"THE LOST HEART

3578 Words
"PRINCE POV" simula ng iligtas niya si almira mula sa manyakis na lalaking yun! lalong naging isa silang dalawa nanalaytay na ang dugo nito sa kanya at hinding hindi na siya makakalayo sa dalaga maging buhay niya ay nakahanda siyang ialay dito!! lalo siyang nasasabik na maangkin na ito ng tuluyan! kaso maraming naging handlang lalo na kanina ng maramdaman niya ang kalungkutan nito! dahil nanalaytay na sa kanya ang dugo ni almira ay nakakausap na rin niya ito sa isipan lamang maging kahit gaano kalayo! nararamdaman na rin nito ang nararamdaman ng dalaga! ng malaman niya na inatake sa puso ang ama nito ay gusto niyang pagalingin ito sa pamamagitan ng pagpapainom ng kanyang dugo dito!!oo sila lamang na may dugo ng royal blood ang may kakayahan magpagaling ng anumang karamdaman ng pangkaraniwang tao! sila kasi ang pinakamakapangyarihan at pinakamatandang lahi ng mga vampira ! ngunit kailangan ay may permiso sa kanila dahil kung wala ay magiging lason ang dugo at magiging kamatayan ito para sa kanila! kaya napag pasyahan nalang niya na tulungan ito sa pamamagitan ng pagpapadala niya sa mga ito sa manggagamot ng kanilang lahi!! si Dr Shari kahit pa man kaya nilang pagalingin ang sarili may doctor din sila lalo na sa pagpapaanak ng kanilang magiging kabiyak!!ito rin ang gumagamot sa mga pangkaraniwang tao na may mahalagang parte sa buhay ng mga vampira!!tulad ng kapamilya ng mga kanilang nagiging mate!!hindi nila maaaring gawing kauri ang mga ito hangggat maaari kaya kailangan maging lihim ang kanilang pagkakakilanlan dahil may mga kalaban din ang katulad nilang vampira at werewolfs kahit immortal sila ay namamatay din sila lalo na kun sila ay tatamaan ng silver bullet hindi man sila basta basta mamatay ngunit napakasakit sa kanilang balat ang hatid nito! unti unti nitong sinusunong ang kanilang balat at kapag hindi agad ito natanggal ay nagiging lason ito kaya ito ang nagiging dahilan ng kanilang kasawian!lalo kun pangkaraniwang vampira lamang pero sila na nabibilang sa royal family ay may hindi basta basta tinatablan ng silver bullet dahil sa sobrang bilis nila ay bago pa ito tumama sa kanila ay siguradong nailagan na nila ito!kung sakaling tatamaan man sila ay tanging dugo lang ng kanilang mate ang makakapagpagaling dito!! isa lang ang pinakamortal na kaaway ng kanilang lahi ito ay walang iba kundi ang mga hunter!!ito ang mga pangkaraniwang tao na gumagawa ng pag aaral at makabagong teknolohiya para mapabagsak at malipol sila!! matagal ng panahon may ganitong hidwaan sa pagitan ng mga hunter at vampira at werewolf ngunit natuldukan man ito ng matagal na panahon may ilan parin ang hindi sumusunod sa kasunduan may mga lihim pa rin na pumapatay sa kanilang lahi para makaganti !!hindi naman nila masisisi kasi meron din naman na masamang vampira ang pumapatay din ng walang dahilan maging sa kanilang mundo at pinapatawan nila ito ng kamatayan kung mapapatunayan na pumatay sila ng walang dahilan o dahil sa tawag lang ng pagkauhaw sa dugo nito!!! anuman oras ay gigising na ang ama ni Almira!babalik ang lakas nito ng higit sa sampung beses dahil sa pinainom ito ng dugo na galing sa kanya kaya manunumbalik ang lakas nito ngunit hindi ito magiging imortal na tulad niya!mahigit sampung taon lang ang itatagal sa katawan ng pangkaraniwang tao ang lakas ng dugo nila pagkalipas ng sampung taon manunumbalik ang sakit ng ama ni almira.maari naman niya itong gawing kauri nila ngunit paano? si almira nga ay hindi pa alam ang buo niyang pagkatao marahil kapag natanggap na siya ni Almira at naging imortal na rin ito ay posibleng gawin niya ring kauri ang pamilya nito kung gugustuhin din nila!!! Dumating na ang oras na pinakahihintay nila Almira tinawagan sila ni prince para sabihin na nagising na ang daddy niya at pede na itong makita. mabilis siyang naligo at nagbihis para makapunta sa ospital. hindi rin siya gaano nakatulog pero parang ang lakas lakas pa rin niya dahil sa tuwang nadarama at makikita na uli ang kanyang pinakamamahal na ama! sabay na silang pumunta ng mommy niya sa ospital habang ang kuya niya ay naghihintay na sa kanila. hindi mawala ang kaba nilang mag ina inalalayan siya ni prince at ang kuya naman niya ay nakaalalay sa kanyang mommy!! tamang tama pagpasok nila ay nakaupo ang daddy niya at nakangiti na parang walang anong nangyari!! "Oh bat parang nakakita kayo ng multo" sabay tawa nito!! mabilis na lumapit ang kanyang mommy sa daddy at umiyak itong yumakap dito!! nakakatuwang pagmasdan ang dalawa na animo mga nagmumurang kamatis na naglalambingan! bumaling ang daddy niya sa kanya. "Dad pinakaba mo kami akala namin kung ano ng mangyayari sayo.bakit dimo sinasabi na masama na pala ang pakiramdam mo!!umiiyak na wika niya dito!! niyakap siya ng daddy niya!! " naku ito talagang bunso ko!wala naman nangyaring masama sa akin!!look Im alive and still kicking!!! "naku tumigil ka ngang matanda ka! kung hindi dahil dito kay Liam eh baka pinaglalamayan ka na namin!! "sweetheart naman! sabay kamot ng daddy niya sa ulo!! "maraming salamat hijo utang ko ang buhay ko sa iyo !! " huwag na ho kayong mag isip ng kung ano! ang mahalaga ay gumaling kayo ng tuluyan!! "sabagay hindi niyo pa ako nabibigyan ng apo!ikaw Alfred mag asawa kana para mag kaapo na ako baka maunahan ka pa netong si Almira!! pinamulahan na naman ng mukha si almira!! "daddy bat ako na naman !!wala nga akong boyfriend pano ako mauuna!" "Naku Liam bilis bilisan mo!para naman makadami na kayo!ayoko pang mamatay ng wala pa kong apo!! "mom si daddy oh!! ngunit ngumiti lang ang mommy niya parang sang ayon pa ata ito sa sinabi ng daddy niya!! akmang tatayo ang daddy niya ng parang bigla itong nahilo. buti nalang at nakaalalay agad si kuya alfred niya at tinulungan itong makabalik sa higaan! "wag muna kayong tumayo mr.villaflorr your body is not yet fully recovered!we need a lot of test to do!and you have to stay here for a couple of weeks to make sure if the operation succeed and after that you can live and explore as good as a new!!! paliwanag ni doctor shari!! hinayaan muna nilang magpahinga ang kanyang daddy. naiwan ang mommy niyang para magbantay dito! bumalik silang tatlo sa hotel at dun na rin nagpasyang kumain ng tanghalian!! "almira tutal naman ay ok na si daddy maari ka nang bumalik sa manila ako na muna ang bahala dito.tutal naman mag sem break na kayo saka ka nalang uli bumalik dito! tutol man siya ay wala siyang magawa may kailangan din siyang tapusin dahil graduating na nga siya at ilang araw nalang ay sembreak na. maari na uli siyang makabalik agad at alagaan ang daddy niya!! pagkatapos kumain ay nagpaalam na muna siya sa dalawa na mauna na siyang bumalik sa room niya para ihanda ang mga gamit pabalik sa manila! dadaan din siya mamaya sa hospital para makita ang dalawang oldies!! wala si prince ng makabalik na siya sa ospital.tuwang tuwa siya dahil parang hindi naman naoperahan ang ama mabilis itong nakarecover at masayang nakikipaglambingan sa mommy niya!! lumapit siya dito at yumakap sa dalawa!! "wag na muna kaya akong bumalik sa manila dito na muna ako!! hinaplos ng mommy niya ang kanyang mukha!! " go ahead baby ok lang kami ng daddy mo! we can spend our vacation here na matagal na rin naming gustong gawin" " gusto ko ring masolo ang mommy mo !! sabat ng daddy niya!! "naku ha kala ko pa naman ayaw niyo ko paalisin eh mukhang magiging sagabal pa yata ako kung magpapaiwan ako dito"biro niya !! maghapon di nagpakita si Prince sa kanya marahil madami itong inaasikaso!! nakalabas na din ang daddy niya at tumuloy sila sa mansyon na pag aari ni prince! grabe talaga ang lalaking yun bagay na bagay ang pangalan nito sa uri ng pamumuhay meron ito!! tumuloy na ang mga oldies sa kanilang kuwarto para magpahinga habang ang kuya naman niya at mga ilang kasambahay ang umalalay sa mga ito!! tinulungan naman siya ng isa sa mga kasambahay bata pa ito sa tingin niya ay di nalalayo ang edad niya dito marahil matanda lang ito sa kanya ng mga ilang taon. buong maghapon niyang di nakita si prince bakit parang ang bigat ng dibdib niya na mimiss na agad niya ito.nagpasya siyang maligo at pagkatapos ay sumilip siya sa kwarto ng mga magulang ngunit mahimbing na itong natutulog marahil ay napagod ang mga ito kaya napilitan tuloy siyang bumalik sa sariling silid!humiga siya sa malambot na kama at maya maya ay nakaramdam ng antok. naalimpungatan siya ng may maramdamang humahaplos sa kanyang mukha nakangiti ito sa kanya napakalapit ng mukha nito sa mukha niya kaya nakaramdam siya ng hiya. "your still beautiful even in your sleep" "kanina ka pa ba dito?bakit di mo ko ginising?" " sarap ng tulog mo paano kita gigisingin! nakahanda na pala ang hapunan!" tumayo na rin siya at sabay silang lumabas ng kwarto! masayang silang nagsalo salo nakakatuwang pagmasdan ang kanyang daddy dahil ang bilis bumalik ng lakas nito parang hindi ito inoperahan!bukas ng maaga ang balik niya sa manila mamimiss niya ng mga oldies hindi pa kasi nawalay sa kanya ang mga ito ng matagal.marahil mas makakabuti nga sa dalawa ang magbakasyon na rin dito para naman makapagrelaks ang mga ito...panatag naman ang loob niya dahil alam niyang ligtas at walang dapat alalahanin dahil siguradong hindi naman pababayaan ang kanyang magulang lalo pat nasa poder ni prince ang mga ito. hindi na siya nagpahatid pa sa mga magulang mukha pa ngang masaya ang mga ito dahil masosolo nila ang isat isa akala mo mga teenager kung umasta!! "Liam hijo ikaw na muna ang bahala sa unica hija namin!!at almira anak huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo yan si liam!!bilin ng kanyang mommy!! silang dalawa lang ni prince ang babalik sa manila sa susunod na araw pa babalik ang kuya niya kelangan pa nitong siguraduhin ang mga pangangailangan ng mga oldies bago bumalik at siyempre ang negosyo nito na hindi rin pede pabayaan at higit sa lahat ang gilfriend nitong si jenny!! Tahimik lang si almira nang makasakay na sila sa private plane nila prince. mabilis ang kabog ng dibdib niya dahil ngayon lang talaga sila magkakaroon ng mahabang oras na magkasama. kanina pa siya hindi mapalagay sa pagkakaupo wala naman si prince sa tabi niya at kanina pa ito wala bakit kaya hindi ito nagpapakita sa kanya. siguro napagod ito sa mga nagdaang araw kaya baka nagpapahinga naman ito! ilan oras na ang nakalipas magtatanghalian na at medyo nagugutom na siya kaya napagpasyahan niyang hanapin ang crew para humingi dito ng maiinom. nakakagulat dahil wala siyang makitang tao sa paligid kaya dumiretso nalang siya maghahanap nalang siya kung saan makakakita ng pagkain nagugutom na talaga siya!! grabe ang private plane na ito para kalang nasa loob ng bahay pagpasok mo makikita mo na ang sala me sofa din at me malaking tv sa gilid.lalo siya nakaramdam ng gutom ng may maamoy na masarap na lutuin may nagluluto na pala ng kakainin nila akalain mo me kitchen din pala itong plane na to. natigilan siya ng mabungaran niya si prince pala ang nagluluto at kitang kita nito ang malapad na likod na nakasuot lang na fitted white shirt at short pants ang tambok ng pwetan nito mas matambok pa yata sa kanya!Diyos ko nakatalikod palang ito pero makalaglag panty na pano pa kaya kung wala itong suot!! humarap sa kanya si prince ng nakangiti!. "I know what's on your mind" sabay ngiti nito ng nang aakit!! pinamulahan ng mukha si almira!!. akma siyang aalis ng hawakan nito ang kanyang kamay at hilahin palapit dito!! "na miss mo ba ko?kanina pako naghihintay na puntahan mo dito!!akala ko matitiis mo akong hindi makita buong araw!! may pagtatampo sa boses nito!! lumingon siya sa lamesa me mga nakahain pagkain ibat ibang putahe! "ikaw nagluto ng mga ito? " actually hindi talaga ako ang nagluto niyan pinahanda ko na yan kanina ininit ko lang kasi hindi ko na pinasama lahat ng crew tayong dalawa lang at ang dalawang pilot ang nandito!!" gusto kitang masolo ng walang istorbo!" kinabahan si almira anong ibig sabihin ng sinasabi nito!me balak ba itong gawin sa kanya!!napahawak siya sa dibdib. "no that's not what i mean gusto kong makausap ka ng tayo lang and I think this is the right time for you to know everything!!unless you want something more?!!" " ewan ko sayo!! irap niya dito!"lika na kain na tayo gutom na ko!! " pinagsandukan siya ni prince ng kanin napakamaasikaso nito! ganito siguro ito sa lahat ng mga nagiging babae niya!! " sayo lang ako ganito at asahan mo lagi akong magiging ganito sayo mula ngayon!! "weh di nga!! sa gwapo mong yan! sigurado ang dami mo ng naloko at napaiyak!! habang panay ang subo niya ng pagkain!! " kung sa madami!!i cant count and can't remember who I slept with! I'm a hot blooded and i cant say no to anyone who try to seduce me! but that was before! wont you believe after I met you! i've never touch anyone or I dont want to touch anyone aside you!! tinitigan niya itong mabuti seryoso ang mukha nito siya na ang kusang umiwas ng tingin dito hindi niya matagalan ang bawat tingin nito parang nadadala siya at gustong sumabog ng kanyang puso sa tuwa!! "hindi ka ba kakain?" umiling lang ito at masuyo siyang pinagmamasdan. "will you stop staring at me!! hindi ako makakain ng maayos" naiinis na sabi niya pero ang totoo kanina pa niya gustong matunaw sa kinauuupuan! ikaw ba naman tingnan ng malaadonis na lalaking to dika kaya magdidiliryo!! "Ok " tumayo ito! "what do you want to drink? " water na lang!!" grabe ang busog niya!halos maubos niya ang nakahain.ito kasing lalaking to hindi sumabay sa pagkain niya kaya napilitan tuloy siyang kainin lahat pero di kinaya ng power niya kaya may natira pa tuloy!! akmang tatayo na siya para ligpitin ang pinagkainan ng mabilis na nakalapit si prince at ito ang nagligpit sa isang iglap ay nahugasan at nailigpit na niya lahat ng mga kasangkapan.nanlaki ang mga mata niya ano pa ba ang kaya nitong gawin?? lumapit ito sa kanya at hinapit siya nito papalapit lalo sa kanya!! "are you afraid of me? hindi agad siya nakasagot halo halo ang kanyang emosyon! nagulat nalang siya ng mapansin nasa sala na sila at nakaupo na silang dalawa ni prince sa malaking sofa!! dahan dahan itong lumapit sa kanya pero lumayo siya dito! " sandali lang!! "magician ka ba? panong nagagawa ang lahat ng ito????tumitig ito sa kanya at bumuntinghinga ng malalim at nagsimulang mag salita!! Do you believe in VAMPIRE mira?? tumawa siya ng malakas!! "wag mo nga akong biruin ng ganyan!!dika nakakatuwa!! biro niya dito pero ang totoo kanina pa siya kinakabahan. maaring totoo ang sinasabi nito dahil nakita na ng dalawang mata niya ng lumabas ang pangil nito ng iligtas siya! akala niya naghahallucinate lang siya nung araw na yun!yun nangyari ng muntik na siyang halikan ni jake ayaw din niyang paniwalaan pinipilit niya ang sarili na kayang gawin ng normal na tao yun!!alam niyang may iba sa pagkatao ng pamilya ni prince pero ang maging vampira???hindi niya alam!!ano bang klase biro ito.bakit kailangan mangyari sa kanya ito!! I'm not joking!!were Vampire !!we exist!!isa akong imortal!lahat ng nakita mo hindi yun mga kathang isip!!gusto kitang maging bahagi ng mundong ginagalawan ko Mira" "sandali nalilito nako! ibig din sabihin totoong sumisipsip kayo ng dugo at pumapatay ng tao??garalgal na tanong niya! "yah totoong umiinom kami ng dugo ng tao pero hindi kami pumapatay we can drink animals blood instead !!! "Alam kong mahirap paniwalaan pero lahat ng nasaksihan mo ay totoo.ikaw ang nakatakdang maging kabiyak ko at makakasama habangbuhay!! " wait !!anong nakatakda ? "your mine almira!!your my mate!we're destined to each other!! sana matanggap mo ako bilang kabiyak mo!! ano ang isasagot niya kaya ba niya na matanggap ang katulad nito!! pambihira naman akala niya tanggap na niya kung anuman ang pagkatao meron ito pero bakit ngayon nalaman na niya ang sikreto nito! bakit hindi niya kayang magdesisyon!!akmang hahawakan siya ni prince pero mabilis siyang umiwas dito!!nakaramdam siya ng takot!!naguguluhan talaga siya!! "please mira wag kang matakot sakin hindi kita sasaktan!! may pakiusap na sabi nito! " prince gusto ko munang mapag isa!!i need space!I need time!!! "ok I'm giving you space and time sana lang wag ganun katagal!!!! bigla nalang itong nawala sa tabi niya!!parang nakaramdam siya ng matinding pagod gusto muna niyang magpahinga ayaw muna niyang mag isip!! mabilis na lumipas ang oras. di niya namalayan na nakababa na pala ang eroplano nila sa manila!!sinalubong siya ng crew at inalalayan na makalabas ng eroplano.hindi niya makita si prince .naglakas loob siyang mag tanong pero ang sabi lang ng mga ito ay nakalabas na daw si prince! tingnan mo nga yun taong yun hindi man lang ako inintay!!nagdabog siyang lumakad palabas at hindi na niya napansin ang mga tao na nasa paligid niya!!naiinis siya dahil iniwan siya ng mokong na yun na mag isa!!nakalabas na siya ng aiport!hinahanap niya si Mang Cardo pero wala pa ito! nagulat siya ng biglang sumulpot sa harapan niya si Lauren!! "welcome back besh!!! besh mo mukha mo!irap niya dito!. " At bakit ngayon kalang nagparamdam di mo man lang ako tinawagan o kinamusta !! tampong wika niya kay lauren! "pasensiya na besh gustuhin ko man hindi ko nagawa meron kasi akong mahalagang bagay na ginawa!! " what? a vampire thing??? " so alam mo na pala!! well yes but never kong inakala na isa kang vampire lauren!I feel betrayed!!I feel lost!! alam ko na may kakaiba sayo sa inyo ni prince at sa mga pinsan mo pero hindi ko naiisip na may mga tulad niyong nag eexist!!bakit ba nasali ako bakit kelangan dapat ako!! hindi na niya napigilan ang mapaiyak!mahal niya si lauren bilang kapatid handa naman siyang tanggapin kahit ano pa ito kaso san siya magsisimula maraming bagay na hindi siya alam.paano ang pamilya niya matatanggap ba ng mga ito na ang lalaking iniibig niya ay isang imortal!Si "PRINCE" alam na niya sa sarili niya na mahal na talaga niya ito at alam niya na kahit maging aswang pa ito ay mamahalin parin niya ang mokong na yun!! hinawakan siya ni lauren sa dalawang kamay!! "besh alam ko naguguluhan ka pa!pero isa lang ang masasabi ko hindi kami masamang tao!biktima rin kami ng tadhana!! hindi namin ginusto ang maging ganito pero sa kabila ng lahat pinipilit naming maging normal at mamuhay ng katulad niyo!sana walang magbago pagkatos ng mga nalaman mo!pero nakahanda akong tanggapin kun anuman ang maging desisyon mo!! niyakap siya ng kaibigan at tumalikod na ito papaalis!! hiindi niya namalayan kung gaano siya katagal nanatiling nakatayo maya maya ay dumating na si mang cardo na panay ang paumanhin sa kanya pero parang wala siyang maintindihan sa sinasabi nito!! nakarating siya sa bahay na lutang ang isip inalok siya ni mang cardo kung gusto niyang kumain pero tumanggi siya.hindi siya nagugutom!wala siyang gustong gawin!! nagpaalam siya na magpapahinga na muna dahil napagod siya sa biyahe!! umakyat na siya sa kwarto!!kanina habang nasa biyahe tinawagan niya ang mommy para sabihin na ok ang naging flight niya!!sandali niya rin nakusap ang mga ito dahil madaling araw pa dun!! paghiga niya sa kama saka niya naramdam ang pangungulila pakiramdam niya nag iisa na lang siya!!!!na mimiss niya ang mga magulang!!na mimiss niya si lauren at higit sa lahat na mimiss niya si prince!!ganito pala ang mabroken hearted masakit pala!!pilit niyang huwag umiyak pero kusang tumutulo ang kanyang luha alam niya malalagpasan niya ito pero sana kayanin niya!! kinabukasan pinilit niyang pumasok kahit mabigat ang katawan kahapon pa siya hindi kumakain. hindi siya makaramdam ng gutom. di rin siya gaanong nakatulog kagabi!!na mimiss niya si prince pero natatakot siya na makita ito dahil natatakot siya sa sarili kung anong mararamdaman niya kapag kaharap na ito.mananaig ba ang puso niya o ang isipan na wag pumasok sa mundong ginagalawan nito!!! nabungaran niya si lauren.nakatitig ito sa kanya!bahagya siyang naasiwa dahil parang ibang lauren ang kaharap niya!hindi niya maintindihan ang sarili ano bang nangyayari sa kanya!! nginitian lang niya ito at buong oras ng klase ay nayuko lang siya!ayaw niyang sulyapan ang kaibigan!natatakot siya na tingnan ang mga mata nito!tapos na ang klase pero nakaupo pa rin siya!wala na rin si lauren sa tabi niya!!mabigat ang loob na humakbang siya paalis dahil malapit na ang sembreak maikling oras nalang ang klase nila halos wala na rin naman silang ginagawa!! nakauwi siya ng bahay ng hindi niya namalayan.nag aalala na si mang cardo sa kanya kasi halos hindi talaga siya kumakain dalawang araw na siyang walang gana!!katwiran niya ay namimiss niya ang mga magulang na totoo naman pero mas may isang taong labis na nagpapangulila sa kanya!! umakyat na siya sa kwarto at nagmukmok! nanghihina siya bakit ganito ang nararamdaman niya parang wala siyang lakas manhid ang katawan niya kahit ang puso niya!! parang ayaw na niyang mabuhay pa!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD