Slight SPG Ria "Dinner Juri. I'll message you the name of the resto." Camille is inviting me to a dinner, kakabalik lang nya kahapon galing honeymoon. "Kakabalik mo lang galing honeymoon, magpahinga ka kaya Cams." Sarkastiko kong pahayag sa kanya. "Nakapagpahinga na ako Juri. Magdate na naman tayo." "Fine. Kwentuhan mo ako in details." "Step by step pa Juri gusto mo?" At tumawa pa ang bruha. 7 pm ang meet up namin ni Camille. Nagpareserve sya sa isang Chinese Restaurant dahil gusto daw nyang kumain ng Xiao Long Bao, iniisip ko tuloy baka naglilihi na sya at start na ng mga cravings nya. I just wore a Pink sleeveless above the knee dress paired with my White Sandals. Inilugay ko nalang din ang buhok ko, naglagay ng liptint saka kunting blush on. Si Camille lang naman ang kikitain

