Ria
I woke up early this time, pano ba naman hindi din ako masyadong nakatulog dahil sa tanong ni Chivas. Nang sasagutin na sya ni Zach agad agad akong tumayo at iniwan sila. I am not prepared to talk about that with Zach. Oo nga at kasal na kami and by all means, he can claim me but for some reason he never tried to do it with me. We kissed many times pero hanggang doon lang. Hindi ko din naman narinig ang sinagot ni Zach sa tanong ni Chivas.
Agad akong naligo at nagsuot ng Mustard Dress na above the knee at nagsuot lang ako ng tsinelas. Pagkaayos ko ng sarili ko agad akong bumaba para pumunta sa kusina. Naabutan ko agad si Manang Elvie na ngluluto ng breakfast.
"Good Morning po." Bati ko sa kanya.
"Magandang Umaga din Juri. Maaga pa ah." Sagot nya sakin.
"Maaga na po akong gigising Manang Elvie.Tulungan ko na po kayo."
"Naku Hija, hindi ka na sana nagabala pero maraming salamat."
Lalabas na ako ng kitchen ng sakto naman ang dating ng tatlong magkakaibigan. Ang aga naman nilang gumising ngayon to think na nagiinom sila kagabi. Hindi ba sila tinamaan sa ininum nila.
"Good Morning Ria!!" Masiglang bati sakin ni Chivas. Agad syang sinuntok ni Zach sa braso kaya napangiwi sya. "The f**k?!"
"Ako ang dapat unang bumabati sa asawa ko. Bawiin mo yun!" Napamaang ako sa sinabi ni Zach.
"Seryoso ka Pre? Aga aga ah." Susuntukin na naman sya ni Zach. "Binabawi ko ang pagbati ko sayo Ria." Tinaasan nya ng kilay si Zach. "Happy?"
"Good Morning Love." And he snaked his arms around my waist.
"Ang aga nyo gumising ah. Hindi ba kayo mga lasing?" Tanong ko sa kanila.
"No. Kunti lang naman yun ininom namin kagabi. Saka pupunta na kami sa maisan para mag-ani."
Napaawang ang labi ko sa narinig. "Ngayon na yun? Pupunta na tayo dun?"
"Uhmm. If you're going with us Love, you might want to change your outfit?"
"Ahh. Oo, i'll change. Hintayin nyo ako." At nagmamadali akong umakyat para pumunta sa kwarto at magpalit ng damit. Kaya pala nakajogging pants sila at nakatsinelas. At pare pareho pa silang nakatshirt ng puti. Nagmukha tuloy silang mga modelo.
Nagsuot nalang din ako ng jogging pants saka pink na tshirt na may print ni Piglet. Tinali ko din ang buhok ko para hindi maging sabagal kapag mag-aani na.
Pagkababa ko saka sila nagyayang kumain ng breakfast. Nakita ko din ang 3 basket na sa tingin ko ay may laman pagkain saka mga bottled water. Pagkatapos namin kumain, dinala nilang tatlo ang mga pagkain, kaya pala madaming inihanda si Manang Elvie.
Paglabas namin ng Mansion, nakita ko agad si Peter at Parker na naghihintay sa tabi ng Ford Everest. Kumaway pa si Peter sakin. Nginitian ko naman sya.
"Ate Ria kasama ka namin?" Namamanghang tanong ni Parker.
"Oo Parker kasama ako, bakit?" Sagot ko sa kanya.
"Ahh. Akala ko kasi maarte ka sa mga ganito." Nginisian pa nya ako. "Mali pala ako. Hehehe."
"Sino ng nauna dun Peter?" Tanong ni Zach.
"Si Mang Tommie po saka si Kuya Darren. Nandun na din po yung mga mag-aani." Sagot ni Peter.
"Ok good. Let's Go."
Si Zach na ang nagdrive, nasa passenger seat ako, at nasa likuran na si Chivas, Keith, Peter at Parker.
"Malayo sa Mansion yung taniman ng mais?" Tanong ko kay Zach.
"10 minute drive Love."
"Hindi kayang lakarin?"
"Kaya naman po Ate Ria kung masipag kang maglakad." Si Parker na ang sumagot. Napatango naman ako.
Napatingin nalang ako sa daanan namin at sa mga punong nadadaanan namin. Napalawak talaga ng Hacienda Villafuerte. Nadaanan din namin ang taniman ng mga ibat-ibang klaseng Fruit trees. Ang taniman ng saging, palay at kape.
"Ate Ria nakikita mo yung malawak na taniman dun, un may Greenhouse? Strawberries ang nakatanim dun." Pahayag ni Peter.
"Talaga ba?" Nilingon ko si Zach. "May strawberries dito??"
"Yes Love, doon nakatanim. You can go there whenever you want to. Nacheck mo Peter kung ok na yung mga bunga?"
"Naman Sir Zach! Kung gusto mo Ate Ria sasamahan kita, magsabi ka lang." Natutuwang pahayag ni Peter.
"Sama din ako." Pahayag naman ni Parker.
"May pasok ka diba?" Tanong sa kanya ni Peter.
"Ate Ria sama ako ah. Bigay ko sayo number ko para itext mo ako kung kelan tayo pupunta."
"Ok, sige na Parker kasama ka na."
"Yes!!!"
Nakita ko ang pagngiti ni Zach on my peripheral view. At nakaramdam din ako ng saya dahil dun.
Weird.
Or masaya lang din ako na nakangiti sya?
At nakarating nga kami sa taniman ng mais. Namangha din ako sa lawak ng taniman. Nakikita ko din ang mga taong nag-aani ng mga mais. At syempre natakam ako sa mais mismo. Bumaba na kami ng sasakyan at agad sinalubong si Zach ng mga ilang tauhan nya, yata.
"Mukhang mapapalaban ako sa initan ngayon." Nagstretching pa si Chivas.
"This is f*****g crazy. I didn't expect that this maisan is this wide." Sabi ni Keith habang iniikot ang mata sa paligid. "Dapat hindi muna umalis si Matt and Luke."
"Kakayanin ba to ng man power natin?" Tanong ni Chivas kay Zach.
"We have machines you dumbass. Syempre hindi kakayanin ng man power only to. We have tractors and machines."
"Ahhh. Ok naman pala kala ko mangingitim ako dito eh."
Natawa ako sa sinabi ni Chivas at sa hitsura nya. Takot na takot talaga syang mangitim. Nilapitan nadin kami ni Mang Tommie at ni Darren. Kinuha pa ni Darren ang mga dala din namin na mga pagkain.
"Papadala pa ako ng mga pagkain dito. Kulang yun dala namin." Kausap nya si Darren na tumatango lang sa kanya habang kaakbay si Parker. Mabait si Zach sa mga tauhan nya.
"Mam Juri, napasama ka yata sa mga kalalakihan natin?" Tanong sakin ni Mang Tommie.
"Opo Mang Tommie, gusto ko pong sumama dito saka tumulong nadin."
Nginitian nya ako. "May maliit na pahingahan dun banda, pwede ka dun para hindi ka masyadong mainitan. At saka nandun din ang lutuan ng mga mais."
Nang marinig ko yun agad nagningning ang mga mata ko. "Talaga po Mang Tommie!!" Natawa nalang sya sa reaction ko.
"Makakapagpahinga ka din don. Dun din dadalhin ang mga dala nyong mga pagkain."
"Matagal po bang mag-ani ng mais?" Tanong ko sa kanya.
"Matagal din kasi sa lawak ng taniman nito at sa dami ng mga mais." Napatango ako sa sinabi ni Mang Tommie.
Maya maya pa ay nagumpisa nang magtrabaho sila Zach. Tumutulong din talaga si Keith at Chivas pero nakikita ko silang dalawa na minsan ay nagbabatuhan ng mais. Hindi na ako pinapunta ni Zach para tumulong dahil sa tirik ang araw. Si Chivas at Keith nalang daw ang ibibilad nya. Magaling na kaibigan.
"Sayang yun mais!!!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan ang dalawa at nagpeace sign pa sakin. Nakita ko din ang pagbatong ginawa ni Zach sa dalawa. Sinamaan ko sya ng tingin at ngumisi lang ang gago.
Hindi ko napansin ang oras dahil naging busy din ako sa paglalaga ng mga mais na kakainin namin. Inayos ko din ang mga pagkain para sa mga tauhan nila Zach. Sakto naman na dumating si Rimuel na dala ang mga tinawag na pagkain pa ni Zach. Tinulungan din nya akong ayusin ang mga pagkain na dala nya.
"Hi Mam Ganda!" Bati nya saken. Nginitian ko naman sya.
"May mais dito, malapit ng maluto." Sabi ko sa kanya.
"Sige po Mam Ganda, mamaya kukuha din ako. Tulungan ko lang silang magbuhat dun." Tumango naman ako.
Maya maya nakita kong papunta na sila Zach at ang mga ilan nitong tauhan sa bahay kubo. They were all sweating bullets and their clothes were damped. Agad agad silang nagsikuhaan ng bottled water. Nilapitan ako ni Zach.
"Are you ok Love?" Tanong nya saken. Tumango naman ako. Hindi naman ako napagod.
Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang dala kong towel. Nilapitan ko si Zach at pinunasan ang kanyang mukha. Nakita kong natigilan sya sa ginawa ko at pagkatapos hinayaan nalang nya ako.
"May dala ka bang pamalit mo? Basang basa na ng pawis mo ang damit mo."
"Yeah I have, nasa sasakyan Love. Pero hindi pa kami tapos eh."
My lips parted when he sexily removed his shirt. His 6 packs abs are showing. His v line is enticing. His ripped muscles were all in the right places. Literal akong napanganga sa katawan nya.
"B-bakit ka naghubad?"
"Basa na eh. Bakit?" Tiningnan nya ako at unti-unting may sumilay na ngisi sa kanyang labi.
"Alam ko iniisip mo Zach and stop it." Iniiwas ko na ang paningin ko sa nakadisplay nyang katawan sa harapan ko.
"Pakipunasan din ang likod ko Love hindi ko abot eh."
"Ayoko."
"Sige na please. Baka magkasakit ako kapag natuyuan ako ng pawis."
Nginusuan ko sya saka kinuha ulit ang towel saka pinunasan ang likod nyang...pati ba naman likod nito ang sexy.
Habang nakatalikod sya saken, naaamoy ko ang pinaghalo halong amoy ng kanyang perfume, pawis at ang natural nyang amoy. Mabango padin?
Nakita ko din ang paghuhubad ng tshirt nila Keith at Chivas. Napamaang din ako ng makita ko ang katawan nila. Napailing nalang ako. Nasan na talaga ang hustisya sa mga lalakeng ito? Like Zach's body, they also have 6 pack abs, perfect V line and muscles that were all in the right places. Tumitira ba sa gym ang mga taong to?
"Love, wag mo silang tingnan. Ako lang ang tingnan mo."
"Huh? Bakit?"
"Don't look at them. Pangit mga katawan ng mga yan."
Natawa ako sa sinabi nya. "Ok. Hindi na ako titingin. Pero grabe yun abs nilang dalawa. Parang ang titigas."
Nagulat ako ng kinuha nya ang mga kamay ko at dinala nya sa...sa abs nya. Napatingin ako sa kanya.
"May abs din ako Love, feel free to touch it. It's all yours." Feeling ko namula ako sa sinabi nya, agad kong binawi ang kamay ko sa kanya.
Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi ko na iaalis ang kamay ko sa matigas nyang abs.
"Oo na, matigas yan abs mo. Hindi ka ba magsusuot ng damit?"
"Hindi na, magtatrabaho pa kami eh." Tiningnan nya yung mga pagkain na nakahanda na. "Have you eaten?"
"Hinihintay kong maluto yun mais, yun ang kakainin ko eh." Napangiti si Zach sa sinabi ko.
"Still your favorite." Tumango ako sa kanya.
"Kumain ka na din muna, ikukuha kita ng pagkain mo." He just nodded. Kumain nadin ang mga tauhan nya pagkatapos. Bumalik din agad sila after nilang magpahinga. At habang nasa kubo ako, inenjoy ko ang pagkain ng mais.
Pinanuod ko sila kung pano nila binuhat ang mga sako ng mais. Nakikita kong pinipigilan ng kanyang mga tauhan si Zach pero hindi sya nakikinig. Mukhang nageenjoy naman sila sa kanilang mga ginagawa.
"Mamaya pa kami matatapos dito. Ipapahatid na kita kay Peter Love." Sabi nya saken pagbalik nya para uminom ng tubig.
"I'm ok. Hihintayin ko na kayo." Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Bakit?"
"Baka papakin ka ng mga lamok dito sa kubo. Uunahan pa ako." Seryosong sabi nya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
"Zach!!"
"What? Madami kasing lamok dito. Baka magkapantal ka pa. O kaya dun ka sa sasakyan at least may aircon don."
"Ok nga lang ako dito. Hintayin ko kayong matapos."
He just heaved a deep sigh and he nodded. Then he went back to what he is doing. Kinawayan sya ni Chivas at binigyan naman nya ito ng middle finger salute. Natawa nalang ako.
This day became productive for me. For some reason I really felt happy and contented. Feeling ko madami akong nagawa ngayon araw kahit parang wala naman talaga. Well, hindi ako nagstay sa loob ng Mansion. Nakalabas ako ng Hacienda at naexplore ko pa ang lupain ng mga Villafuerte. Naeexcite ako sa part ng pag-aani ng mga produkto ng kanilang mga taniman.
At si Zach, napaka hands on pala talaga nya sa Hacienda, Unico Hijo kasi. Mabait sya sa kanyang mga tauhan. Pero minsan parang gago lang din na pinagtitripan ang mga kasama. I'm starting to think tuloy na what if dumito muna ako at hindi ko ituloy ang pagalis. What will happen between us? Will it worth trying?