin dyan baka makapatay ako." "Are you serious?" "Try me." He really looked serious. I heaved a deep sigh. "May leggings akong dala, magpapalit na ako. Happy?" Tinaasan lang nya ako ng kilay. "Ang possessive pala ni Love."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD